Warning: Bawal Ma-fall [Prologue]

1.2M 23.3K 6.7K
                                    

ORIGINAL STORY OF MARIELICIOUS

COPYRIGHT © 2015 BY Marielicious

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names . They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions.


POSTED: May 27, 2015

TITLE: Warning: Bawal Ma-fall



PROLOGUE


Bawal talaga ma-fall sa isang bading. Kadiri. Girl na girl ako tapos ma-fafall ako sa feeling babaeng nagngangalang France Zion Madrigal? No Way. As in N to the O. A big NO!


... Pero mukhang trinaydor ako ng sarili ko dahil nagising nalang ako na gusto ko na siya.


Oo, gusto ko na ang baklush na 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit e. Kainis! Parang nung isang araw lang, kaagaw ko siya sa crush ko tapos ngayon siya na ang crush ko.


... Pero hindi! Hindi ako makakapayag dahil gaya nga ng sabi niya...



Warning: Bawal Ma-fall



***



Magpapakilala muna ako. Ehem. Ako si Misty Kirsten Lee. Ngayon pa lang, sinasabi ko nang hindi ako mabait. May pagkamaldita ako, medyo supladita rin. Kaya sana walang kokontra kung puro POV ko lang ang mababasa niyo. Wala e, sa akin ang spotlight ngayon. Evil laugh.

Sabi nila, spoiled brat daw ako. Umoo nalang ako, redundant kasi sila e. Ang totoo nyan, wala namang time para sa akin ang parents namin pero sa pamamagitan ng pagbibigay nila sa akin ng kahit anong gustuhin ko, napagkakamalan tuloy kaong bratinella. Hindi ako only child. Actually, may kuya ako. His name is Tristan Kurt Lee. Sikat siya. Sikat siya sa E.H.U bilang gangster at iyon ang problema ko. Natatakot tuloy ang ibang kaklase ko na makipagkaibigan sa akin. Na tipong kaunting sanggi lang nila sa balat ko ay over over na kung mag-apologize sa akin. Psh. Ewan ko nga ba sa kanila kung ba't sila nagkakaganyan. Wala na rin namin si Kuya Kurt dito sa East High University dahil lumipad na siya sa States after his break up with Ate Gail. Sad.


So much for that... Ikukwento ko nalang kung ba't nagkaganun ang happenings.


Unang araw ko ngayon bilang College freshman. Wala akong choice kundi ang mag-take up ng Business Administration major in Management. Family pressure e, edi gumora na ako.

Pagkarating ko sa first class ko, naabutan kong may sari-sariling mundo ang mga estudyante. Yung iba, nakikipag-make friends na sa iba. Well ako? Pinili kong maupo dun sa second row na malapit sa aisle.

Naninibago tuloy ako. Madaldal akong tao dahil nasanay ako na napapaligiran ng mga friends ko in highschool. But today's different. Wala akong friends. Loner ako.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now