Chapter 33.2.4

338K 3.4K 140
                                    

CHAPTER 33.2.4

ADISON

It's been days matapos nang malaman kong si Boss Julien ay someone from the past ni Sebastian. At sa mga nakakaraang araw din na 'yun ay ilang beses kong nakikita kung papaano niya titigan ang aking asawa.

Fine. Hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam nang selos. Masakit pa ring isipin na maraming nakasiping na babae si Sebastian at hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam nang takot at panliliit sa sarili. Magaganda sila at sexy, pero hindi ako makakapayag na may ibang babaeng makaagaw sa kanya. Never!

It's around three o' clock in the afternoon nang makatanggap ako nang tawag.

Si Ate Brianna?!

"Hello..."

Okay, kataka-takang tinawagan niya ako ngayon dahil hindi naman na kasi siya tumatawag sa akin simula pa noong sa Bataan.

Bebe! masayang bungad pa niya.

It was definitely a surprise. She sounded happy... Tinawag ba talaga niya ako sa old endearment niya sa akin?

"Ate, napatawag ka?"

This is awkward. Kahit pa matagal ang pinagsamahan namin ng Ate ko, the fact na obsessed siya sa asawa ko ay nakakailang talaga.

Magkita naman tayo. Namimiss na kita.

Bumalik na ba siya sa dati? Ganito siya ka-sweet noong hindi pa niya alam na kami ni Sebastian...

"Saan ka ba ngayon, Ate?"

I am staying here at the hotel. Puntahan mo naman ako, naiinip na ako, e. Nakakabore rin kasi sa province kaya lumuwas muna ako. Puwede ka ba?

"Of course, Ate. Sige. Saan ba 'yan?"

Diamond Hotel Suite 1501. Hintayin kita, huh. 'Wag ka na ring bumili nang kahit na anong food, may ipina-deliver na ako rito.

Anong nakain niya?

"Sige, Ate. Mag-out na ako ngayon. See you in a while."

See you, Bebe. Ingat ka.

"Thanks, Ate."

That's when I hanged up.

Hmm... Ano kayang plano na naman ni Ate? I hope naman nagising na siya sa katotohanan na kailanman ay hindi magiging sa kanya si Sebastian. Haist... Speaking of my husband. I needed to tell him!

I dialed his number at agad rin naman siyang sumagot.

"Baby, makikipagkita lang ako kay Ate, huh."

Ate?

Halata sa boses niya ang gulat. Parehas lang kami nang reaksyon. Kagulat-gulat naman talaga si Ate.

"Yeah, Ate Brianna. Lumuwas daw siya and she's staying at Diamond Hotel. Gusto niyang makipagkita."

Baby... nag-aalangang aniya. You know, you were not in good terms with her.

"She's still my sister, Sebastian. Hindi naman siguro niya ako papatayin kahit pa obsessed siya sa'yo."

Alam kong mahal ako ng Ate ko at hindi naman niya siguro gugustuhing saktan ako physically at least... Maybe.

Fine. Basta isama mo si Raul. Hindi ako mapapalagay dito.

Aww... My husband really cares for me... I love him so much.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon