Anew

104 4 0
                                    

Genre: Romance


Kabadong mukha ng kanyang sekretarya ang sumalubong kay Vincent pagdating nya sa palapag kung saan matatagpuan ang kanyang pribadong opisina. Nakakapanibago ito sapagkat kilala nya ang babae bilang isang taong hindi nagpapakita ng ibang emosyon bukod sa nakasanayan na nitong siryosong hitsura.

"What's the problem?"

"Sir... Kasi..." Humugot ito ng malalim na hininga "Alam kong binilinan ninyo akong huwag tumanggap ng kahit na sinong bisita. Pero makulit kasi ang isang ito. Sinasabi n'yang may appointment daw kayo kaya kailangan ninyo s'yang harapin at kausapin"

Kumunot ang noo niya "I cleared my scheduled meetings until the end of the month kaya paanong nagkaroon ng appointment ang isang iyan?"

"Hindi ko nga din po maintindihan kung bakit-"

"Who is that guy?"

"Sir?" Siryosong tingin ang ibinigay nya rito "Ah. She's not a guy, sir. She's Pauline Lupisan from Papermate Publication"

Parang may mali sa narinig nya "Who?"

"Ms. Pauline Lupisan from Papermate Publication, sir"

May hindi pa din tama sa narinig niya kaya't para makasiguro, binuksan niya ang saradong pinto ng opisina at natagpuan ang isang magandang babaeng mahimbing na natutulog sa couch na matatagpuan sa pinakaliblib na bahagi ng silid.

Napako siya sa kinatatayuan.

"Oh my gosh! Sir, pasensya na po talaga. Magpapatawag na lang ako ng guards para mapaalis na ang babaeng 'yan"

Pinigilan niya ito sa braso "Gaano katagal na siyang naghihintay?"

"...Mga limang oras na po"

Binitawan niya ito at sinipat ang suot na relo. Alas-dos na ng hapon.

Tinitigan niyang muli ang natutulog na dalaga.

"Don't call the guards, Angela. Ako na ang bahala rito. As for you, mag-undertime ka na ang please bring all the other employees. Gusto kong guards na lang ang kasama namin sa building na ito after thirty minutes"

"Sir?" Bakas sa mukha nito ang pagkalito

"You heard me. Now leave"

"A-Alright, sir"

Paalis na nga ito ng may maalala s'yang mahalagang bagay.

"Angela" lumingon ito "Call the nearest restaurant ang order their best sellers. Just make sure that it has nothing to do with shrimps"

Nang maka-alis ang sekretarya ay tuluyan na s'yang pumasok ng silid at tahimik na lumapit sa natutulog na dalaga.

Tatlong tao na mula ng huli nya itong makita at mula ng araw na iniwan n'ya ito, hindi na s'ya muling umasa na magtatagpo ang landas nila.

Pero heto at magkasama sila sa iisang silid ngayon.

Huminto siya sa tapat ng dalaga at hinayaan ang sariling pagmasdan ang mukha ng taong minsang naging mahalagang bahagi ng buhay n'ya.

Ngunit naramdam yata nito ang kanyang presensya.

"What brings you here?"

Mula sa mapupungay na mata ay biglang lumaki ang mga ito.

"Your'e here!" nagmamadaling bumangon ito mula sa pagkakahiga "Finally, dumating ka din. Alam mo bang namuti na ang mga mata ko sa kahihintay sayo rito?!"

"I did'nt know you were waiting. Besides, I cleared my schedule 'till the end of the month so I supposed, you should'nt be here"

"Pinapa-alis mo ba ako pagkatapos kitang hintayin ng sobrang tagal?"

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon