Chapter 31.2.3

367K 3.6K 156
                                    

CHAPTER 31.2.3

SEBASTIAN

I am really pissed off right now. When she'll ever realize that I only wanted to protect her?! Was that very hard to understand?!

Fuck!

Tulad nang inaasahan ay wala na ang security ko nang bumaba kami sa building. Alam ko naman ding mapa-praning siya sa ginawa ko. Maybe that way ay baka maintindihan na niya ang nararamdaman ko kapag binabalewala lang din niya ang pag-aaalala ko!

"S-ir?" Si Spencer na nag-aalala pang tumitig sa akin. Tutol siya sa desisyon kong ito, pero wala lang din siyang magawa.

"Don't start, Spencer. I knew what I am doing. Just keep an eye on my wife. Don't make it too obvious, please," seryosong bilin ko pa.

"P-ero, Sir?" Hesitant pa rin siya.

Alam naman niyang hindi biro ang tangkang pagpatay sa akin sa helicopter.

"Please..." Umiling-iling lang ako at tinapos ang usapan naming dalawa.

Napatango na lang din siya at makahulugang tumingin kay Adison na talaga namang sobrang tahimik rin.

I knew exactly how stubborn she is.

Alam ko ring maninikis siya at mahirap para sa akin na nag-aaway kami. Pero siguro nga ay kailangan ko ring manikis. Pakiramdam ko kasi porque alam niyang mahal na mahal ko siya ay sinusuway na niya ako sa mga gusto ko para sa kanya. Samantalang wala naman akong ibang gusto kundi ilayo lang siya sa kapahamakan.

Nang makapasok kami sa loob ng suite ay doon na lang ako nagulat nang bigla siyang magsalita.

"I know what you're doing, Sebastian!" nanggigil pang sabi niya.

"What?" Seryoso rin naman akong nakipaglabanan nang titig sa kanya.

"Gusto mo akong ma-guilty!" inis pang sabi niya.

Her face could tell everything she felt.

"I just want you to know how it feels, Adison."

"I hate you!" galit pang aniya at diretsong pumasok sa kwarto.

Mariin akong pumikit at marahas na dinaanan ng kamay ang aking buhok.

Ugh! She's definitely driving me insane!

But I have to get through this. I really have to.

Hindi na kami nagpansinan pa matapos 'yon. Tinikis ko na rin siya sa pagkakataong ito. Kaya naman nakatulugan na lang din namin na masama ang loob sa isa't-isa.

The next day ay sinadya ko talagang makipag-unahan nang gising sa asawa ko.

This is really hard.

Ngayon na lang din kami nag-away nang ganito. Karaniwan naman ay tampuhan lang at nagkakaayos din kami kaagad.

Haist... Sana lang ay umepek sa kanya ang drama kong 'to.

I just hope that I am not dead when that happens.

"Sir, sigurado po ba kayo?" Si Spencer na alam kong nag-aalala pa rin. "Puwede naman po nating palabasin kay Ma'am Ady na wala na kayong bodyguard."

"Don't worry about me, Spencer. I'll be fine." Tinapik ko siya sa balikat at pasimple kong ipinakita ang baril na nakasuksok sa baywang ko.

Yes, I have a gun.

Si Spencer rin naman ang nagturo sa aking gumamit noon. Kahit papaano raw ay mainam pa rin na marunong akong protektahan ang sarili ko. Noong una ay medyo hesitant talaga ako.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon