33 Tom

74.2K 746 12
                                    

Ang usapan nila ng nobyo ay susunduin siya nito at pagkatapos ay sasamahan niya itong mag grocery, ipagluluto raw siya nito ng masarap na masarap na carbonara.

Kahit naman kailan ay di nalalate si Aron Miguel sa mga usapan nila, pero thirty minutes had passed pero di pa rin ito dumarating. She decided to call him.

Nakakadalawang tawag na siya pero wala pa ring sumasagot sa cellphone nito. Kinabahan na tuloy si Candice, kahit naman kailang ay di ugali ng nobyo na paghintayin siya, lalong di nito ugaling di sagutin ang telepono kapag tatawag siya.

She tried to call for the third time. Sumagot ito.

“What happened Aron Miguel? I had been calling you?”

“Irog..” Bakit tila basag ang boses nito?

“What happened?”

“Si Tom..”

Umiiyak ba ito? “What happened Aron Miguel? Calm down please.” Narinig niya ang tila tunog ng ambulansiya.

“On the way kami sa Davao,  Candice, bigla na lang siyang natumba kanina. Takot na takot ako. I don’t wanna loose him, ngayon pa lang kami nagkasama.”

“That won’t happen. Ok, pupuntahan kita ha, susunod ako. Just please pray Aron Miguel ha. I’ll be there boyfriend.”

Immediately tumawag siya sa ama niya na hindi na muna siya makakauwi sahil sa nangyari. Abot-abot ang dasal niya na walang masamang nangyari kay Tom. Kahit naman papaano ay nagustuhan na niya ang bata. Masyado itong lovable. Kahit sino mamahalin siya.

Nasa emergency room raw sila ang sabi ng nobyo. Nung narating niya ang Davao Medical Center ay agad niyag hinanap ang nobyo. Ewan pero bigla siyang napaatras pagkakita sa kanila ni Thalia.

They were hugging each other. Pero dahil matangkad talaga ang nobyo ay makikita mong tila yakap na nito si Thalia. Inaalo, hinahagod ang likod. Alam niya na wala siya sa lugar para bigyan ng malisya ang sitwasyon, pero hindi niya maiwan.

“Calm down Sweet, I know he can make it. Kayang-kaya ni Tom yan.” Narinig niyang sabi ng nobyo.

Sweet? Kailan pa na sweet ang tawag nito sa ex? Ang alam niya eh Thalia ang pangalan nito at hindi Sweet.

“Aron Miguel.” Tawag niya sa nobyo.

Bigla naman nitong binitawan si Thalia. Ewan pero parang ito naman ang nakakita ng kakampi sa kanya. Agad siya nitong niyakap. At agad din itong naiyak.

“What happened?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon