23 Outing

86K 984 34
                                    

*****

Tatlong taon na ang nakalipas mula ng huli silang magkita ni Aron Miguel…este tatlong araw pala.hehehe. NI hindi ito nagtext o tumawag man lang sa dalaga, nagcheck na rin siya ng facebook at twitter account niya, wala talaga. Naniwala yata sa kanya sa sinabi niyang wag munang magpakita. Nakakainis!

Nagmumukmok siya nun sa sala, tiyempo namang umuwi ang Kuya niya galing opisina. Sa totoo lang, mas naging close silang tatlo ngayon, pinag-iisipan na nga niya na pumasok na sa sarili nilang kumpanya, tutal, wala naman siyang trabaho ngayon.

“Anong problema at nakasimangot ka sis?” Si Kuya Carlos niya.

“Wala Kuya.”

“Wala raw! Di ko na yata nakikita si lover boy mo ah.” Ang tinutukoy nito ay si Aron Miguel.

“Ewan! Baka natabunan nan g mga papeles sa opisina niya.”

“Baka nagsawa na sa kakapakipot mo. Magpakatandang dalaga ka na lang, may kaisa-isa na ngang nagtiyaga sayo, pinakawalan mo pa.” Asar nito.

“Stop pestering me Kuya! Sayo nga walang nagtitiyaga.” Ganti niya.

“pikon! Kaw na maunang magtext, sige ka, baka nagkabalikan na sila ng ex niya.” Dagdag asar nito.

“E di makipagbalikan siya!” Pero naiiyak na siya sa kakaisip ha kung bakit wala man lang pagpaparamdam si Aron Miguel.

Para di na humaba ang usapan at asaran nilang magkapatid ay siya na ang umalis, nagdadabog na umakyat siya ng kuwarto.

****

Samantala ay kanina pa tinititigan ni Aron Miguel ang cellphone niya, it’s been three long days mula ng huli niyang makita si Candice, miss na miss na niya ito, at ngayon niya lang naramdaman yung ganitong pagkamiss. Para siyang teenager na hindi nakita ng matagal ang crush. Kasi naman, sa lahat ng kondisyon na hingin nito, bakit yung hindi muna siya makita.

Teka, hindi MUNA? Ibig sabihin, pansamantala, di ba?

Wala kasi si Ruel, ewan niya kung saan ito at hindi macontact, di na rin siya pinepeste ni Dyanne, baka natauhan na.

Bakit ba ang bagal ng takbo ng utak niya these past few days. Tinawagan niya ang dalaga, teka, ano ang sassabihin niya?

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon