Chapter 11.3.4

459K 5.2K 190
                                    

CHAPTER 11.3.4

SEBASTIAN

Who's that fuck is she talking to?!

Inis akong humugot nang isang malalim na buntong hininga at pilit na kinalma ang aking sarili.

This is frustrating.

Grabe ding makalingkis 'tong Samantha na 'to! Kung hindi lang nakakahiya kay Don Pablo ay iniwanan ko na 'to kanina pa!

She's a total turned off.

Pakiramdam ba niya ay magkarelasyon kami?

I wanted to be with Adison now!

Kahit na noong si Wayne pa lang ang kausap niya ay hindi na ako mapakali. At ngayon ay ibang lalaki naman ang kumakausap sa kanya?!

"Uhm, Samantha, could you excuse me for a while? My date is waiting for me."

Bahala na! Tutal namanay ayoko ring makipag-socialize pa rito sa mga girlfriends niyang walang ginawa kundi ang magpa-cute sa akin.

"I didn't want her to feelleft out," dagdag ko pa.

"I don't think you should worry about your friend. She seemed to be enjoying my cousin's company," nakangiting sabi niya nang hindi pa rin bumibitaw sa braso ko.

Yeah, she's pretty. Very pretty actually. She's got the body that every man would want to take her in bed, but the thing was, she's not my type at all.

She's assuming.

She's too clingy.

"I'll just see you later." Hindi na rin naman na ako nagpapigil at inalis ang pagkaka-angkla ng kamay niya sa aking braso. Hindi ko naisip na kahit may date na akong kasama ay mababakuran pa rin ako ng babaeng kakakilala ko pa lang!

Aish!

Nang makalapit ako sa reserved table namin ay sobrang busy pa rin ni Adison sa pakikipag-usap sa lalaking kakakilala pa lang niya.

Seriously? Gan'un siya ka-friendly? She could really be very irritating when she acted so friendly.

I hate her being friendly.

Especially not on guys who wanted to be on her panty!

"Adison..." Hinawakan ko siya sa balikat, dahilan upang lingunin niya ako.

"Sebastian!" Napatingala siyasa akin at bahagyang ngumiti.

"Nakakain ka na?" I asked coldly bago maupo sa kanyang tabi. Bahagya ko ring tinapunan nang tingin ang kausap niya. Okay, may hitsura siya. Naghahawig nga sila ni Samantha. But I knew too well na mas gwapo ako sa kanya. Pero mukhang ka-edad lang niya si Adison.

"Nauna na ako kasi akala ko sabay na kayo ni Samantha kakain," mapakla pang sagot niya.

She's jealous.

I could tell by her reaction.

"Believe me, I wanted to be here with you," bulong ko pa.

Tumitig lang siya sa akinna para bang hinahanap ang sinseridad sa mga salita ko. Sa titig pa lang ay alam kong may nararamdaman na siyang espesyal para sa akin. She should learn to control her feelings for me. Masasaktan lang siya.

"You have company?" Noon ko na ulit sinimplihan nang tingin ang kausap niya kanina. Tumingin rin naman siya sa akin at ngumiti.

"Oh, yes... Si Bernard nga pala. Cousin daw siya ni Samantha."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon