Sa Jeep

426 13 14
                                    

Genre: Teen Fiction


Naranasan mo na bang sumakay sa Jeep?Ako kasi,oo at dito nagsimula ang isang mala-MMK na pag-iibigan namin sa isang pasahero.Handa ka na ba?Tara na,byahe tayo.


Napatingin agad ako sa aking orasan.Shoot! Male-late na ako.Dali dali akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo.Pagkatapos ay nagbihis na ako at agad na bumaba.

"Ma!Pa!Aalis na po ako,"sigaw ko sa aking mga magulang na kasalukuyang nag-aalmusal sa kusina.

"O anak,kumain ka muna kahit kaunti lang,"aya sa akin ni Mama.

Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng tinapay na may palaman.

"Magbabaon na lang po ako,"sabi ko at nagpaalam na ako paalis.

Nilanghap ko muna ang di gaanong sariwang hangin pagdating sa kalsada.What's new?Pag public transportation ang pinag-uusapan ang unang pumapasok sa isip ko ay siksikan,mahabang pila,mga high blood na tao,malagkit,putok,anghit,pawis,mabahong hininga,mga magna,mga taga-libog and everything.Nandyan na siguro lahat.

"Para!"sigaw ko sa papalapit na sasakyan.Hindi ako mayaman para mag-eroplano,jeep jeep lang muna tayo.Dahil late na ang ako,wala nang matanda't bata,babae o lalaki,basta ako'y late na,uunahan kita.

Pagkatapos kong makipagbugbugan,bruskuhan at tulakan makapasok lang sa jeep na ito ay natuyo na ang aking ganda.Ang babaho pa ng mga katabi ko na mukhang hindi nakaligo ng ilang taon.Sabayan pa ng mga putok sa kilikili nila.Diyos ko!Nasa Pilipinas nga ako.Hindi ka naman siguro sanggol para hindi malaman kung anong meron sa atin diba?Di ka pa ba sanay sa mga ganitong pangyayari sa jeep?Kung hindi pa,anyare sa'yo?Masanay ka na dahil mukhang matatagalan pa bago umusad ang Plilipinas tungo sa tama at magandang daan.Juice colored!Pero aminin mo,ang saya makaranas ng ganitong experience.Dito mo kase masusukat ang iyong pasensya,pakikitungo sa ibang tao at dito mo rin masusukat kung hanggang saan ang foundation mo,este ganda mo.

"Para,para daw,para!"Malakas na sigaw ni Manang.Ewan ko ba kung bakit nabibingi ang mga drayber pag sinabi mo ang salitang "para" pero ang lakas ng pandinig pag sinabi mong "bayad".Yung totoo?Imbis na sumakay ka nga ng jeep para mapalapit ka sa destinasyon mo,ang ending,more on bonggang walkathon ka pa dahil lagpas ka na sa dapat mong babaan.Ipabarangay mo na 'yang drayber na 'yan Manang.Bumaba si Manang na busangot ang mukha dahil sa pangyayari.Hay salamat!Naka-upo na rin ako ng maluwag.Ang sarap sarap naman kasi ng upo ng karamihan na todos bukaka pa,ako naman nagsasakripisyo kanina makarating lang sa pupuntahan.Yung tipong kalahati na lang ng isang pwet ko yung naka-upo?Nasaan ba ang barangay dito ng makapagpa-blotter?Upong pang sampo lang po.Pare-pareho lang tayo ng ibinayad dito pero yung upo ko pang tres lang.

"Manong!Estudyante lang po 'yun,kulang pa po tong sukli,"sabi ng isang estudyante.At tila hindi pa rin naririnig iyon ni Manong driver dahil feel na feel niya pa rin 'yong tugtog na pinapakinggan niya.

"Manong!Kung ayaw niyo pong ireport ko kayo sa LTFRB,ibigay nyo 'yung kulang na sukli,"galit na sabi nito.Natakot naman si Manong kaya dali dali siyang kumuha ng piso at ipinasuyo papunta dun sa estudyante na nag-aalburuto ang mukha.Sayang din naman kase yong piso eh.Tandaan,na ang nasasayang na piso,pag inaraw araw ay 7 pesos per week,31 pesos per month at 365 pesos per year.Pang load din yan.

Maya maya pa'y nag si babaan na yung ilan sa mga pasahero.Mga nasa lima na lang kami ang nandirito.Tatlo sa magkabilang upuan at dalawa kami sa isa pa.At teka?Bakit ngayon ko lang napansin ang gwapong nilalang na ito?At di naman sa pagiging assumera,mukhang soulmate ko ang lalaking ito.hihihi.Kinikilig na ako.

Tiningnan ko ang relos na nasa kanang kamay ko.8:20am na,kaya late na ako.Ang traffic kasi eh.

Napa-slow motion ang oras ko nang dahan dahan kong nahagip ang mukha ng lalaki.Kinilig ako,ang gwapo niya.Muli akong napabalik sa tuliro nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

"Hoy Jessica!Late ka na!Kailan ka ba dadating dito?!"inilayo ko ang phone sa tenga ko.Napatingin ang iba sa napakalakas na boses ng kaibigan ko.Nginitian ko lang sila at sinagot si best.

"Hinahinaan mo nga ang boses mo.Nakakahiya ka.Hindi muna ako papasok ngayon,"napatawa ako nang mahina dahil sa kilig."Mukhang magkaka boyfriend na ako best.hihihi,"kilig na sabi ko.

"Hoy!Jessic-"Ini-off ko na agad ang cellphone ko dahil sa bunganga ni best.Isa pa,late na rin naman ako eh,susulitin ko na lang ang araw ko sa lalaking ito.Umusad ako nang umusad hanggang sa magkadikit na nga kami.Inilabas ko ang wallet ko at dahan dahan kong iniabot sa kanya ang bayad.Napahinto ako nang maramdaman ko ang mainit init niyang kamay.Ngumiti siya sa akin.Hay!Ba't sa ganitong oras?Ba't sa ganitong lugar?Hindi ako handa.Tiningnan na naman niya ako na para bang may ipinahihiwatig sa akin.Ngumiti ako,'yong bayad ko pala hindi pa naiabot kay Manong dahil sa paghawak ko sa kamay niya.

"Sukli mo,"nakangiti pa rin siya.Tulala akong iniabot ang sukli ko.

"S-salamat,"na-uutal na sabi ko dahil sa kilig.

Ang tatlong pasahero sa kabilang upuan ay bumaba na.Ang ibig sabihin nito,kami na lang dalawa dito.Bumalik ako sa pwesto ko kanina.At ang mas nakakakilig pa dito,siya na naman ang lumapit sa akin at tinabihan ako.Nahagip ko 'yong pinapasukan ko.Sulit talaga ang pag-aabsent ko.

Kumuha ako ng isang libro sa bag at dahan dahang inihulog ito.Sabay naming kinuha iyon kaya nahawakan niya kamay ko.Nagkatinginan kami ng ilang mga minuto nang dahan dahan.

"Para po,"saad niya.Bumaba naman kaagad siya na iniwan ang libro at umalis sa pagkakahawak niya sa kamay ko.Nalungkot ako sa nangyari.Mala-MMK nga ito.Napatingin ako sa paligid.Pero ang mas nakakalungkot dito.

Nasaan na yung relo ko?

Nasaan na yung wallet ko?

Yung cellphone ko?

Yung mga gamit ko?

Magnanakaw pala ang loko!

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon