Book II - 5

76.4K 859 31
                                    

5

*****

Naghiyawan ang mga tao. Ang daming kinilig, hindi naman kasi nila alam na kasama niya si Elvin ngayon at ito ang kunwaring boyfriend niya, at di naman yata nila alam na kasal na si Aron Miguel. Pero siya, biglang natauhan, ang tanga-tanga niya! Bakit siya pumayag na magpahalik sa harap pa man din ng maraming tao, sa kasal pa man di ni Loise. Ano na lang ang sasabihin ni Elvin sa kanya? Siyempre naman, kahit na kunwari lang ay may pride pa rin ito.

Seryoso lang na nakatingin si Aron Miguel sa kanya, tila may binabasa ito sa mukha niya, di niya kinakaya ang mga titig nito, napapaso siya. Nagpasalamat na ang emcee sa kanila. Nakahinga naman siya ng maluwag. Instead na bumalik siya sa table nila ni Aron Miguel ay pumunta siya kina Elvin.

“Are you okay Babe?” Nakabawi na si Elvin sa nangyari, kasi naman itong si Papa Aron Miguel, sobrang makapakilig, babae kaya siya na nasa katawang lalaki.

“Samahan mo ako Babe.” Yaya ni Candice. Hinila niya ang nobyo kuno sa labas ng reception.

Nung masiguro na wala ng tao ay bigla itong umiyak. Hala! Anyare? Nataranta si Elvin. Niyakap na lang niya ang kaibigan.

“Sa sasakyan na lang tayo Babe.” Aya niya. Nag-aalala kasi itong may biglang lalabas. His bestfriend is a mess right now, bigla na lang umiyak. Tango lang ang tanging ginawa nito.

 Hinayaan na lang niya itong umiyak nung nasa loob na sila ng sasakyan, mabuti na lang at tinted ang salamin. Napailing siya, obvious naman na mahal na mahal pa rin ni Candice si Aron Miguel.

“Sorry Babe ha, hinayaan ko na halikan niya ako.” Nasabi niya sa kaibigan.

“Candice, I understand. Ikaw ang inaalala ko oh! Look at you? Di ba, the reason why we are here is for you to prove na okay ka na, na nakapag moved on ka na? Sumama na nga ako para may ebidensiya eh.”

Suminghot siya, pinahid ang mga luha, kalat na ang make-up niya. “Ewan ko nga Babe, nakita mo naman siguro ang epekto niya sa akin, di ba?” Tinignan niya ang repleksiyon sa salamin, nakakahiya ng bumalik. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag at tumawag kay Loise.

“Loise, I’m really sorry, I didn’t mean to make a scene kanina. Sorry girl. Pakisabi kay Owa na sorry. Uuwi na kami ni Elvin ha, di ko na kakayaning makita si Aron Miguel ..Loise, I hope you understand.”

***

“ok na ba ang mukha ko Babe?”

“Nope.”

Pauwi na sila sa condo unit ni Candice. Sa makalawa pa sila babalik ng mansion. Ang sabi kasi ni Elvin, dadalawin raw nila ang mga kamag-anak nito sa Davao. Isang Linggo lang kasi ang paalam nito sa office, then babalik na ito ng Canada, susunod na lang siya after three weeks.

“Nahihiya talaga ako sayo Babe.”

“May ganun ka na ngayon Babe? Pero meyged! Muntik na talaga akong himatayin kanina, alam mo Babe, I saw him grabbing you’re hand, then when you tried to pull it, ayaw niyang bitiwan. Babe, graaaabbeee! Sobrang kinikilig ako sa inyo!”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon