Love and Sacrifice

255 5 0
                                    

Genre: General Fiction


Isang simpleng babae lang ako, hindi kami mayaman pero hindi rin naman kami mahirap. Ang mama ko ay isang teacher sa isang pampublikong paaralan habang ang tatay ko naman ay isang  driver. Third year college na ako ngayon sa isang University, isa akong scholar doon. Meron akong kumpleto at masayang pamilya at higit sa lahat meron akong boyfriend na mapagmahal.

Napangiti na lamang ako, uwian na pala namin at naglalakad na ako pauwi sa bahay namin. Sayang lang sa pera kapag sumakay pa ako, bigla akong nagulat ng may bumusina sa likuran ko. Naningkit ang mga mata ko, sino naman kaya ito? Tanong ko sa sarili ko, pero lahat ng katanung ko ay napalitan ng saya ng makita ko kung sino ang bumaba sa magarang sasakyan.

"Hi, nag-iisa ka yata? Gusto mo hatid nakita sa inyo?" Nakangisi nyang sabi, naningkit ang mga mata ko. "May klasi ka pa ah, why are you here?" Nakapameywang kong tanong sa kanya, lumapit cya sa akin. "Sungit mo, meron kaba ngayon?" Namula naman ako sa sinabi nya.

"Why? Hindi ka naman yata masaya na nandito ako eh" Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Hindi naman sa ganon, ayaw ko lang naman na hindi cya pumapasok sa klasi nya eh. What if bumaba ang grades nya? Tiyak mapapagalitan cya ng mga magulang nya, napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang kamay nya. Nakasimangot cya, ngumiti ako sa kanya.

"Ang panget mo oh, smile kana. Ngingiti na yan." Wala paring epekto, nagtatampo talaga cya sa akin. Hinawakan ko ang baba nya at iniharap sa akin. Inirapan nya lang ako, I giggled. Ang cute nya! "Now you're giggling. Natutuwa kapa talaga?" Mas sumimangot pa cya, pero kahit ano mang expression ang nasa mukha nya para sa akin cya parin ang pinaka gwapong lalaki sa mga mata ko. "Ayaw ko lang naman na hindi ka pumapasok sa klasi mo para mahatid mo ako pauwi, kaya ko naman ang sarili ko eh. Ang lapit lang naman ng bahay ko dito." Seryoso kong sabi sa kanya habang hawak ko ang mukha nya, ngumiti ako sa kanya. "At hindi totoo na ayaw kitang makasama no! Kung pwede nga lang na hindi na ako umalis sa tabi mo ginawa ko na." Nakangiti kong sabi, from his serious face naging mapang-asar ito. Inirapan ko naman cya, alam na alam ko ang ugali ng lalaking ito. Bigla nya akong hinapit sa bewang kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at dikit na dikit ang katawan ko sa kanya.

"Kahit anong tampo ko sayo, nakakagawa ka parin ng paraan para  mapakilig ako." He is really vocal when it comes to his feelings, hindi cya nahihiya sa akin. Ganon din naman ako sa kanya "Wala na akong pasok, gusto kasi kitang maihatid para malaman ko na safe na safe ang pinakamamahal ko." Kinindatan nya pa ako, kinurot ko cya sa tagiliran pero tinawanan nya lang ako.

Ako si Ariella Lacson at ang boyfriend ko naman ay si Lance Montevista, mayaman sila kaya nong una ay nagdadalawang isip pa ako kung seryoso cya sa akin o hindi pero sa araw-araw na panliligaw nya sa akin ay nakita ko kung gaano cya ka seryoso sa akin. 3 years na kaming magkasintahan.

Alam nila mama at papa ang tungkol sa amin ni Lance pero walang alam ang pamilya nya tungkol sa amin, mahirap lang ako at mayaman sila. Oo, tago ang relasyon namin sa pamilya ni Lance, pero hindi nya ako ikinakahiya sa ibang tao. Kaibigan ko ang isang pinsan ni Lance at boto cya sa akin para sa akin. Palagi namang wala sa bansa ang mga magulang nya.

Nasa isang Park kami ngayon ni Lance, date daw kami. Ewan ko kung ano ang sumagi sa isipan nya at niyaya nya akong mag date, hindi naman sa ayaw ko pero lunes palang at kadalasan sabado kami nagdedate na dalawa. "Gusto ko dalawa lang ang magiging anak natin, babae at lalaki." Nakangiti nyang sabi habang yakap nya ako. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sinabi nya, para kasing sigurado cyang ako talaga ang mapapangasawa nya, pero kung ako ang tatanungin cya ang gusto kong makasama habang buhay. Wala na akong mahihiling pa. Kinurot ko ang tagiliran nya at kinagat ang ibabang labi ko para matago ang pagkakilig ko. "Bakit, ayaw mo ng ganon  o baka gusto mo mas marami pa? Sabihin mo lang at mag-uumpisa na tayo ngayon palang?" at binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti, biglang uminit ng sobra ang mukha ko. Napayuko nalang ako at ngumiti ng sobra.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon