Chapter 17.1.3

485K 4.7K 135
                                    

CHAPTER 17.1.3

ADISON

Isa ito sa pinakamasarap na tulog ko sa buong buhay ko. Marahil dahil sa lamig nang panahon. Hindi nakabukas ang aircon, pero nanunuot ang lamig sa balat. Hindi tuloy namin mapigilan ni Sebastian ang magharutan ulit bago matulog. It really helped para mapawi ang lamig. Shocks! Ang pervy ko na talaga!

I am lying naked beside the man I love.

May mas sasaya pa ba d'un?

Wala ako sa sariling tumitig sa aking nahihimbing na boyfriend na sobrang gwapo.

How could he be this beautiful?

Parang iginuhit nang maayos ang makapal niyang kilay. Mahahaba ang kanyang mga pilik mata, pointed nose and kissable lips... A day old stubble on his face made him looked sexier than ever.

God, I love this man. And, he is my man.

Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal nakatanghod sa kanya, pero nang unti-unti nang dumilat ang kanyang mga mata ay agad siyang ngumiti at pinisil ang aking pisngi.

"Good morning, gorgeous..." nakangising bati ko pa.

"Good morning, beautiful..." bati rin naman niya sabay marahang kinusot ang kanyang mata bago sumulyap sa desk clock. "Kanina ka pa gising?"

"Mmm... medyo," nakangiting sagot ko naman.

"Nasa vacation tayo baka nakakalimutan mo." Hinila niya ako palapit at ibinaon ko ang aking mukha sa kurba ng kanyang leeg habang yakap-yakap niya ako nang mahigpit. I will never get enough of his masculine scent.

"Oo nga, e, sa nagising nang maaga. Anong gagawin?" Ginawaran ko nang manipis na halik ang kanyang leeg na agad namang nakapagpangiti sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi at malagkit na tumitig sa akin.

"Mahal na mahal kita, Sebastian. 'Wag mo akong iiwan, please..." bulong ko pa. Naiisip ko pa lang kasi ang posibilidad na 'yun ay nasasaktan na ako.

"That will never happen, Ady. Mahal na mahal din kita..." bulong din naman niya sabay halik sa aking noo. "I am still very sleepy. Tulog pa tayo," naghihikab pang aniya bago muling ipinikit ang mga mata.

"Mmm..." ungol ko lang bago muling pumikit at nagpadala nang tuluyan sa antok.

As much as I wanted to stay in bed with him the entire day ay kailangan ko pa siyang ipagluto. Kagabi pa lang ay pinag day-off na niya lahat ng mga kasambahay. Gusto muna naming masolo ang isa't-isa kahit na sa iilang araw lang.

Matapos kong makapaligo ay nagdiretso na kaagad ako sa kusina para maghanap nang puwedeng lutuin. Hindi man ako talented sa pagluluto, pero sanay naman ako kahit na papaano. Matagal rin akong namuhay na mag-isa kaya't hindi na rin ako masyadong nakadepende sa aking mga magulang.

Isang simpleng pork steak ang napili kong lutuin para madali-dali. Kahit papaano ay iyon din ang medyo gamay kong gawin at kabisado ko na ang lasa. Habang nagluluto ay binuksan ko na rin ang radio.

Gosh, ang gaganda ng mga tugtog ngayon, a.

Hindi ko tuloy naiwasang mapasayaw habang nagluluto. I think I am a good dancer, pero hindi ko magawang sumayaw sa harap ni Nicole. Mukha raw kasi akong baliw sumayaw dahil masyadong magaslaw para sa kanyang panlasa. A part of me think she's right. At kahit panlasa sa musika ay malaki ang ipinagkaiba naming dalawa.

At dahil tulog pa naman ang minamahal kong boyfriend ay sasamantalahin ko na ang pagkakataon!

♫♪ Whoops kirri whoops kirri whoops

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon