14 Pasabay

101K 1K 35
                                    

"E anong gusto mo?" She raised her eyebrows when she said that, which made her looks cute.

Inilapit ni Ruel ang mukha niya kay Candice. "Ikaw. Kapag di.mo.naubos yan,break na kayo ng Irog mo at magiging tayo na." Walang kakurap-.kurap na sabi nito.

Di naman apektado si Candice, inilapit pa niya ang mukha niya kay Ruel, which made him swallow. "Alam mong sagot ko jan?" Napaawang ang mga labi na.nakatingin lang si Ruel sa kanya, wrong move ata.

Kinuha nito ang cellphone at tila may tinawagan.

“Boyfriend, si Ruel, sabi niya pag di ko raw ito mauubos, mag…..”

Nabigla si Ruel. Anak naman ng tatay niya! “Hoi, nagbibiro lang ako.” Pilit biyang inaagaw ang telepono sa dalaga. Nanlaki ang mga mata niya, mukhang dito na siya makakatikim ng kamao ni Aron Miguel.

 “Gotcha!” Ipinakita niya ang cellphone niya sa binata. Wala naman talaga siyang tinawagan. Di niya tinawagan si Aron Miguel. Halos mamilipit siya sa katatawa dahil sa  itsura ng kaharap. Ang laki ng mga mata nito.

Nabadtrip siya, kung nagkataon na tinotoo ng dalaga ang pagtawag, baka nasuntok na siya ng kaibigan.

 “Para kang bata!” Sumimangot si Ruel.

“Sino kaya sa atin. Ang pikon mo, kaw naman nauna.”

“Hmp! Wala naman kasing ganyanan. Mag-aaway kami ni Aron sa ginagawa mo.”

“Sus, akala mo naman gagawin ko yun. Siyempre hindi, oi, ngingiti na raw yan.”

“Hinde!”

“Sige ka, pag di ka ngingiti, papangit ka pang lalo.”

 “Lalo? Pangit ako?” Langya naman, siya na nanalong Mr. Pogi ng Baranggay Pagkakaisa nila, naalala niya kung paano siya pinagtripan ng mga kaibigan niya nung mga panahong yun, tatawagin ng babaeng ito na pangit.

“Oo, ang pangit mo, lalo na kapag na aasar.” Lalo pang inasar ni Candice si Ruel.

“Bahala ka na nga sa buhay mo!”

“Oi, pikon talo. Sige na, kain na tayo.” Di naman talaga niya mauubos ang isang bucket meal na good fo six persons.

Nagdadabog na kumuha ito ng tinidor at kutsara. Kukunin na sana niya ang coke float ng biglang inagaw ito ni Candice. “Opps, akin to, yang regular drinks ang sayo.”

 “Tsss. Takaw! Lugi sayo ang Irog mo.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon