BOOK II-12

69.3K 892 25
                                    

12

Nasa Davao siya nun at pauwi nang Kidapawan ng tumawag ang Kuya Carlos niya. Kailangan niya raw umuwi ng mansion. Ayaw namang sabihin bakit. Sobrang kaba lang, but her Kuya assured na walang emergency. Walang emergency pero need niyang umuwi agad, ano yun?

Pagdating niya ng mansion ay tahimik ang buong paligid, ni walang kasambahay na sumalubong sa kanya na madalas nilang ginagawa. Ano ba talagang nangyayari?

Nagulat siya nung nakita niyang may mga taong nagkukumpulan sa isang part ng sala. Mga kasambahay, si Kuya Carlos niya na agad siyang nakita ang signalled her not to talk. May malaki pa itong banner ng salitang “Silence”. Nandun ang Yaya niya, ang cook, hardinero, mga ibang kasambahay, pati driver, ilang trabahador sa bukid. Si Ruel? Kasama si Marcus at Alexie? Ano to?

Lumapit siya, and to her amazement, she saw Aron Miguel and her Papa at the center, playing chess. Lahat naka concentrate, tila walang humihinga, paano ba naman, iilang tauhan na lang ang natitira, tauhan bang tawag dun? Ah, wala siyang alam sa chess.

Anong nangyari? Tournament ito? Bakit ganito karami ang tao sa bahay nila eh samantalang dadalawa lang naman ang naglalaro, sa likod ng mga ito ay ang malaking white board na naglalaman ng first to make 5…set of five, at akalain mo! Two all ang scores? Si Aron Miguel, tinalo ang Papa niya ng dalawang beses? Wow! So last game na ito? At ang mananalo rito ay ang siyang champion…Bigla siyang naexcite, ni hindi nga namalayan ng dalawa na nandun siya. Ganun sila ka concentrated sa laro.

Maya-maya pa ay biglang nagtatalon si Aron Miguel. Yung talon na parang bata. Parang nanalo ng lotto.

“Yes! Yeeessss! Whoa! Yes! Thank you Lord! Thank you!” Sigaw nito na dinig na dinig sa buong kabahayan. Ni hindi nahiya na ang daming tao! Nanalo ito! Laking tuwa niya rin para sa nobyo. Imagine, ilang taon rin nitong tinatangkang matalo ang Papa niya, ngayon pa lang natalo, at imagine, sa tatlong games? Anyare?

Naghiyawan rin ang mga tao sa mansion. Halatang masayang-masaya ang mga ito para kay Aron Miguel. Nakipagkamay ito sa kanila. Biglang sumigaw ang Papa niya.

“Tumigil nga kayo! Sino ba ang amo rito ha?” Galit?

Biglang natahimik ang lahat. Si Yaya lang ang malakas ang loob na nagsalita. “Sir, kayo po Sir. Pero pasensiya na po kung masaya kami para kay Sir Aron, kasi naman po, gusto na po naming mag-asawa si Ma’am Candice. Para naman po magkapamilya na siya. Di po ba yun rin po ang gusto ninyo?”

Di ito sumagot. Tahimik lamang ito.

Kinakabahang lumapit si Aron Miguel sa kanya. Nakipagkamay ito. “Salamat po Sir. Asahan po ninyo na hinding-hindi ko lolokohin ang inyong anak. Mahal na mahal ko po siya, ipinapangako kop o na gagawin ko ang lahat para mapaligaya siya.”

“Siguraduhin mo lang.” Inabot nito ang kamay ng nobyo ng anak. Tila maiiyak naman si Candice na nanonood sa dalawa.

“Let’s call for a celebration! Sagot ko ang lahat!” Sabi ni Aron Miguel sa lahat ng tao sa paligid. Noon lang niya nakita ang nobya na nakangiting nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito.

“Irog, I won! I’m so happy.” Niyakap nito ng mahigpit ang nobya. Isinayaw-sayaw pa ito.

“I know, I saw it. Congratulations! Paano mo natalo si Papa?” Bulong nito. “Nandaya ka ano?” Asar niya.

“Hindi ah! Sabihin na nating nagtrain ako for a week under the famous chess grandmaster in the Philippines. Umaga at gabi, Irog.”

“really? So ibig sabihin, yung one week business trip mo ay ang one week chess training mo?”

“Yes! And it pays. Gagawin ko ang lahat para sayo.”

“How sweet, Boyfriend.”

“Really?”

“Yes. I love you.”

“I love you too.” Hahalikan n asana niya ang nobya ng biglang may umepal na naman, as usual, si Carlos. Hindi talaga niya maramdaman ang biglaang pagsulpot nito kapag nasa mansion sila nina Candice.

“Ehem. Tama na po, yung mga dinala mong pagkain at kaming mga gutom na ay kayo lang ang hinihintay. Mamaya na yan, kapag kayo na lang dalawa, masyado kayong mahalay!”

“Kuya!” Protesta ni Candice sa kapatid.

“hahahaha!”

Ang saya tuloy ng buong mansion ng gabing yun. Talagang nagparty si Aron Miguel, talagang confident ha na mananalo, at pinaghandaan, in fairness!

**********************

One more chapter po! Dun sa mga nag cocomment ng UPDATE MADALAS, pag ako hindi nyo binigyan ng mahabang comment sa last chapter……grrr…wala lang..wahahahaha! Then next, tatapusin ko na, sige na,wag na akong iPM, oo na nga, yung kuwento na ni RUEL…

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon