Chapter 13.2.3

503K 5.2K 71
                                    

A/N:

Haist... I really need your motivation right now guys. Nawawala sa hulog ang utak ko. Feeling ko ba 'di ko matatapos maayos LSG. Haist... feeling ko kasi hindi maganda hahaha! Oh well, matatagalan UD ko kapag nagkataon. I need u to help me. Writers block 'to.  Jeez, ngayon lang ulit nangyari to. Eto ang ayaw ko sa sharing ng story... kapag na out of sync utak ko, wala na... maraming magagalit: ((( Need ko mainspire ulit. haist... Emo ang ate n'yo, pasensya na. :((

********

CHAPTER 13.2.3

SEBASTIAN

It's been a while simula nang mauwi ako rito sa bahay namin sa probinsya. Hangga't maaari ay iniiwasan ko talagang umuwi dahil ayokong magisa sa kanilang mga tanong. They knew that I am rich, pero ang hindi nila alam ay kung gaano na ako kayaman. Kaya nga kahit gusto kong pagandahin nang husto ang haciendang binili ko para sa kanila ay hindi ko magawa dahil baka hindi ko lang din masagot nang maayos ang kanilang mga tanong.

"Sebastian!" sorpresang bati ni Nanay. Hindi niya inaasahang mauuwi ako. Ang daming beses ko na rin kasi silang hindi sinipot.

"'Nay..." Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap.

I missed her so much. My Mom is the kindest mother I'd ever known.

"Namiss kita. Sobra. Kumusta ka na, anak?" nagluluha pang aniya. She's a drama queen, but she's very sincere.

"I'm fine, 'Nay. 'Wag ka na umiyak at papangit ka lang," biro ko pa na agad naman ding nakapagpangiti sa kanya. Maagap niyang pinunasan ang kanyang luha at banayad na pinisil ang aking pisngi.

"Anak..." nakangiting bati rin naman ni Tatay habang nakadipa ang mga kamay. Mabilis siyang nakalapit at nakiyakap sa aming dalawa.

"'Tay..." Ibinuka ko rin naman ang aking kamay para i-accommodate siya sa yakapan namin ni Nanay." You lose weight," puna ko pa.

"Oo nga, mahirap din namang magpatakbo ng hacienda," sagot niya at agad ding humiwalay sa amin ni Nanay.

"I told you to hire someone," may himig panermong ani ko.

May katigasan din kasi ang ulo ni Tatay. Kahit pa ang dami niyang nararamdamang hindi maganda sa kanyang katawan ay hindi pa rin siya maawat sa kasipagan. Katwiran niya ay hindi habang panahon kaming may pera. Kung masasabi ko lang na kaya ko silang suportahan kahit na hindi sila magtrabaho.

"Okay lang ako, anak. 'Wag mo na ako alalahanin." Tinapik niya ako sa balikat at alam kong ayaw na lang niyang pahabain pa ang aking sermon.

"Kuya!" Oh, that's my nosy sister, Megan.

Nakangiti akong lumingon sa kanyang gawi. Dalagang-dalaga na rin siya. She's five years younger than Adison. Nagtatatakbo siyang lumapit sa akin at agad akong tinalon para yakapin.

"Megan..." Tinapik-tapik ko siya sa likod. She's nosy, but I missed her always." Get down, you're heavy..." biro ko pa.

"Sus!" Nakairap siyang bumaba at matamang tumitig sa aking mukha." Ang gwapo mo lalo, Kuya! Para kang artista!"

"I know right..." nakangiti ko pang sagot sabay gulo sa kanyang buhok. My sister is really pretty.

Pero mabilis ding nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang magawi ang tingin niya kay Adison na nananahimik sa aking tabi.

"Oh my gee..." gulat na usal pa niya. Sa wakas ay napansin nilang may kasama ako. "Is she your girlfriend, Kuya?"

Okay, this is weird. They are staring at me like I am some gay, huh?!

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon