22 Ruel's Plan

88.5K 922 49
                                    

“Ouch! Ano ba baby!”

He didn’t mind kung napalakas man ang pagtulak niya kay Dyanne. Mas importante sa kanya na mahabol si Candice na noon ay tumalikod na.

Hinabol niya ang dalaga. “Candice, wait!”

Wala na siyang pakialam, basta hinabol niya ang babaeng ilang beses na niyang tinawagan para pagpalinawagan, at nung andito na sa harap niya, iba naman ang eksenang maabutan.

“Candice please, let me explain.” Nahawakan niya ito sa kamay.

“Explain?”

“Mali yung nakita mo.”

“So, bulag ako ganun?”

“No. I mean, hindi talaga.” Shit! Paano ba mg-uumpisa.

“Sabagay, bakit ba ako nag rereact ng ganito? Ano ba kita ha? Di naman tayo di ba?”

“Yes.. I mean no!”

Hinatak ni Candice ang  kamay niya na hawak ni Aron Miguel. “Wag mo akong susundan. Pag sumunod ka sa akin, makikita mo ang hinahanap mo.”

Tumalikod ito.

“Habulin mo!” Si Ruel, nakasunod na pala ito. Sa likod nito ay si Dyanne na di naman talaga nahiya. Pinagtitinginan na sila ng mga napadaang empleyado.

SUmunod naman si Aron Miguel, hinabol si Candice.

“Irog naman, let me explain.”

“I told you do not follow me.” Sinampal niya ng pagkalakas –lakas si Aron Miguel at isang malakas na bigwas sa sikmura.

“Ouch!” Sapul nito ang kanang pisngi. Masakit rin ang sikmura niya.

Di naman niya ito ininda. “Candice, Irog, please.”

“Wag mo akong tawaging Irog! At ikaw, babaeng pinaglihi sa papel. Iyo na yang lalaking yan.”

“Bakit mo ba sinaktan ang baby ko?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon