Chapter 24.1.3

437K 4.1K 97
                                    

CHAPTER 24.1.3

ADISON

After that heartbreaking talk with Sebastian ay mas lalo ko siyang naintindihan at minahal.

He's not so bad after all.

He just happened to have a broken soul.

And I know that more than anything else, he needed someone to heal that broken part of him and I knew that I am the only one who can do that. Though, I must admit that I am not really into this bodyguard thing ay hindi ko na lang din ipinagpilitan pa ang gusto ko. Gusto lang niya akong protektahan.

Matapos ang klase ko ay sa library muna ako tumuloy para sa part time job. Sa totoo lang ay medyo boring dito sa library. Nakakaantok ang sobrang katahimikan. But then, mas prefer ko na 'to kaysa sa fast food dahil talaga namang pagod ng katawan ang inaabot ko roon. Thanks to my super rich boyfriend na ewan ko ba kung gaano karami ang connections at nagawa ko pang makakuha ng part time kahit na nga full na ang positions.

Hindi pa man ako nagtatagal ay agad ko ring namataan si Matt. Ngayong araw kasi na ito ay hindi ko siya kaklase sa mga subjects ko. Kahit papaano kasi ahead na siya ng subjects sa akin.

"Back in each other's arms na naman ba kayo?" halos pabulong na tanong pa niya, pero mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata. But wait, how the hell?

"H-how did you know?" Kumunot-noo ako.

"Hinatid ka niya kanina. Nakita ko kayo," maagap din namang sagot niya kasunod ang ismid.

"Ahh..." Nahihiya akong tumango. "Yes."

"Do you really think he deserves you, Ady?" seryoso pang tanong niya habang matamang nakatitig sa aking mukha.

"He loves me, Matt... and I love him. That's all that matters," sigurado kong sagot bago tipid na ngumiti. At iyon naman talaga ang importante. Mahal namin ang isa't-isa.

Napailing lang siya at mapait na ngumiti.

"I'll kick his ass the next time he made you cry," nakasimangot pang aniya.

"I'll do it myself, Matt." Kinindatan ko siya at sinenyasang maupo na lang at manahimik sa isang tabi.

Nakuha naman niya kaagad ang senyas ko at umismid lang.

Matt is a good guy.

I just hope he'll find the right woman for him. Ayoko namang umasa pa siya sa akin.

I am deeply inlove with Sebastian.

It's around seven o' clock nang matapos ang shift ko sa library. Hindi ko naman maitaboy si Matt at talagang binantayan pa talaga ako ng loko. I just hope hindi atakihin sa selos si Sebastian.

At saktong malapit na kami sa main entry ng school ay agad ko na ring natanawan si Sebastian. He's wearing a J. Crew white t-shirt and a denim black jeans. He surely is an eye-catcher. Walang estudyante kahit pa mga lalaki ang hindi titingin sa kanya. His stance screamed power and richness. I feel proud that this Greek god is waiting for me and very much into me. At kahit na malayu-layo pa ako ay sa akin lang naka-focus ang kanyang mga mata. I am already melting for him.

"Hello..." I mouthed to him. Panandali lang siyang napasulyap kay Matt, pero agad ding ibinaling sa akin ang kanyang atensyon.

"Hello..." He smiled lovingly.

Sinalubong niya ako nang yakap at hinalikan ako sa pisngi.

"How was your day?" he asked.

"Good. You?" balik tanong ko.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon