BOOK II-7

74.4K 958 54
  • Dedicated kay Imee Sabale
                                    

7

*******

Dahil sa ilang messages sa inbox, mga isa…wahahaha, mag uupdate na ako, sobbbbbbrrrraaaang busy talaga! Hangang end ng March ito, then wagas ang power blackout sa amin! As in every hour, rotational kaya di rin stable ang koryente…kaya ganun..yun lang, so di ba, mabait naman kayo? Leave a comment and click the vote button, para sa magandang tulad ko….

**********************************

Nagtataka man ay sumunod si Elvin. Pagdating sa cottage ay biglang umiyak si Candice. Nataranta naman si Elvin, inaway ba ito ni Aron Miguel? Wala naman siyang nakikitang problema nung dumating siya kanina, o baka naman nahuli siya ng dating?

“Anong nangyari? May ginawa ba siyang masama sayo ha, Babe?” Nag-aalalang tanong niya.

“Wala. Pasensiya ka na Elvin ha. Ang tanga-tanga naman kasi niya, imagine, for two years para akong engot na iniyakan siya, buong akala ko ikinasal na siya sa ibang babae, pagkatapos hindi pala?” Naghalo na yata ang luga niya at sipon sa sama ng loob.

“Talaga! You mean, he’s still single and available and still waiting for you?  Friend, that’s a good news!” nagpapalakpak si Elvin sa tabi niya, samantalang siya umiiyak.

“Sinayang niya yung dalawang taon, Elvin!” Kinuwento niya rito ang mga sinabi ni Aron Miguel sa kanya.

“Ay! Nakakadismaya naman yang Papa Aron Miguel mo Candice, sobra naman siya, imagine, ako, ka live-in mo sa Canada? I don’t like him na. Aagawin ko pa naman sana siya sayo.”

“sira!” Parang tanga pa in siyang umiiyak. Umiiyak siya dahil sa mga nasayang na panahon na sana ay masaya sila. Minsan talaga, hindi nag-iisip ang tao. Nawawala ang common sense. At si Kuya Carlos niya, mananagot ito sa kanya, imagine, ito pa ang nagconfirm na sila na talaga ni Elvin! Sabagay, siya rin naman ang may kasalanan. Kundi ba naman sinabi rin niya na nobobyo niya ito.

“Alam mo, dapat sa Aron Miguel na yan, pinapahirapan muna. Wag ka munang makipagbalikan Babe, magpakipot ka muna, tutal naman sa makalawa, uuwi na ako, sulitin na natin! Nag lilive-in pala ha.” Evil plan Elvin!

“At anong binabalak mo?” Sabay punas sa natitira niyang mga luha.

“Simple! Patayin sa selos si Aron Miguel. Acting na kung acting Babe!”

******

Nagkasiyahan sila nung gumabi, they gathered around, put a bonfire. Ang sarap sa pakiramdam ang ganito na relax at walang iisiping trabaho, sa tabi ng dagat. Siyempre, katabi niya si Elvin na sisimulan raw ang kanyang operation, patayin sa selos si Aron Miguel.   Talaga namang pag gumana ang creative mind ni Elvin.

Katabi ni Aron Miguel si OWa na asawa ni Loise, walang partner nung dumating ng Samal ha. Nasa harap nila ito nakapwesto kaya nung umupo sila, narinig niyang sabi ni Elvin, “perfect”. Dahil malamig pa rin kahit may bonfire na ay share sila ng jacket ni Elvin. Matangkad ito, di nga lang kasing tangkad at kasing tangkad ni Aron Miguel. Niyakap siya ni Elvin, ang pa sweet lang ang loko.

Kahit ayaw ni Aron Miguel ay talagang makikita at makikita sila nito dahil nasa harap nga ang puwesto nila. Ang lokong Elvin, pinaglalaruan pa ang buhok niya, mukha itong naglalambing sa girlfriend. “Babe, malapit ng umusok sa selos ang ex mo.” Bulong nito sa kanya. “Ang sarap lang pagselosin Babe.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon