First Anniversary

111 3 1
                                    

Genre: Romance


To: Baby Ziven

Don't forget our lunch later okay? I love you baby.

"Shandy! Tara na sa gym", rinig kong tawag ng kaibigan kong si Snowbear.

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko kung nagreply ba si Ziven pero wala pa rin. Tumayo na ko at saka sinundan si Snowbear at ang iba ko pang kaklase papunta sa gym.

Ilang araw ng hindi nagtetext sa'kin ang boyfriend kong si Ziven. Ay, nagtetext pala siya pero isang simpleng "good morning" at "goodnight" lang. Wala man lang I love you, tsk!

Simula no'ng Sabado 'yon na ang huling pagkikita naming dalawa at simula rin n'on ay hindi na siya nagtetext ng maayos. Hindi na nga rin kami nagkikita dahil abala raw siya sa practice nila ng basketball. Hindi kasi kami magkapareho ng course dahil engineering siya at accountancy naman ako.

"Ziven!"

Kahit na hindi ako 'yong tinawag napatingin pa rin ako sa sumigaw at do'n ko nakita ang boyfriend ko na may kasamang ibang babae.

Bago pa siya makalayo tinawag ko na agad siya, "Baby Ziven!"

Lumingon siya habang nakangiti pero nang makita niya ko agad na nawala 'yong ngiti niya, naging blangko ang itsura ng mukha niya. Bakit kaya?

Tumakbo ko papunta sa kanya at no'ng hahalikan ko siya sa pisngi bigla siyang umiwas. Binalewala ko nalang 'yon at nginitian siya, baka pagod lang siya.

"Baby bakit hindi ka nagrereply sa mga texts ko?" Tanong ko habang naka-pout.

"Sorry, lowbat ako. Hindi ako nakapag-charge kagabi."

Hindi nakapag-charge? Never niyang nakakalimutan ang mag-charge tuwing gabi. Imposible.

"Eh basta mamaya ah, 'wag mong kakalimutan." Tumingin siya sa'kin na parang nagtatanong, "Lunch date natin, remember?"

"Ah yeah. Sige baby una na ko, bye!" Pinagdikit niya lang ang pisngi namin saka siya tumakbo papunta sa mga kasamahan niya.

Hanggang sa makalayo siya sinundan ko siya ng tingin, nakita ko pang nakikipag-usap siya sa babaeng kasama niya kanina na leader ng cheerleading squad ng school namin. Nakangiti siya habang kausap ang babaeng 'yon. Sino ba 'yon at bakit parang close na close sila?

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'min ni Ziven at ganyan siya ka-cold sa'kin. Halos apat na araw na siyang ganyan, pati ba naman ngayon na special day namin cold pa rin siya? Oo, special day namin dahil ngayon ang first anniversary namin.

Naaalala ko pa 'yong sinabi niya no'ng Sabado na kakain kami sa paborito naming restaurant at sabay panunuorin ang sunset pagkatapos naming mamasyal. Mangyayari pa kaya 'yon ngayon? Hindi ko pa rin naman siya binabati dahil mamaya ko sana siya babatiin kasabay ng pagbibigay ko sa kanya ng regalo ko.

"Shandy! Kanina ka pa tinatawag ni Coach!" Lumingon ako kay Snowbear, "Okay ka lang ba?"

Nginitian ko siya ng pilit at saka tumango.

xx

Nasaan na kaya si Ziven?

Kanina pa ko rito sa restaurant kung saan kami magkikita ni Ziven pero hanggang ngayon wala pa siya. Usapan namin ay 12 pm pero 1:30 na wala pa rin siya. Kanina ko pa siya tinetext pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagrereply, sinusubukan ko rin siyang tawagan pero mukhang naka-off ang phone niya. Nasaan ka na baby?

Ilang beses na kong nilapitan ng mga waiter pero hindi pa rin ako umoorder ng pagkain, tanging juice lang ang hiningi ko. Gusto kong kumain kasabay si Ziven, alam ko darating siya. Imposible namang makalimutan niya ang araw na 'to, tuwing monthsary namin sanay ako na siya lagi ang unang bumabati, ngayon nga lang hindi.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon