30 Thalia

82.7K 988 40
                                    

Salamat sa nagbabasa at nagboboto at nagkukumento (nosebleed) sa kuwentong ito.

****

Tulad dati ay hirap na namang makatulog si Aron Miguel, hindi dahil sa hindi siya kumportanble kundi  dahil naiimagine niya ang kanyang Irog sa loob ng kuwarto. Ang hirap naman kasi nito. Ang hirap magpigil, baka akalain ng nagbabasa na nababakla na siya, hindi oi! Nakapagpangako lang siya sa Papa nito na igagalang niya ang nobya.

Di ba pwdeng igagalang niya pa rin ito kahit  na may nagyayari sa kanilang more than kisses and hugs? Naisabunot niya ang buhok.

Pinag-isipan na lang niya ang gagawin sa kanilang first monthsary, since nasa Hongkong na sila at since napaikli ang conference at wala na silang gagawin sa 24, balak niyang mamasyal sila ng nobya. At dahil paborito nito ang mga alien creatures na pinapanood sa internet at sa TV ay ipapasyal niya ito sa Disneyland. Siguro naman mag-eenjoy ang nobya. Sana nga.

******

Aron Miguel is so excited that day, eto ang kanilang first monthsary ng kanyang Irog, tulog pa ito, pero siya kanina pa gising, ready na ang kanilang breakfast at meron siyang hinandang flowers and monthsary cake. Natawa siya, di niya akalaing maiisip niya ang lahat ng mga ito. Kung andito lang ang dalawa niyang kaibigan, minus Alexie, malamang kinantiyawan na siya ng mga ito.

Pupungas-pungas na lumabas si Candice sa loob ng room, pagkatapos nagulat siya dahil naka set na ang kusina.

Isang guwapong-guwapong Aron Miguel ang nakita niya. Nakangiti ito ng parang ewan. Good morning Irog, then he claimed her lips. Langya! Di pa kaya ssiya nakakapagmumog man lang! Yuck!

“happy monthsary.” He said in his sweetest voice. May ganun ba? “I love you Irog.” Hinalikan siya ulit nito.

“I love you too, Boyfriend, but please, wait lang, magmumumog muna ako at magtotoothbrush.” Diyahe kaya no!

Napangiti si Aron Miguel ng nagtatakbo na ang nobya. Kahit talaga kailan ang kulit nito. Pagbalik, nakakatakam na ang itsura nito, parang pagkain lang na nakahain sa lamesa. HEhehehe

He gave her the bouquet of flowers. “Boyfriend, I was not able to buy something for you.”

“ok lang, loving me is the best gift that you can always give, Irog.”

Ang corny naman ng Boyfriend niya, but in fairness, nakakakilig ha. Nilagyan siya nito ng pagkain sa plato, parang prinsesa lang kung pagsilbihan.

“after this, we will go to Disneyland.” He was hoping na ok lang sa nobya, yun kasi ang nasa plano niya.

“Really! Wow! The last time that I’ve been there was when I was a kid, kami ni Kuya Carlos.”

“I’ve never been there.” Hindi naman siya kahit kailan nahilig sa cartoon character, kaya nga akala niya ibon si spongebob.

“You will love there, Boyfriend, nandun lahat –lahat ng paborito kong cartoon characters!” Napangiti siya, di maikubli na excited ang nobya.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon