My Key To Survive

113 6 1
                                    

Genre: Romance


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at sa pagmulat ko, isang puting kapaligiran ang tumambad sa'kin. Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito maigalaw. Kahit nga maramdaman ang mga ito ay hindi ko maramdaman. Kaya naman, nanatili na lamang akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang nililibot ko ang mga mata ko sa buong kapaligiran.

Hanggang sa maramdaman ko ang biglaang pananakit ng sintido ko na halos maipikit ko na ang mga mata ko sa sobrang sakit pero hindi rin naman iyon nagtagal. Muli kong iminulat ang mga mata ko at magkabilaang sigawan agad ang narinig ko. Tinignan ko kung nasaan na ako ngayon at napakunot nanaman ang noo ko nang makita kong nasa gitna ako ng kalsada habang nakatigil ang mga sasakyan sa tabi ko. Walang tigil ang pagbusina nila sa'kin kasabay ng mga sigawan ng mga tao na nakatingin sa'kin.

"Maddy..."

Nabaling ang atensyon ko sa harapan ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Binaba ko ang tingin ko at tumambad sa'kin ang isang lalaking ngayon ay nakabulagta sa harapan ko habang napapaliguan siya ng sarili niyang dugo.

Hindi lang siya basta lalaki, siya ang lalaking pinakamamahal ko.

Lalapit na sana ako sakanya kaya lang katulad kanina ay hindi ko nanaman maigalaw ang mga paa ko. Muli ko siyang tinignan at nakaramdam ako ng panghihina nang makita ko siyang ngumiti sa'kin kasabay ng pagbagsak ng mga luha niya sa mga mata niya.

'Huwag kang umiyak! Tutulungan kita!' Gustong-gusto kong sabihin ang mga katagang 'yan pero hindi bumubuka ang bunganga ko.

Tumingin ako sa paligid pero nakakapagtaka dahil wala man lang may balak na tulungan siya. Nanonood lang sila sa'min na parang wala lang sa kanila ang nakikita nila.

"Maddy..."

Nabaling ulit ang atensyon ko sa kanya at nakita ko na bumibilis ang paghinga niya. Nakaramdam ako ng panghihina sa katawan ko at bumagsak na lang ako sa sahig habang inaabot ko siya pero hindi ko siya maabot. Hindi ako makapagsalita. Tanging hikbi ko lang ang naririnig ko habang nakatingin lang sa kanya.

"Mahal na mahal kita," 'yon lang ang huli niyang sinabi hanggang sa ipikit niya ang mga mata niya.

"Huwag mo akong iwan, Kean!" sigaw ko habang pinipilit pa ring abutin siya. Gusto ko sanang magbunyi na sa wakas ay nakapagsalita na ako pero hindi ko magawa dahil ang lalaking nasa harapan ko na ngayon ay unti-unti nang nawawalan ng hininga.

"Kean! Kean, gumising ka! Kean!"

"Wake up, Maddy!"

Nakaramdam ako nang mainit na hininga sa tenga ko at sa pangatlong pagkakataon ay minulat ko ulit ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang isang mukha na nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"Nanaginip ka na naman 'no?" tanong niya at sa halip na sagutin ko siya ay niyakap ko siya nang mahigpit habang walang tigil ang pag-agos ng mainit na likido sa mga mata ko.

"Huwag mo akong iiwan," paulit-ulit kong bulong sa kanya. Naramdaman ko ang isa niyang kamay na niyakap rin ako at 'yong isa pa ay sinusuklay ang mga buhok ko para kumalma ako.

"Hindi kita iiwan, pangako," bulong niya na nagpangiti sa'kin. Kasabay no'n ay ang pabukas ng pintuan sa kwarto ko. Nakita ko si mama na nagmamadaling pumunta sa pwesto namin.

"Kean, anong nangyari sa anak ko?" nag-aalalang tanong ni mama habang nakatingin sa'kin.

"Nanaginip lang po siya kaya lang, muntikan na pong lumaglas ng isang minuto 'yong tulog niya. Dahil siguro sa panaginip niya kaya hindi siya magising," sagot niya.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon