Chat

195 5 4
                                    

Genre: Romance


Typing...

Dalawang linggo na kaming break ni Drake at heto ako ngayon nakikipag chat sa di ko kakilalang user sa Facebook.

*Phone Beeping*

Tinignan ko yung phone ko at nagreply na pala yung kachat ko.

Mr.Stranger : Ganun ? So ilang months or year ba kayo ng tagal ?

Stacy : Mga 7 years ata kami nagsasama. Tiyaga nga nun eh nakapagantay ng 7 years para sagutin ko.

Seen 2:06 am

Gusto ko ng maka move-on at makalimutan siya kaso ang hirap mahal ko parin siya eh. Para lang akong nakulong sa kulungan kahit gusto kong lumabas di pwede. Hay ano kaya ang ginagawa niya ngayon.

*Phone Beeping*

Mr.Stranger : Mahal mo pa ba siya ?

Stacy : Hahahaha

Mr .Stranger : Seryoso ako.

Stacy : Bat mo naman natanong yan ? Lol.

Mr.Stranger : Kasi baka naman mahal ka pa niya. Diba ? Walang nakakaalam.

Stacy : Oo mahal ko pa siya. Di pa nga ako makamove on eh. Saklap ! Haha.

Seen 2:10 am

Ini-stalk ko muna yung kachat ko at ng gulat ako na nung isang araw pa pala siya jumoin sa facebook at niisang picture wala siya yung status niya lang na...

_________________________________________

Mr.Stranger

Ngayon ko lang narealize na mahal ko parin siya.

_________________________________________

At may isang like at syempre naman ako lang yung friend niya sa facebook edi sino pa ba yung maglilike edi ako. Bahala na kung mahack niya yung facebook ko o modus siya, wala na akong pake dun ang gusto ko lang naman ay may makausap ako 2 linggo narin kasi akong walang kausap eh. Di ako lumalabas ng kwarto ko, nagpapahatid lang ako sa katulong ko ng pagkain. Wala akong kapatid at kaibigan di naman kasi ako social butterfly eh meron naman dati kaso nasa ibang bansa na siya at pumanaw na sa sakit na lung cancer at yung mga magulang ko naman ay nasa states at nagtratrabaho. Actually siya nga yung naging sandalan ko eh nung kailangan ko ng masasandalan. Naging kaibigan ko siya kasi kapitbahay lang kami dati kaso nung nagkasakit yung mama niya eh lumipat na sila ng bahay. Home study ako kaya wala akong mga kaibigan. Gusto ko na ngang magpakamatay eh nung nakipagbreak siya sakin kasi siya lang yung nagbibigay ng buhay sakin kaso di natuloy kasi siguro may plano ang panginoon sakin.

*Phone Beeping*

Mr.Stranger : Wag kang magalala mahal ka pa nun.

Stacy : Pano mo naman nasabi Mister ? Aber ?

Mr.Stranger : Kasi kaming mga lalake doon na namin marerealize na mahal pa pala namin yung isang tao kapag nawala na siya.

Stacy : Ganun ba yun ? Ayaw ko naman magassume eh.

Mr.Stranger : Etext mo kaya siya ? Mag Hi kalang.

Stacy : Ayoko nga break na kami wag mo na akong ipush sakanya.

Mr.Stranger : Baka nga mahal ka pa niya.

Stacy : Hay bahala ka dyan matutulog na ko. zZzZzzZ.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon