5 Games

113K 1.3K 63
                                    

5

Palabas na sila ng fastfood chain ng makasalubong ang bagong kasal na sina Marcus at Alexie. IIwas sana si Aron para hindi sila makita ng kapatid pero huli na.

"Kuya, nice to see you here." Napatingin ito kay Candice.

"Candice? Candice right?"

Napanganga na lang si Candice. Eto yung ikinasal at siya naman yung nagpakilalang boyfriend ng ngayon ay boss niyang si Aron Miguel na kapatid naman nito. Ay ano ba! Nakakataranta.

"Hi, Alexie." Nagbeso ito sa kanya. Ang lapad ng ngiti ni Marcus kay Aron Miguel. Paano ba naman me bitbit pa itong take home.

"Marcus, can you still remember her? Aron's girlfriend."

"Of course Babe, ang kaisa-isang babaeng ipinakilala ni Aron kina Mama at Papa mo. Kumusta Candice?"

"Okay naman." Di niya actually alam ang gagawin niya. Bakit kasi nagkita pa sila, of all the places, dito pa talaga, at sa malas magkasama pa silang dalawa.

“I’m really happy for you, brother, finally may sineryoso ka ng babae.” Bulong nito sa kanya. “And you looked cute together, di ko akalain na makikita kita dito, buti na lang at pinilit ko si Marcus na kumain sa Jollibee.”

“Aron, matutuwa nito si Ruel, seryoso ka na talaga ha.” Asar pa ni Marcus.

Sasagot pa sana siya ng si Candice naman ang balingan ng kapatid. “Candice, bonding naman tayo one time oh, alam mo, I’ll tell you a lot of secrets about Aron.”

Bago pa saan mapunta ang usapan ay nagpaalam na si Aron Miguel.

“Ah, Alexie, Marcus , may pupuntahan pa kasi kami ni Candice, so, next time na lang yung bonding time na yan ha.”

Nagpout ang kapatid. “Sige na nga, I know naman na magkikita pa tayo ulit, nararamdaman ko yun Candice, naku, mukhang magkakasundo tayo.”

Ngumiti na lang si Candice, patay siya nito kay Aron Miguel.

Nasa loob na sila ng sasakyan. Nakita niyang napapikit si Aron Miguel. Naawa tuloy siya, nawawala na ang mata nito kapag ganitong natetense ito.

“Ah, Sir…

“Call me Aron Miguel.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon