15 Bistado

94.1K 1K 8
                                    

“Candice?”

Oh no, boses pa lang alam na niya!

Ang Papa!

Parang slow motion pa na lumingon siya. Ang Papa nga niya, kasama nito ang Kuya Carlos niya.

“Candice? What are you doing here?” Ang Kuya niya.

“Hi Pa.” Humalik ito sa pisngi ng ama. “Hi Kuya, ang gwapo ninyong dalawa ngayon ah.” Grabeh, sobrang kinakabahan siya.

Questioning look pa rin ang dalawa.

“Ah, Amigo, iho, mukhang may sorpresa si Candice sa inyo.” Si Tita Lourdes.

“Sorpresa?” Ang Papa niya.

Goodluck sa kanya! Siguradong puputaktehin na naman siya ng tanong ng mga ito.

Dun biglang nagsalita si Aron Miguel. Lumapit ito sa Papa ni Candice at nagmano. “Magandang gabi po, Sir. I’m Aron Miguel Almensor, your daughter’s boyfriend.” Nakipagkamay naman ito sa hindi nakapagsalitang si Carlos.

“Ikaw ang nobyo ng anak ko?” Gulat na gulat ang tatay ng dalaga. Bigla tuloy lapit si Candice at kumapit sa braso ng ama.

“Papa, sasabihin ko naman sana sa inyo, kaso lang, di pa tayo nagkaroon ng time na makapag-usap.”

“Amigo, nagmamahalan ang mga bata.” Singit ni Tita Lourdes.

“Kailan pa naging kayo?” Tanong ng Kuya Carlos niya.

Patay! Di pa talaga nila napag usapan kung kalian ba sila officially na naging mag on.

“Mga mag lilimang buwan na rin, Carlos.” Si Aron Miguel ang sumagot.

“Mag lilimang buwan? Di mo man lang nabanggit sa amin yan ng Papa?”

“Ah, Kuya, pwde bang sa bahay na lang natin pag-usapan? Nakakahiya naman kay Tita Lourdes oh, birthday niya, saka Kuya, kaw talaga, dapat, you should be happy for me, di ba madalas ninyo akong itinutulak na magkaroon ng serious boyfriend, ayan, meron na.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon