Chapter 36.3.4

322K 4K 113
                                    

CHAPTER 36.3.4

SEBASTIAN

Matagal-tagal na rin kaming nagku-kuwentuhan nang dumating na si Winona at nakiupo na ulit sa amin. Mukhang kakagaling lang niya sa iyak at namumugto ang mga mata niya.

"Are you all right?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong.

"I'm okay... I am really sorry about that Seb and Ady," malungkot pang aniya kasabay ang mapait na ngiti.

"I'm sorry, too," hingi ko na rin naman ng paumanhin. Ayoko namang isipin niya na naghahari-harian ako sa teritoryo nila.

"He wasn't really like that when I first met him..." Tinapunan pa niya nang tingin ang mga kapatid, bayaw at hipag niya. Sa amin huminto ang titig niya. "Pero simula nang mahuli niya akong katabi sa pagtulog ang bestfriend niyang si Glenn ay nagbago na siya."

"Excuse me?" Napakunot lang ako.

"We got so drunk that time. Kasalanan ko naman kasi nagkamali pala ako nang pasok ng kwarto."

"Did you had an affair with him?" Ako pa rin ang nagtanong. Mataman pa ring nakikinig ang lahat sa kanya. Tears brimming on her eyes.

"No..." Mapait pa siyang umiling sabay punas din ng luha sa kanyang mga mata. "But I am close to Glenn..." Kinagat niya ang kanyang labi at pilit na pinipigilan ang maiyak. "All along I was pretending to be happy with our marriage, but I am not. Mahilig siyang mambabae pero pinagtiisan ko 'yun. Kaya nang mangyari ang incident na nakatulog ako sa kwarto ng bestfriend niya, akala niya gumaganti ako sa kanya. At nagkaganyan na siya."

"He's an asshole, Ona. You shouldn't waste your time living with him."

"I am not happy, but I love him, Sebastian. I love my husband." Noon na siya tuluyang naiyak at kahit anong punas niya ay patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang luha.

"Hanggang kailan mo balak pagtiisan ang asawa mo?" Si Timmy with all her serious stare.

"I know babalik pa siya sa dati. He loves me..."

"Hindi siya mambababae kung mahal ka niya, Ona," sabat ko ulit. "You don't deserve to be treated that way."

"I couldn't agree more with Kuya Seb." Si Zack na mahigpit pang niyakap ang asawa niya.

"Your husband is total jerk, Ona." Si Regina. Siya ang pinakatahimik sa kanilang magkakapatid. Madalang pa sa patak ng ulan magsalita. "Dapat noon mo pa hiniwalayan ang gagong 'yan noong pagbuhatan ka niya ng kamay!"

Umiling-iling lang si Winona sa pagkakataong iyon at patuloy pa ring umiyak. Saglit akong humiwalay sa asawa ko at tumabi sa kanya para hagud-hagurin ang kanyang likod.

"Ikukuha ko lang siya ng water," paalam pa ng asawa ko.

"Thanks, Baby..." Tinanguan ko siya at saglit nga siyang pumasok sa looban ng villa.

Adison

Nakakaawa pala si Winona. Problemado pala siya sa siraulong Pierce na 'yun. Akala ko pa naman ay masaya ang married life niya. Iyon naman pala ay nagtatago lang siya sa masasayang ngiti niyang iyon. Buti na lang talaga, si Sebastian ang asawa ko. Napakasuwerte ko sa asawa ko. Ni minsan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. At kahit pa masakit ang pinagdaanan niya ay nagawa pa rin niyang maging mabuting asawa sa akin.

Pagkapasok ko sa kusina ay gan'un na lang ang pagkagulat ko nang abutan si Pierce roon at umiinom!

Shit!

Huli na para umatras pa ako dahil nakita na rin niya ako. Kaya naman nagkunwari na lang akong hindi siya pansin at nagdiretso sa ref para kumuha nang malamig na tubig.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon