Chapter 35.1.4

341K 3.9K 193
                                    

CHAPTER 35.1.4

ADISONKanina pa ako hindi mapakali. Paano naman kasi ay ang agang nagpaalam sa akin ng asawa ko na makikipagkita na naman d'un sa Winona na 'yun.

Ewan ko ba! Hindi talaga ako komportable sa babaeng 'yun kahit pa mukhang mabait naman ang aura niya. Sinabihan rin naman ako ng asawa ko na sumunod sa pinuntahan nila ng Winona na 'yun. Tamang ipinag-birthday daw ng simple ang mas nakakabatang anak. Kung tutuusin puwede namang sabay na kaming pumunta.

Hmp!

Sa isang private restaurant ako dinala ni Raul katulad nang instruction ng asawa ko sa kanya. The way I see it ay mukhang pampamilya lang talaga ang party dahil mabibilang lang ang mga bisita.

"Baby, hey!" nakangiting bungad ng asawa ko na may kargang bata.

I assumed na iyon ang bunsong anak ni Winona dahil hindi naman maipagkakaila ang resemblance nila.

"Hello..." Tipid naman akong ngumiti at bahagyang tumingkayad para halikan siya sa labi.

"This is Chloe, Winona's youngest. Isn't she pretty?" nakangiti pa rin niyang sabi habang nilalaro ang maliliit na daliri noong bata.

Jeez, tuwang-tuwa naman itong asawa ko.

"Yeah... Super pretty."

Hindi ko naman puwedeng i-deny na maganda 'yung bata. Maganda ang makinis at maputing balat nito. Mapupula rin ang mga labi at pisngi. Pati na rin ang mga paa at kamay nito ay nagkukulay rosas din.

"Where's your friend?"

"Pinalitan lang ng damit si Xander," nakangiting sagot pa rin niya.

Mukhang mahilig talaga ang asawa ko sa bata. Ang cute lang tingnan actually. Bihira kasi sa mga lalaki ang matuwain sa mga bata.

"Wala na yatang masyadong bisita," pasimpleng puna ko pa.

"Wala rin naman masyadong in-invite. Halos immediate family lang din."

"Ohh..."

And that made my husband her immediate family?

"'Yung husband niya?"

"He's in a business trip abroad."

So, now na nasa business trip ang husband niya ay husband ko ang gusto niyang tumayong asawa niya?! I tried not to roll my eyes.

Gosh, Ady! Get a grip!

"How was your day, wife?" pagbabago pa niya.

"Not that bad... Though it's a busy day."

"Good," nakangiting sagot lang naman din niya at muling pinagtuunan 'yung baby girl. Parang nasa edad three na ang bata. Super cute talaga!

"Chloe, Chloe... Look at my dear wife... Isn't she pretty, huh?"

Napangiti lang ako at nakipisil sa pisngi ng baby.

"Ang sarap siguro kung may ganito na tayo, 'no?" nakangiting baling pa niya sa akin.

"Oh, oo nga..."

Napilitan akong sumagot kahit na nga parang parinig ba 'yun?

"Hey, I am not pressuring you okay?" bawi rin naman niya kaagad at hindi ko rin alam kung may rumehistrong kakaiba sa mukha ko. Kinindatan niya ako at mabilis na hinalikan sa noo.

Ngumiti lang ako at nagkunwaring hindi affected kahit na sa totoo lang ay affected talaga. Sana naman hindi siya maghanap nang ibang babae dahil lang ayaw ko pang magkaanak.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon