Blissful Pains

149 5 1
                                    

Genre: General Fiction


Sabi nila, ang araw ng kasal ang pinakamasayang pangyayari na maaring maganap sa tanang buhay ng dalawang taong pinaglapit ng Diyos. Sabay sila haharap sa altar upang tuluyang basbasan ng Diyos ang kanilang pag-iibigan at pagsasama.


Sabi sa akin ng aking ina, para siyang nasa mala-fairy tale na tagpo nang mga panahong niyaya siyang magpakasal ni Papa. Nasa gitna sila ng pamilya ng isa't-isa, tumutugtog ng romantikong musika kasabay nang pagluhod ni Papa sa harap ng pamilya ni Mama, at niyayang magpakasal.


Siguro nga, kinikilig pa rin ako dahil sa mala-fairy tale na kuwento ng mga magulang ko. Kinikilig rin ako sa tuwing nababasa ko ang mga kuwento ng isang mahirap na babae na nagkagusto sa mayamang lalaki na kung saan sa huli, nagkatuluyan sila. O hindi naman kaya, isang playboy/playgirl na nagkagusto sa isang cold na babae/lalaki na nagbago dahil sa pag-ibig sa isa't-isa.


Tama nga siguro sila, masyado akong nagpapaniwala na lahat tayo ay may sariling fairy tale na kuwento. Na lahat ay may happy ending at walang iiyak sa huli.


Pero nakalimutan kong may kasabihan pala na, "You will only truly understand the essence of something unless you have the chance to experience a part or whole of it."

Dahil sa kuwentong ito, hindi ko man maipagmalaki sa lahat na malafairy tale ang buhay ko, ngunit mayroon akong isang bagay na natutuhan na hindi natutuhan sa mga babasahin, hindi nababase sa mga eksperto.....


Kung hindi sa karanasan ko kasama ng taong minsang pinahalagahan ko.


Anim na taon na rin ang nakalipas simula ng maikasal ako sa taong mahal ko. Napakasaya dahil sino ba naman ang taong ayaw maikasal sa taong mahal nila diba?


Nasa third year high school ako nang magtransfer siya mula sa ibang school. Lalaking hindi maikakailang may itsura, matangkad, matalino, may sikat na banda at mabait kaya sino ang hindi mahuhulog sa kaniya. Akala ko kabaduyan iyong sinasabi nilang love at first sight pero nabahag ang dila ko, nang ako mismo ang nakaranas.

Tinanong ko mismo ang sarili ko kung paano ko minahal ang taong hindi ko pa nakakausap kahit isang segundo man lang. Hindi niya nga siguro alam na nag-eexist ang isang tulad ko.


Hanggang sa tumuntong ako sa ikalawang taon ko sa kolehiyo. Akala ko makakalimutan ko na siya dahil baka nagustuhan ko lang siya dahil sa panlabas na anyo, pero sa apat na taon, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya

Umiyak ako sa kuwarto ko dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako nakikilala kahit man lang sa pangalan. Masakit dahil hanggang sa pagmamasid na lang ako sa kaniya sa malayo. Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang isang Arianna sa isang taong iniidolo at tinitilian ng karamihan.


"Umiiyak ka nanaman. Dahil nanaman ba sa kaniya?" lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Papa. Nanatili akong tahimik habang patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha mula sa mga mata ko.


Narinig ko siyang bumuntong hininga, "Mahal mo ba talaga siya ng sobra kaya kahit hindi ka niya kilala ay iniiyakan mo pa rin siya." tumango ako ng marahan. Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit at sinabing, "Huwag ka ng umiyak, sasaya ka na.... sa piling niya."

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon