17 Ligaw

96.4K 1K 22
                                    

Pagkarating niya ng kuwarto niya sa mansion at pagkabihis na pagkabihis ay bigla siyang nagtatalon sa kama niya na parang bata. Niyakap niya ang unan niya at nagtititili ng walang sound. Kinikilig pa rin siya tuwing naaalala niya si Boyfriend niya. Maya-maya pa ay may nareceive siyang text from him.

 

Hi – Aron

Simpleng hi lang.

Hi 2- Candice

Di pa tapos ang party ng Mama, Irog-Aron

Mag-enjoy ka na lang, Boyfriend. – Candice

 

Paano ako mag-eenjoy kung wala ka? – Aron

Para kang teenager. Goodnight na. – Candice

 

Goodnight agad? Sagutin mo na ako – Aron

Aba! Wala pa ngang 24 hours na nanliligaw sa kanya, sagot agad ang gusto. Di na niya ito  nireply. Napangiti siya, parang ang sarap maging boyfriend ng binata, pero kailangan pa talagang magpakipot, siguro mga bukas, pwde na niya itong sagutin.

*****

Tanghali ng nagising siya kinabukasan, halos mag aalas onse nang umaga. Naabutan niya na may binabasa na namang papeles ang Kuya Carlos niya sa sala, kaya nga ayaw na ayaw niyang magmanage ng company, parang napaka boring na trabaho.

 “Tanghali ka na.”

“Kuya naman, LInggo naman eh.”

“yung Irog mo, ang aga-aga pang dumating. Kanina pa sila nag chechess ng Papa.”

“ha? Nandito si Aron Miguel?”

“nasa labas.”

“Kuya naman, di mo ako ginising.” Reklamo niya.

“Wag ka raw gisingin. Seryoso na ba kayo ha?” Ang Kuya niya yata ang napakaseryoso kung magtanong.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon