2 Sign-up

124K 1.4K 25
                                    

Tawa ng tawa si Ruel habang kausap si Aron. Lumipas na kasi ang dalawang araw nung nalaman niya yung nangyari sa kasal ni Alexie at Marcus.

"Inaasar mo ba ako ha Ruel?"

"Hey, cool lang Aron. Maganda ba yung Candice na yan."

"Not my type."

Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin si Aron. After the wedding ay hindi na siya tinantanan ng Mama at Papa niya. Kesyong imbitahan ulit ang "girlfriend”  nito sa bahay.

Ilang beses na rin niyang sinabi na hindi totoo ang lahat pero sa malas ay hindi naniwala ang mga ito. Imagine, his Mother told him na tatawagan nito si Luis Manlotoc. Ganun ba kadesperado ang mga ito na mag-asawa siya. Sabagay, kahit pa nung hindi pa nag-asawa si alexie, ang bunso niyang kapatid ay panay na ang kulit ng Mama niya na gusto na nitong magka apo sa kanya.

Now that they've met Candice, they are so eager to let him invite again that girl. Malay ba niya kung saan hahanapin ito. At malay rin ba niya kung totoong pangalan nito ang ibinigay niya.

"Pare, sabi ko maganda ba?"

"Hindi ko nga type."

"Hmmmm...mukhang maganda, di mo ako sinasagot eh. Hanapin ko nga sa facebook o twitter o instagram yan."

OO nga no? May point ang mokong na kaharap niya, mahanap nga sa mga social networks ang babaeng yun..

May problema..

Di nga pala siya nag sisign-up sa mga social networks na yan...

Tanging alam niya eh mag email.

When he got to his office that Monday morning, he immediately saw his secretary. Actually he got a male secretary, nagkakaproblema kasi siya kapag babae ang sekretarya niya, kung hindi nag-aasawa, nabubuntis ng iba ,eh naiinlove naman sa kanya.

He immediately opened his laptop. Browse his email and open that facebook that he's always hearing from the rest of his employees.

Sign-up...

He called Allen, his secretary.

"Do you have facebook account?"

"yes sir."

“Twitter?”

"Meron din po."

“Instagram?"

Nalilito ang sekretaryo niya.

"Meron din sir, bakit po?"

"Akin ng account name mo at password."

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon