11 Irog & Boyfriend

108K 1.2K 45
                                    

I missed this part!

**************

They entered in a mansion beautifully built. Napa wow siya. Halatang namamaintain ang ganda at ayos ng bahay. Ang ganda ng pag kakalandscape, kakaiba ang mga halamang nakikita niya. Actually, maganda rin naman ang garden nila sa mansion nila kaso parang napagtuunan talaga ito ng pansin. Mahilig kasi siya sa magagandang bagay.

“Ganda naman ng mga halaman.”

“Mama takes charge of that personally. I’m sure she will love to hear comments coming from you.”

“Magandang hapon Aron. Siya na ba ang nobya mo iho?”

Ngumiti siya sa matanda, halatang giliw na giliw ito sa binatang si Aron.

“Opo, Manang  Ditas. Si Candice po, nobya ko, siya naman si Aling Ditas, kasama namin dito sa bahay.”

“Magandang umaga po, ang ganda ganda naman po dito sa lugar nyo Manang Ditas.”

“Naku, talagang maganda dito ineng, lalo na kapag may magagandang babaeng nabibisita, katulad mo. Naku, ngayon lang nagdala ng nobya rito si Aron, natutuwa kami.”

“O Manang Ditas, wag masyadong na eexcite, ang Mama at Papa?”

Mula sa kung saan ay narinig ni Candice at Aron ang tinig ng Mama niya. “Aron, Candice, naku, sinabi ko na nga ba at kayo yan.” Niyakap nito ang dalaga. “Mabuti naman iha at nakarating ka sa lugar naming. Naku, mag eenjoy ka rito.”

“Magandang umaga po Tita Lourdes, Tito Manuel.”

“Candice, kumusta naman ang biyahe?”

“Okay naman po, Tito.”

“Teka, kumain na ba kayo ha, nagpahanda ako ng almusal, alam kong anytime ay darating kayo. Manang, okay  na po ba ang mga ipinahanda ko?”

“Naku, ok na Ma’am Lordes. Saglit at ipapahain ko na kay Milagros.”

Ang sayang kasalo ng dalawang matanda sa hapag kainan.  Napa warm ng pagtanggap nila kay Candice. Si Aron naman ay nakatingin lang sa kanila, parang ang inaakalang nobya naman yata ang anak at siya ang bisita. Si Candice na ang inaasikaso ng mga ito ah.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon