Book II-10

71.8K 1K 67
                                    

10

TITIGNAN KO NGA KUNG AABOT AKONG 100 COMMENTS! Wahahahaha!

*****

Masakit ang ulo at ang katawan ni Candice ng magising…katawan talaga ha…hehehe…payapang natutulog sa tabi niya si Aron Miguel, nakayakap pa ito sa kanya. Dahan-dahang inalis niya ang kamay nito na nakayakap sa kanya. At saglit na pinagmasdan ang binata.

Haiz! Ang gwapo lang! Napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Wala naman siyang pinagsisisihan, ang problema lang, di niya alam paano pakiharapan si Aron Miguel kapag nagising ito. Kaya mabuti pang umalis bago magising ang binata.

Maingat na bumaba siya ng kama. Dali-daling hinanap ang mga damit. Kita mo lang, di niya alam na kung saan saan na pala napunta ang mga damit nila.  Namumula na siya sa hiya. Pag nagising ito, mahihimatay na siya.

Nakahinga siya ng maluwag nang marating ang cottage nila ni Elvin. Kinatok niya ito, sana nga lang ay gising na. Isang antok pa na Elvin ang nagbukas ng pinto.

“Babe? Saan ka galing?” Takang tanong nito.

Dali-dali siyang pumasok. “Di ka pala natulog dito kagabi?” Muling tanong nito sa kanya. Inaantok pa rin.

“Hindi. Lasing ka Babe, sobra!”

Nalilito pa rin ito. “E saan ka natulog?”

Nahihiyang nagkuwento si Candice. Siyempre, hindi na in detail no! Hiya lang niya.

“Talaga?” Bigla nagtititili ito…ng walang sounds! Kung hindi ba naman maalarma ang mga tao sa resort kapag ginawa niya yun. Nawala ang antok ng bruha. Nagtatatalon pa!

“Magtigil ka nga jan, Babe!”

“I can’t believe it! As in talagang nag ano kayo? Masarap ba siya Babe? Ilang beses? Babe, may silbi ang pagka lasing ko. Wow! As in, yun talaga Babe?”

“Ano ka ba! Yang bunganga mo! Nahihiya ako sa mga tanong mo.” Namumula pa rin siya. Bwisit na Elvin to, walang preno ang bibig.

“Babe…”

Sunud-sunod na mga katok ang narinig nila sa labas. “Sino naman yan? Ke aga-aga. Istorbo sa chikahan natin ah!” Nagpapapadyak pa na sabi ni Elvin bago binuksan ang pinto. Pero nagulat ito ng mukha ni Aron Miguel ang nakita. Galit ito?

“Where’s Candice?” Agad na hinanap ang dalaga na noon ay nanlaki ang mga mata ng makita siya.

Halatang galing lang ng kama…namula siya sa salitang kama. Magulo ang buhok nito, gusot ang damit, nakashorts lang at tsinelas. Di pa yata naghihilamos o baka di pa nagmumumog.

“Oi teka! Nasa cottage ka namin.” Biglang naging defensive si Elvin, kala ng Aron Miguel na to, kahit gwapo siya, di niya ito aatrasan.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon