31 Second or Third Chance

77.7K 815 19
                                    

Tulala pa rin si Candice, kahit alam niyang nagtataka ang Kuya Carlos niya at ang Papa niya na hindi si Aron Miguel ang naghatid sa kanya ay di pa rin nagtanong ang mga ito. Ganun naman talaga sila, naiintindihan ang nararamdaman niya.

Kanina pa rin ring ng ring ang cellphone niya, kanina pa tumatawag si Aron Miguel pero ayaw niyang sagutin, nakasilent na nga eh. Nakakailang text na rin ito begging her to talk to him.

Hindi pa siya handa.

Hindi niya alam kung kailan siya magiging handa.

Napakasakit ng nangyari. Napakahirap tanggapin.  Nakatulugan na niya ang pag-iyak at pag-isip.

******

After three days ay nagpasya si Candice na kausapin si Aron Miguel. Tama na ang tatlong araw na pagtatago sa kanya.

Tama na ang pag-iwas.

“hello.”

“Candice.”

“Mag-usap tayo.”

*******

Nasa isang café sila. Bakit tila pumayat ang nobyo.

“I’m sorry Candice. I am really sorry. Hindi ko naman alam Irog. Hindi ko alam na mangyayari ito. Hindi ko alam na may anak kami.”

“Paano kayo nagkakilala?” Wow! Parang wala lang ang peg niya, parang di siya affected.

“Candice please.”

“I wanted to know everything, lahat lahat.”

“I’ve met here during my college days.”

Huminga si Candice ng malalim. Malalim ang pinagsamahan nila.

“inaamin ko na hindi ganun kaseryoso ang naging relasyon namin, on and off relationship. Malaya kaming gawin ang mga gusto namin. Pero, hindi ko akalain na magkakaanak kami.”

Tahimik lang ang dalaga.

“Candice please, maniwala ka man sa hindi pero hindi ko siya mahal. Wala pa akong babaeng minahal ng ganito maliban sayo.

“What’s your plan?” She finally asked.

“I should be the one asking that from you.” Napabungtung hininga ito. “Can we still continue this relationship? Can we still give it a try, Candice? God knows how much I love you Irog. I will do anything to save this relationship.”

Mahal na mahal niya rin ang nobyo. Kinausap na rin nga siya ng Kuya Carlos niya, ang sabi nito, kung talagang mahal niya ang binata, pakikinggan niya ito. Na siya niyang ginagawa ngayon.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon