21 Wrong Timing

85.5K 861 13
                                    

*****

Hindi sinasagot ni Candice ang cellphone niya. Bakit kasi biglang sumulpot si Dyanne! Sa lahat ba naman ng maiimagine niyang bisita, di niya akalaing magkikita pa sila ulit ng ex? Di naman talaga ex dahil wala pa silang formal break – up, but it’s been years! I mean six long years without communication, matatawag mo pa bang girlfriend yun?

Dyanne went to Hongkong to have her career there, isa itong interior designer, ang huli niyang balita ay nagtatrabaho ito sa isang sikat na company sa Hongkong. Actually, di mo naman masasabing talagang seryoso ang naging relasyon nila, It was like a mutual understanding.

Pagkatapos kung kailan ok na ang lahat, kung kailan ramdam niyang magiging ok na sila ni Candice, saka sisipot ito sa opisina at ang dalaga pa mismo ang makakausap nito.

Napasabunot si Aron Miguel , sumasakit ang ulo niya, nakakailang tawag na ba siya kay Candice pero di nito sinasagot. He even asked a favour from Ruel to call her pero ang sabi nito, maging siya ay pinatayan ng telepono.

Kanina, di niya alam kung ano ang gagawin, nasa harap niya si Dyanne pagkatapos makikita niyang umalis si Candice.  Gusto man niyang habulin ito pero yakap siya ni Dyanne. Mabuti at naintindihan naman ni Ruel ang senyas niya na habulin si Candice.

Nahalata man ni Dyanne ang lahat ay wala na siyang pakiaalam. Ang importante, he can explain to Candice everything. Baka akalain nitong hindi pa nga sila officially ay niloko na niya ito.

“Ruel?” Akala niya si Candice ang tumawag.

“Sorry pare, Candice asked me about you and Dyanne, I cannot deny pare, baka mas lalo siyang magalit. Sorry talaga pare.”

“It’s ok, kasalanan ko naman, I should have told her about Dyanne.”

“Sige, kung kailangan mo ng tulong namin, tumawag ka lang.”

“Salamat pare. Pwdeng wag sana munang umabot kay Marcus, pag nalaman niya kasi, malamang mag-uusap sila ng kapatid ko at malamang, sasabihin ni Alexie kay Mama.”

“Walang problema pare.”

“thanks bro.”

Pinaandar niya ang kotse, kailangan niya talagang makausap ang dalaga, bahala na kung ipagtabuyan siya nito.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon