Chapter 31.1.3

409K 4.2K 87
                                    

Dedicated to you!  Na-touched ako kasi sinubukan mo pa talaga mag-comment sa bawat chapters.  Thank you po.  God bless u!  mwaaaaahugsss

<3 ate dean

********

CHAPTER 31.1.3

ADISON

Medyo excited ako ngayong araw dahil magsisimula na akong magtrabaho sa isang Publishing Company. Akala ko ay mahihirapan akong maghanap nang trabaho sa daming competition.

Sinusuwerte lang din siguro ako!

"You should be working for me, my wife..."

Oh yeah, my ever control freak husband! Actually, siya ang hindi natuwa noong matanggap ako sa trabaho. Mas gusto raw niyang magtrabaho ako sa company niya so he could at least have a close eye on me.

"Oh no, Sebastian. I want to do things my own way, okay?" Umirap ako at ilang araw na rin naming pinagtatalunan ang pagtatrabaho ko.

Aba't ang gusto ay magpaka-fulltime housewife ako! Oh no!

"I just want you to be safe, Baby. Iyon lang talaga 'yun."

He's desperate. Up to the last minute ay talagang ayaw pa rin niya sumuko.

"I'll be fine, okay? Wala namang nangyayari nitong mga nakakaraan. Malay mo sinawaan na rin sila sa plano nila sa'yo!"

"That's not possible..." Umiling-iling siya at bakas pa rin ang sobrang pag-aalala.

"I'll be okay. As you always say just suck it up, will you?" I glared at him and he stayed quiet.

Hindi rin naman nagtagal ay agad din kaming nakarating sa Publishing Company na pagta-trabahuhan ko. Kung tutuusin ay hindi naman ito kalayuan sa kanyang opisina. Masyado lang talagang overprotective ang asawa ko.

"So, paano ba? I'll just see you later?" sabi ko na lang. At tulad nang inaasahan ay sobrang tahimik pa rin niya.

"Call me," sagot na lang niya with a stone cold face.

"I will." Tumango naman ako. "I love you." Hinalikan ko siya labi.

"I love you." Mapait naman siyang ngumiti.

Tumalikod na rin ako at mabilis na bumaba sa sasakyan. Kumaway ako bago maglakad palapit sa building. Nanatiling nakaparada sila sa harapan. I rolled my eyes.

Jeez, Sebastian!

Pero agad ding naningkit ang aking mga mata nang matanaw si Raul hindi kalayuan sa akin.

Jeez, hanggang dito ba naman?

Hindi ko alam kung may coordination na kaagad siya sa security ng building dahil parang wala lang silang pakialam kay Raul.

Kaysa kunsimihin ang aking sarili ay agad na rin akong sumakay sa elevator patungong 5th floor. Maliit na Publishing Company lang naman itong pinasukan ko, pero kahit papaano ay gumagawa na rin sila ng pangalan sa business world. It's not a dream job but still, it's a good place to start.

Sa buong maghapon na pagta-trabaho ko, I must say na na-enjoy ko talaga ang mga ginagawa ko. Maliban lang sa walang tigil na pag-check ng husband ko sa akin.

Jeez, hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito. Nakakairita na rin kasi.

Hindi ko maranasan ang lumabas na walang inaalala. Daig ko pa ang anak ng Presidente dahil may sarili din akong PSG. But then, I agreed to this marriage, kaya wala akong karapatang magreklamo. Hindi ko rin naman kakayanin na wala si Sebastian sa buhay ko.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon