Tunog ng Dagat

265 8 2
                                    

Genre: Teen Fiction


Naaalala mo pa ba 'yung nga panahon na nag-tatakbuhan tayo sa tabi ng dagat? 'Yung kwentuhan natin tuwing ala-sais ng umaga habang hinihintay ang pag-sikat ng araw. 'Yung pag-gawa natin ng kastilyo gamit ang mga puting buhangin na hindi natin mabuo-buo, lagi pa nga natin sinasabi na 'yun ang magiging future castle natin pag-tanda. Ngayon na malaki na tayo, nasaan ka na? Hindi ka na nag-pakita. Iniwan mo na lang ako dito na parang tanga. Kilala mo pa ba ako? Ako kasi, miss na miss na kita.

Natatandaan ko nga dati, tinanong ko sa'yo kung bakit ala-sais ang paborito mong oras. Sabi mo, kadalasan kasi 'yun ang oras na pag-litaw ng araw. Sabi mo kasi malamig ang simoy ng hangin at masarap sa pakiramdam. Tama ka nga naman, ang sarap sa pakiramdam, lalo na't kasama kitang nanonood nito. Kaso ngayon na hindi na kita kasama, tingin mo ba masarap pa rin 'yun sa pakiramdam? Para kasi sa akin kasi, hindi na. Feeling ko tuloy kinalimutan mo na lang ako ng basta basta.

E ikaw, may naaalala ka ba sa ating dalawa? 'Yung kwentuhan natin tungkol kela mama? Naalala mo pa ba 'yung sinabi nilang 'bagay tayong dalawa'? Ako kasi, tandang-tanda ko pa. Hindi ko 'yun makakalimutan kasi simula sapul, gusto na kita e. Ayoko lang umamin, hindi dahil sa natatakot ako kun'di baka pagka-tapos kung sabihin 'yun, pilitin mo rin gustuhin ako para hindi tayo mailang sa isa't isa. Gan'yan ka kasi e, napaka-selfless mo. Minsan kasi isipin mo rin ang sarili mo. Katulad na lang ng pag-punta mo ng maynila. Alam kung ayaw mo mahiwalay sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, sa akin. Pero mas pinili mo ang pagiging self-less mo. Nahihiya ka kasi sa mga magulang mo, nahihiya kang tanggihan ang full scholarship galing sa tita mo which is ang kapalit nu'n ay ang pag-ttrabaho mo sa kanila bilang isang employado sa kumpanya. Nakaka-miss ka na. Miss na miss ka na namin dito sa probinsya.

'I'll be there for you', panigurado ako na alam na alam mo pa 'yang kanta na 'yan. Paborito mo kaya 'yan. Lagi mo nga 'yang kinakanta sa akin tuwing umaga. Lagi kasi akong inaantok pero ginigising mo ako gamit ang magandang himig mo isabay mo pa ang tunog ng agos ng dagat. Kahit walang musika, ang sarap pa ring pakinggan ng boses mo. Sabi mo kasi gusto mo akong kasama manood ng pag sikat ng araw. Hindi ko alam kung ano ang purpose mo. Pero kinilig ako, pakiramdam ko tuloy gusto mo na rin ako. Hindi nga ba? Sana. Umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin ako na maging tayong dalawa.

"Alam mo ba, sab. 'Yung unang babaeng gagawan ko ng kanta, 'yun 'yung gusto kung makasama pang habang-buhay" Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng inggit sa sinabi mo o ngumiti para suportahan ka. Pero sa huli, sinuportahan kita. Hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang ako nag-selos. Siguro dahil hindi wala kang binggit na pangalan? O baka naman naga-assume lang talaga ako na, sana ako 'yung tinutukoy mo. Sana ako 'yung unang babae na gagawan mo ng kanta.

Eto ako ngayon, nagsusulat ng sulat para sa'yo. Ang lamig dito, Jake. Ang lakas ng hangin. Maitim pa ang ulap dahil sobrang aga pa ata, dala-dala ko ang ginawa mong lampara. Nandito ako sa paboritong pwesto nating dalawa. Sa gitna ng puting buhangin kung saan kitang-kita natin ang pag-litaw ng araw, kung saan tayo gumagawa ng kastilyo, kung saan mo ako kinakantahan, kung saan tayo nagpa-pahinga tuwing napa-pagod tayong mag-takbuhan, kung saan tayo nagkkwentuhan ng mga bagay-bagay. Parehong pwesto, parehong oras, ikaw na lang ang kulang. Sana pala nandito ka sa tabi ko 'no? Namimiss na talaga kitang kakwentuhan, sabihan ng problema kapag hindi ko na kaya, namiss ko na 'yung pag-punas mo ng luha ko at pagpa-patawa sa akin kapag sobrang sakit na. Sabi mo ikaw ang magsi-silbing superman ko. Kahit hindi mo naman sabihin 'yun, ikaw na ata ang best superman na walang kapangyarihan ever ng buhay ko. Kaso kahit pala si superman, hindi laging nand'yan para sa'yo 'no?

Hinintay kita katulad ng sabi mo. Hinintay kita katulad ng pangako mo. Tanda-tanda ko pa ang esksaktong linya na sinabi mo sa akin "Bakit ang lungkot ng partner ko? Hintayin mo ako, babalik naman ako e. Magkikita naman tayo. Ang drama ng buhay ng partner ko o! Babalik si superman mo" Ngayon ko lang nalaman kahit pala si superman, hindi tumutupad ng pangako. Ngayon ko lang na-realize na kahit si superman pala ay, nangiiwan sa ere. Paano na lang pala kung sinama mo ako sa paglipad mo? Edi bibitawan mo lang pala ako sa ere ng basta basta at hahayaang mahulog at mabagok ang ulo ko?

Pero alam ko namang hindi mo 'yun hahayaan kasi nga selfless ka. Naiinis ako sa'yo. Naiinis ako kasi sinarili mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Bakit hindi mo ikinwento na may sakit ka pala? Bakit kailangan ko pang malaman sa iba at kung kailan pa malayo ka? At higit sa lahat, bakit kung kailan ko pa nalaman at saka wala ka na?

Ngayon ko lang na-realize na simula pala umpisa, nagpa-paramdam na si tadhana na hindi tayo ang naka-tadhana para sa isa't isa. Ngayon ko lang na-realize na matagal ng bumubulong si tadhana na itigil ko na ang pagmamahal sa'yo bilang isang lalaki, kasi sa huli, masasaktan lang din pala ako.

Sinasabi mo sa akin, ang paborito mong oras ay tuwing ala-sais ng umaga dahil kadalasan ito ang oras nang pagsikat ng araw. Tama ka nga naman pero bakit gano'n? Ngayon ko lang na-realized, oo nga pala, lumulubog rin ang araw. At sa eksaktong ala-sais ng gabi, nawawala na ang mga ngiti nito.Nangiiwan na lang at hinahayaan dumilim ang mundo mo. Parang ikaw lang, lilitaw ka para sabihin ikaw ang magsisilbing superman ng buhay ko, pero bakit bigla ka na lang nangiiwan at hinahayaang dumilim ang mundo ko?

Ngayon ko lang na-realized kaya pala hindi nating mabuo buo ang kastilyo gamit ang puting buhangin kasi gano'n pala kahina ang relasyon natin, gano'n ka pala kahina, gano'n ka pala ka-self less. Hindi ka humahanap ng paraan para maging matibay at matatag. Hindi ka humahanap ng paraan kasi lagi ka na lang sumusuko. 'Yun pala ang dahilan, kaya pala ayaw mabuo ng future castle natin kasi sa huli, hindi talaga tayo magkakaroon nito. Nang-iwan ka e. Nangiwan ka na walang paalam. At higit sa lahat, kaya pala kahit anong habol ko sa'yo noong bata pa tayo, hindi kita maabutan kasi kahit pala mag-kotse ako ngayong araw na 'to habang naglalakad ka, hindi pa rin kita kayang habulin. Ang layo mo na e, Ni-hindi na nga kita mahawakan, matanaw at mahawakan kasi nga, nasa langit ka na.

Alam mo ba may sinabi sa akin si papa. Sabi niya sa akin, "Anak ang buhay parang pangingisda lang 'yan. Tingnan mo ang dagat, kung titingnan mo 'yan, sobrang dami ng isda diyan.. pero hindi ka makakahuli kahit isa kung hindi ka marunong mangisda. Parang buhay ng tao, sobrang dami ng problema pero hindi ka makakauhuli ng sagot kung hindi ka marunong tumanggap. Gano'n ang buhay anak. Maaring hindi mo pa kayang tanggapin ang katotohanan ngayon pero naniniwala ako na..baka bukas o kaya naman sa susunod na bukas.. ay unti unti mo na itong matanggap"

Jake, alam kung nandito ka lang sa tabi ko, katulad ng dating routine, hinihintay natin ang pag-sikat ng araw. Pero sana, Jake kahit minsan lang magpakita ka sa akin. Sana pag-sumikat ulit ang araw, kasama na ulit kita. Pwede naman 'yun diba? Sana magawa ulit natin ang dati. Naririnig mo ba ang alon ng dagat? Sana sa bawat pag-alon at pagtunog nito ay sinasabayan mo ulit ng awitin mo. Namimiss ko na 'yung boses mo. Jake, inaantok ako. Kantahan mo naman ako o. Diba gano'n naman ang routine natin? Pero bakit hindi mo pa rin ako kinakantahan ngayon? Para sa huling pagkakataon. Jake, mahal kita at hindi ako nag-sising nakilala at naka-usap ka. Hunyo sais ngayon, naisipan ko lang puntahan at batiin ka. Tuwing magaala-sais kasi, ikaw laging nasa isip ko pero h'wag kang mag-alala, naguumpisa muli ako ng bagong buhay ko. Katulad nga ng sabi ni papa, kailangan kung matutunan ang pagtanggap.

Oo nga pala, Jake, may nanliligaw na sa akin. Taga-maynila, si Klint. Iba naman ang pananaw niya sa buhay, sabi niya dapat daw tuwing alas-otse ng umaga at gabi kailangan niya akong batiin. Nang tanungin ko kung bakit, sabi niya para daw 'infinity'. Kapag daw tinumba ang eight, infinity ang kalalabasan. Nakakatuwa nga e. Kahit corny, masiyahing tao siya. Bigyan mo naman ako ng sign kung approve ka ba sa kan'ya o hindi.

Ngumiti ako habang nakatingala sa taas. At maya-maya ay narinig ko na lamang ang malakas na alon ng tubig at ang mga huni ng ibon. Saktong ala-sais ng umaga na pala at nakita ko na ang nakangiting mukha ng araw. Mas lalo akong ngumiti at saka tiningnan ang dagat.

Salamat Jake, hanggang sa muli nating pagkikita!

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon