Dama De Noche

150 6 0
                                    

Genre: Fantasy


Ilang beses ko nang nasaksihan kung paano ito nagbigay buhay, at sa tuwing nasasaksihan ko kung paano ito magmilagro, hindi ko maiwasang mamangha.Tanda ko pa nung una ko itong nakita.

Naglalaro ako sa isang parke ng makaamoy ako ng isang napakahalimuyak na amoy, hinanap ko kung saan ito nagmumula, hanggang sa mapadpad ako sa isang burol. Kapansin-pansin ang isang matayog na puno.

Napakaganda, isang Dama De Noche. Lumapit ako at sa isang iglap nagsilaglagan ang mga dahon nito, humalimuyak ang napakabangong amoy mula sa puno.

Tumingala ako at ako'y nasilaw sa liwanag nanagmumula sa puno. Labis akong nagtaka nang unti-unting lumalayo ang liwanag mula sa puno, para itong tao na naglalakad palayo. Mas maliwanag pa ito sa sikat ng araw. Sinundan ko ito hanggang sa huminto ito sa madamong parte ng parke.

Tumapat ito sa isang naghihingalong kuting. Lumapit ako upang mas lalo ko itong makita. Kumalabog ang puso ko nang maamoy ko ang bango ng puno ng Dama De Noche, nakakapag-taka, masyadong ng malayo ang bahagi ng parkeng ito mula sa puno, napaka-imposible na umabot pa rito ang halimuyak ng puno. Umihip ang malakas na hangin at mas lalo itong nagliwanag, nakakasilaw. Pumikit ako at sa muli kong pagdilat wala na ang liwanag.

Napatingin ako sa kuting, malaya itong tumatakbo at masiglang-masigla, nakakamangha.

Hindi ko inintindi ang aking nasaksihan, marahil gawa lang iyon ng malikot kong imahinasyon.

Pagtuntong ko sa edad na pitong taong gulang, muli ko itong nakita sa hindi inaasahang pagkakataon.

Nagkaroon ng malubhang sakit ang aking kapatid. Hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin.

''Masyado pa siyang bata, hindi ko kakayanin kung sakaling mawala siya sa'tin.''

Naghina ako bigla, ayokong makitang nahihirapan ang magulang ko.

Lumakad ako patungong kapilya.

"Panginoon, pakiusap huwag niyo po muna kuhain ang kapatid ko, pakiusap."

Umihip ang malakas na hangin at labis akong nagtaka kung paano ito nangyari. Napasinghap ako nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang mahalimuyak na amoy hanggang sa makarating ako sa silid ng kapatid ko, pumasok ako sa loob. Napasinghap ako nang muli kong makita ang nakakasilaw na liwanag at ito'y nakatapat sa nakahigang katawan ng kapatid ko. Lalong lumakas ang hangin at sa isang iglap naglaho ang liwanag, napatingin ako sa kapatid ko na bigla na lang napaupo at labis na hinihingal. Isa lang ang alam ko sa oras na yun, ligtas na ang kapatid ko.

Nagdiwang ang buong pamilya namin. Nagtipon-tipon ang lahat ng kamag-anak namin sa isang Bundok. Habang sila ay nagsasaya naisipan kong maglibot, hindi na ako nagpaalam, umalis ako at naglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang hindi kaaya-ayang bahagi ng bundok.

May mahabang ilog na punong-puno ng basura, at may mga punong wala ng sanga, at halos lahat ng aking nakikita ay sira na. Anong nangyari?

Napapikit ako, hinayaan kong lumandas ang luha sa aking mata. Kung may magagawa lang sana ako.

Napadilat ako nang maamoy ko na naman ang isang pamilyar na amoy, at sa aking pagdilat labis akong nasilaw, wala akong makita. Sadyang nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa langit, muli kong pinikit ang aking mata at paglipas ng ilang segundo muli kong idinilat ang aking mata, hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon