Book II-11

72.4K 863 21
  • Dedicated kay Chubs Saldivar
                                    

11

I never really imagine that people will still support this story though reposted na, in fact, mas marami pa siyang reads ngayon kesa dun sa pinagsamang reads ng BOOK 1 and BOOK 2, salamat sa lahat ng nagbabasa, pero ganun talaga, all stories end...so it will end soon..

******

Everybody was happy for them, sina Kathryn at Loise, Owa na asawa nito, si Ruel tinawagan na rin nila since di ito napasama sa outing. Si Elvin siyempre na kilig na kilig pero di pwdeng mabisto ng lahat, sikreto pa rin nila yun dahil sa harap ng marami, lalaking-lalake pa rin siya. Sina Aron Miguel at Candice lang ang nakakaalam na isa siyang kauri ni Candice.

Pauwi na sila ng Davao City, babalik na rin kasi ng Canada si Elvin, kailangan siyempre nila itong ihatid ni Aron Miguel. Kailangan rin nilang umuwi ng Kidapawan City, gusto raw makausap ni Aron Miguel ang Papa at si Kuya Carlos niya.

Nung sabihin nila na sila na ulit, na okay na sila ay natuwa ang Kuya Carlos at ang Papa niya, pero may pahabol pa rin ito.

“Hangga’t di mo ako natatalo sa chess, Aron, walang kasalang magaganap.” Seryosong-seryoso ang  Papa niya. Napalunok si Aron Miguel, ilang taon na ba niyang kinakalaban ang Papa ni Candice, ni minsan ay di niya ito natalo. Ang galing naman kasi, nalilingat lang siya, talo na.

“Pa naman! Baka tumandang dalaga ang prinsesa ng bahay na to, kayo rin, wala kayonng magiging apo.” Asar ng Kuya Carlos niya. “Sandali, paano nga pala ang Baby Elvin mo? Ganun na lang ba niya kadaling tinanggap yun?”

“Naintindihan naman ni Elvin, Kuya.  Mabait na tao yun.”

“Sabagay. Umayos-ayos ka na Aron, pag naulit pa to, ni animo mo di na makakatuntong sa lupa namin.”

“Kuya naman!” Nagmamaktol na si Candice, wala pa ring pagbabago, masyado pa ring bully.

“Kahit naman kailan, wala akong balak lokohin ang kapatid mo Carlos, siguro naman napatunayan ko na yan sayo.” Seryoso rin nitong sagot. Bigla ay na tense siya. Ano ba tong dalawang importanteng tao sa buhay niya.

“Ok, cut!” Nagpeace sign pa si Candice. “Enough na yan. Kuya, I lab you talaga. Mag-uusap muna kami ng boyfriend ko ha, alam mo Kuya, di mo pa nakukuha yung pasalubong mo sa akin.”

“Tigilan mo na nga ako Candice, sige, maiiwan ko na kayo ng IROG mo.”

“Whew!”

Ginulo ni Aron Miguel ang buhok niya na parang bata. “Makulit ka kasi, saka, namomroblema na tuloy ako, Irog.”

“Bakit?”

“Paano kita mapapakasalan kung di ko matatalo ang Papa?” Lukot ang mukha nito. Halatang seryoso sa pinagsasasabi.

“Kasal agad?” Pero deep inside ay kinikilig siyang talaga.

“Bakit ayaw mo?” Nanlaki ang mga mata nito. Hinihintay ang sagot ng dalaga.

“ke bago-bago lang natin…ulit..gusto mo kasal agad?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon