Secret and Lies

142 7 3
                                    

Genre: Romance


"Elise, may assignment ka ba para sa next subject natin?" Kadarating ko lang at hindi pa ako nakakaupo ng maayos ng tanungin ako ng katabi kong si Jesa. Saan kaya humuhugot 'to ng kakapalan ng mukha? Hindi ko kasi maalalang may napag-usapan na kami bukod sa mga pabor na hinihingi niya lagi sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at tamad kong iniabot sa kanya ang notebook ko.

Maya maya pa'y dumating na ang Professor at nagsimula ang klase ng tahimik, tanging boses lang ni Mrs. Tokano ang naririnig sa loob ng classroom. Halos harap harapan naming tulugan siya sa klase, napakatamlay, "Okay, Class dissmissed," Narinig ko ang lihim na pagkatuwa ng mga kaklase ko.

Dumating ang sunod naming professor. Nabuhay ang loob ng classroom, malalapad din ang ngiti ng mga babae, maging ako. Walang hindi ngingiti kong magandang view ang nakikita mo. Friendly si Sir Jorson sa mga estudyante niya kaya lahat ay aktibo sa klaseng Literature.

"Just like Romeo and Juliet, They died together, still loving each other," Malungkot na sambit ni Professor pero agad niyang pinalitan iyon ng nakakasilaw na ngiti, " But maybe their love is eternal." Dugtong pa niya. Ayaw niya ng mga tragic ending kaya lagi siyang nagbibigay ng mga positibong kumento.

"Eh Sir, naniniwala po ba kayo sa forever?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Yes." Kampanteng sagot ni Sir Jorson.

"May na-witness na po ba kayo?"

"Wala pa."

"'Edi walang forever Sir!" Agad na nagtawanan ang karamihan sa klase.

"'Pag naunawaan mo ang totoong kahulugan ng pagmamahal at inilaan mo sa tamang tao, I believe that It will last forever." Muling sumilay ang kanyang nakamamanghang ngiti na umaabot sa kanyang mga mata.

Siguro nga totoo ang Forever, hindi lang siguro nila alam na iyon na pala ang tawag 'dun. Pag nagmahal ka ba iisipin mo pa ang mga ganoong bagay? Sa tingin ko hindi na dahil mawawalan ka na lang ng pakialam sa iba't ibang lebel basta ang importante lang ay mahal niyo ang isa't isa, na siya lang ang gustong makita ng iyong mga mata sa huling araw mo sa mundo, na siya ang gusto mong masilayan sa unang pagdilat ng iyong mga mata mula sa panibagong buhay.

Naging mabilis ang oras. Ilang subjects na lang ang dumaan bago tuluyang natapos ang klase.

"Elise, Tara na?" Kinuha ni Jacob ang dala kong libro at inakbayan ako sa paglalakad namin. Gusto ko agad iyon tanggalin ngunit ayoko namang mapahiya siya sa mga taong pinanonood kami. Kilala siya sa paaralan dahil tito niya si Sir Jorson. Nasa lahi talaga nila ang pagiging maputi at matipuno. Matagal na akong nililigawan ni Jacob, ayoko siyang paasahin dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

"Elise, payagan mo na kasi akong makilala ng magulang mo," Kulit ni Jacob. Nasa tapat na kami ng gate namin.

"Hindi pwede. Ayokong isipin nilang boyfriend na kita," Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Bakit? Hindi mo ba ako sasagutin? Hindi ba tayo mapupunta sa ganung lebel?" Bakas ang pagtatampo nito sa tono ng kanyang pananalita. Parang kumirot ang puso ko sa sinabi niya,

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago niya ako binigyan ng isang tipid na ngiti. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil pisil, "Hindi naman ako nagmamadali eh, Natatakot lang akong baka may makakilala pa sayong iba at wala man lang akong magagawa para harangan siya dahil wala pa akong karapatan."

"Paano kung hindi pa rin tayo parehas ng nararamdaman?" Nagu-guilty ako. Hinawakan niya ang gilid ng aking mukha para iangat, "Hindi mo ko hahayaang halikan kita kung wala kang nararamdaman," Inilapat niya ang kanyang labi sa aking pisngi. Mabilis na tumibok ang puso ko sa ginawa niya. Ilang minuto ang tinagal ng labi niya sa akin. Wala akong ginawa kung hindi ang tingnan ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa makaalis siya.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon