Melba and Her Happily Ever After

163 8 4
                                    

Genre: Humor


"Kulas!!! Kulas!!! Gising na Kulas!!!" Maaga palang ay parang armalite na ang bunganga ni Aling Melba. Halos lumuwa na ang diaphragm nito kasisigaw habang abala ito sa pagdidilig ng mga alagang halaman sa mini-hardin opposite her bestfriend, Sol.

"Tang ina naman, Mare! Ang ingay mo! Ingay ingay, ingay..." napakanta naman si Aling Sol sa saliw ng awiting Ikot-ikot ni Sarah G habang inirereklamo ang bunganga ng kumare. Kasalukuyan naman itong nagsasampay ng mga nilabhang damit.

"Ay pasensya na, Mare," sabi ni Melba, "eh kasi 'yang kumpare mo hindi magising-gising!" litanya nito nang nakabusangot. Halos lunurin na niya sa dami ng tubig ang isang pasong may sumisibol na halaman sa inis.

"Chill! Taas ng presyon mo, Mare! Over-over!" with matching paghampas pa ng bewang na paliwanag ni Sol. "Gusto mo ako na lang ang gumising kay pareng Kulas?" may halong paglalandi nitong pahayag. Medyo hot momma kasi itong si Sol at gustung-gusto ang mga oh so wild adventures.

"Ulul! Gisingin mong mukha mo!" Sabay postura na akmang babatuhin ng paso ang kapitbahay slash malanding bestfriend.

"Ito namang si Kumars, 'di na mabiro," sagot ni Sol na noo'y nakapaglabas na ng metal shield at nagmama-marathon na ang libo-libong butil ng pawis mula sa noo.

"Good. Akala ko seryoso ka eh," payapang pahayag ng ale kasabay ang marahang pagbitaw nito sa hawak-hawak na deadly paso. Muli ay nagtawanan ang dalawa sa hindi malamang dahilan. Weird.

Pumasok na si Melba para magluto ng aalmusalin nila ni Kulas. May nakita siyang itlog. Bigla niyang naalala ang mga panahong hinihimas niya ng itlog ng asawa, mga panahong hindi pa ganoon karami ang wrinkles nito. Pagkatapos nang pagmumuni-muni niyang iyon ay inilabas naman niya ang hotdog na nasa ref. Bigla naman niyang naalala ang badoodles ni Kulas. Napatawa na lang siya habang hinihimas ang hotdog (dahil tatanggalin niya ang plastic na balot niyon).

Natapos na siya sa pagluluto nang mapansin niyang hindi pa rin bumaba ang asawa, kung kaya't napagpasyahan niyang akyatin na lamang ito sa kanilang kwarto. At dahil likas na maloko ay nakaisip siya ng trip na gugulantang sa tulog na kaluluwa ng asawa.

"Sunog!!! Sunog!!! Tulong!!! Sunog!!!" alingawngaww ni Melba sa mismong tenga ng asawa. Biglang naalimpungatan si Kulas. Nagulat siya dahil sa sigaw na sunog kung kaya't nataranta ito't parang tangang nagtatakbong palabas ng kwarto.

Humalakhak si Melba nang ubod ng lakas dahil sa eksenang iyon. Naka-brief lamang ang asawa at nagmamadaling bumaba dala-dala ang kumot nito. Sinundan niya ang asawa at naabutan itong nasa sala at masama ang tingin sa kanya.

"Oh mahal, bakit nakaganyan ka lang?" tanong ni Melba habang nagpipigil ng tawa.

"Sunog," walang buhay na pahayag ng asawa.

"Nasaan?" Namumula na ang mukha nito sa pagpipigil ng tawa.

"Sabi mo."

At humagallpak na naman ng tawa si Melba habang nakatingin sa kanya ang asawa. Napatigil naman siya nang mapansin niyang hindi natutuwa sa eksenang iyon ang katipan.

"Uy, sorry na."

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha?"

"Taray! John Lloyd, ikaw ba 'yan?"

"Tigil-tigilan mo 'ko. Hindi ako natutuwa."

"Sorry na kasi," sabay yakap sa asawa at bigay rito ng kanyang maalindog na sweet kisses. Wala pa ring reaksyon si Kulas kaya naisip ni Melba na gamitin ang kanyang huling alas. Dinakot niya ang anes ni Kulas at boom, rak na ituuu.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon