Chapter 7.1.2

568K 6.1K 83
                                    

Dedicated to you because you're so helpful sa previous chap. Hindi ko pa naintindihan noong una hehe Salamat. ;) Always feel free to correct me, I really don't mind at all. Nakakabaliw magsulat ng spg hahaha


********

CHAPTER 7.1.2


ADISON

Last night was just the most special night of my life.

Sebastian made love to me...

Hmm...Sex would probably be the right term for him,but as for me, it's making love.

Sa sobrang pagod ko nakatulugan ko talaga siya, kaya lang ay hindi kaya siya nagalit?Medyo mahapdi pa rin ang pakiramdam ko sa pagitan ng aking mga hita. Iningatan niya ako at naramdaman ko 'yun kagabi. Agad ko ring nakita ang bahid ng dugo sa bedsheet. He deflowered me... strangely, I am happy.

Pero nasaan na kaya siya?Iginala ko ang aking paningin sa kwarto, pero walang bakas ni Sebastian. Bumangon ako sa bed at kinuha ang damit kong nakasampay na nang maayos sa upuan. Kaya langay parang ayoko na ring isuot na 'to lalo na ang underwear. Wala ako sa sariling napatitig sa closet na ilang dipa ang layo sa akin kasunod ang pagguhit nang ngiti sa aking labi. Jeez... I am so naughty.

Hindi ko naiwasang matawa sa aking sarili habang maingat kong binubuksan ang kanyang closet. Wish ko lang ay hindi siya magalit sa pakikialam ko sa kanyang mga gamit. Naghanap ako ng t-shirt at agad kong isinuot 'yun. Hindi ko naisip na gan'un siya katangkad. Halos hanggang tuhod ko na ang t-shirt. Naghalungkat din ako sa kanyang undergarments, pero puro boxers. Wala man lang bang briefs?Hindi naman kakasya sa akin ang boxers. Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap at nakita ko sa medyo mas maliit na kahon ang hinahanap ko! Yes! Okay, fine. Siya na talaga ang mayaman dahil puro branded kahit na anong hawakan ko. Wala akong pambili nang ganitong kamahal na underwear. Oh well, 'di naman siguro niya mapapansin kung kukuha ako nang isa. T-shirt lang naman ang kanyang makikita kung sakali.

Pero bago ko pa man isuot ang brief ay pumasok muna ako sa comfort room at naglinis muna nang kaunti. At dahil wala akong toothbrush na dala ay ginamit ko na rinmuna ang sa kanya. It's totally unhygienic, but who cares? Naghalikan na nga kami. I just hope he don't mind.

Matapos makapag-CR ay tsaka ako lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay naamoy ko ang bango nang niluluto sa kusina. Nakaramdam tuloy ako nang gutom.

"Good morning, Adison..." He's on the bar!

"Good morning, Sebastian," nakangiting bati ko rin naman. Oh, I'd love to see that face everyday.

"Hungry?" Bahagya niyang pinilig ang kanyang ulo at nagtaas ng kilay.

Tumango ako at naupo sa high stool katabi niya.

"Norma..." Who's Norma?!

Mabilis akong napabaling sa direksyong tinitingnan niya at mula nga sa maliit na pasilyo ay lumabas ang babaeng tinawag galing sa kung saan mang kwarto. Oh, shit. I am not wearing a bra and I am wearing his t-shirt!

"Oh,God..." naibulong ko na lang.

"Norma, breakfast for Adison, please," utos pa niya sa babae na abot-tainga ang ngiti sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa bagong girlfriend mo, Sir Sebastian?" mapanukso pang tanong niya at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa klase nang pagtitig niya sa akin. She was trying to be polite. Nasisiguro kong alam niya kung ano ako sa amo niya.

"Oh, no-" magre-react sana ako, pero naunahan na rin ako ni Sebastian.

"Adison, she's Norma. Cook ko siya and all around helper na rin. Norma, this is Adison," kaswal na pakilala niya at umiling-iling lang din sa nakangiting babae.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon