4 First Day

120K 1.3K 67
                                    

4

Unang araw ni Candice sa trabaho, ano ba gagawin niya bilang personal assistant? Di ba may secretary naman si Aron Miguel na boss niya na oh-so-yummy-but-so-snob, bahala na, basta kung anuman yun, pagbubutihin niya, kailangan niya raw magpa impress. Whew!

Matanong nga si Mr. No Talking na ngayon ay nakaupo na sa desk nito. Guwapo rin ito, mukhang lahat yata ng tauhan ni Aron Miguel ay hot. Oh my gehd! Bakla kaya ito? Mukhang hindi naman. Napahagikhik tuloy siya. Para siyang timang.

“Good morning everyone.”

Napalundag siya sa gulat. Dumating na pala si oh-so-yummy-but-so-snob boss niya.

“Good morning sir!”

“Morning, what’s funny, Ms. Manlotoc?”

Ang seryoso naman ng mukha nito. Bawal bang tumawa mag-isa sa kompanya nito?

“Nothing Sir, I just remember one episode in Phineas and Ferb.” Palusot niya.

Di ito sumagot, agad lang na pumasok sa office  niya. Suplado!

“Hi” bati na lang niya sa secretary nito.

Tumingin lang din ito sa kanya.

“Yung mga tao ba talaga ditto sa office eh di nagsasalita?” Asar niya.

“What?”

“Uyyy! Nakapagsalita ka?”

“Ms. Manlotoc? Don’t disturb my secretary.” Nakakunot ang noo ni Aron Miguel, what the hell is she doing to Allen?

“Hi Sir! Kala ko kasi estatuwa siya.” Tinuro niya pa si Allen.

“I’m Allen.” Ngumiti na ito, amused na amused sa kaharap.  Ang kulit nito, he wonders why his boss hired him.

“Whoa! Nags ii smile ka rin.” Biro niya. “I’m Candice Manlotoc, I hope we can be friends.”

“Ms. Manlotoc, come here.” Aron Miguel in his serious tone. Biglang parang di na naman siya nakikita ni Allen. Mukhang takot kay Aron Miguel, sabagay, nakakatakot naman talaga siya.

Nasa harap siya ngayon ni Aron Miguel, pinagmamasdan niya ito, mas mukhang serious ito ngayon kesa nung nakita niya ito sa kasal. Singkit na mga mata na nawawala kapag nagagalit o nakangiti, that nose na katamtaman lamang ang tangos, yung full lips nito, paano kaya ito humalik? Ang kinis naman ng mukha, nakaka insecure. Ang kapal pa ng kilay, ang tangkad, in one word, GWAPO.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon