6 Yemma Dominez

109K 1.1K 58
                                    

Nakatanggap siya ng tawag sa Mama niya, pinauuwi siya ng Kidapawan. Namimiss na raw siya nito. Minsan ang hirap tanggihan ng matatanda, lalo na kapag naglalambing.

“Susubukan ko ngayong weekend Mama.”

“Magtatampo na talaga ang Mama mo niyan Aron. Di mo ba kami na mimiss ng Papa mo?”

Here we go again. “Of course naman, namimiss ko kayo ni Papa, kaso lang, maraming inaasikaso dito sa opisina Mama, may ipinapatayo pa akong paaralan sa Compostela Valley, as I promised to you.” Di niya nakakalimutang tumulong sa kapwa, yan ang madalas na sabihin ng mga magulang sa kanya. Ngayon nga ay nagpapagawa sila ng two storey building sa isang paaralan sa Compostela Valley.  Masarap sa pakiramdam ang ganun.

“Aron.”

“Ma?”

“Isama mo naman si Candice, Iho, gusto kong makipagkuwentuhan sa girlfriend mo.”

“Ma, ilang beses ko bang sabihin na hindi ko girlfriend si Candice.” Napasimangot siya.

“Anong hindi, nagtatampo na talaga ako sayo, nakita kayo ni Alexie sa mall, magkasama raw kayo at napaka sweet.”

“Ma, wag nga kayong nagpapaniwala sa makulit na yun.” Nakalimutan niyang napakadaldal pala ng kapatid niya at malamang naikuwento na nito na magkasama sila ni Candice.

Nakita niyang pumasok si Candice habang kausap niya ang Mama niya. Speaking of that witch. Sumenyas siya ng may kausap pa. “Mama, I have to go, may client pa. I’ll call later if makakapunta ako sa Saturday. Bye Ma, I love you, please take care, kayo ng Papa.”

“Sir, somebody wants to talk to you, she said she will return call after 5 minutes.” Si Candice, may iniabot itong papeles na papipiramahan.

“She? Who is she?”

“Yema Dominez daw po.”

“Anong Yema? Ginawa mong pagkain, Emma Dominez. Tell her I’m out of town.” Di niya alam kung mayayamot siya o matatawa.

“Sorry, ang arte kasi niya kaya di ko naintindihan ang pinagsasabi. Pero nasabi ko ng nandito ka Sir.”

“What?! Pwde ba Ms. Manlotoc, next time, alamin mo muna sa akin kung gusto kong makausap o makita man lang ang tao bago ka magdecide. Now, tell her I evaporated and you don’t know where the hell am I.” Nairita na siya ng tuluyan.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon