Unspoken

268 17 4
                                    

Genre: Non Fiction


Kailan lang nang mapanood ko ang pambatang super hero movie na isinalang ng pinsan ko sa dvd. Nakitambay kasi ko sa bahay nila para mag-alis ng badtrip. Hindi ko na maalala kung anong nangyari sa bida. Basta ang tumatak lang sakin e may isang anak na nagseselos sa kapatid niya. Sa kasaklapan pa ng buhay niya, nalaman pa niyang ampon siya. Tulad ng mga nakasanayan sa kwento, ang ampon magtatampo, magseself pity at manunumbat imbis na magpasalamat sa pagkupkop sa kanya.

"Ang bobo naman niyan! Bakit di na lang siya magpakabait, tutal arogante naman 'yung tunay na anak. E di sana sa kanya binigay yung trono! Bobo,"

"Kuya, wag ka ngang maingay," reklamo ng pinsan kong nagpapauto sa pinanonood.

Kailan lang 'yon. Mga tatlong araw bago ako naglayas ng bahay. Sa lahat ba naman ng kaparehong sitwasyon pwede kong maisip, yun pang nasa movie. Tang ina! Sa tinagal ko sa bahay na 'yon, bakit di ko nalamang ampon ako?

"Hello, Donna gising ka na? Papunta ako dyan," sabi ko sabay baba sa linya.

Di ko na hinintay ang sagot niya. Okay ng malaman kong gising na siya. Atleast na-inform ko siyang papunta ako sa apartment niya, gustuhin man niya o hindi.

Sakay ng motor, wala akong ibang dala kundi ang sling bag ko na ang tanging laman ay pera, cell phone, I.D at panyo. Hindi ako nag-empake ng mga damit. Gawain lang 'yon ng mga nagpapapigil. Kung ginawa ko yun nagkaroon pa sana sila ng chance na itago ang susi ng motor ko. Ayokong sumakay ng dyip na may dalang malaking bagahe.

Bumusina ako ng ilang segundo bago bumaba sa motor. Saglit lang ay dumungaw na si Donna sa pinto. Pumasok ako, diretso sa kwarto niya. Nahiga ako at pumikit na parang ako ang nakatira sa bahay.

"Sino na namang kaaway mo?" narinig kong tanong niya.

Wala akong planong maglabas ng sama ng loob. Gusto ko lang magpahinga at makatakas sa buhay kahit saglit lang. Inayos ko ang sarili sa mas komportableng posisyon. Sana makatulog ako at hindi na magising.

Hindi ko na narinig mang-usisa si Donna. Ang tanging kumukulit sa tainga ko ay ang maliliit niyang pagkilos. Ano kayang ginagawa niya at himalang walang kasunod na pagmumura ang tanong niya.

"Magbihis ka, wala ako sa mood."

Panty na lang ang suot niya pagdilat ko. Ano bang akala nito sakin? Hindi naman ako nagpupunta rito para lang tirahin siya.

"E anong ginagawa mo dito?!" Ang bilis talagang mapikon.

Hindi uli ako sumagot. Gusto ko rin namang ikwento sa kanya, tinatamad lang talaga ko. Ewan ko ba. May mga pagkakataong kinakatamaran kong magsalita. Kung sa bagay, hindi naman ako masalitang tao talaga. Madaldal ako sa isip. Kapag nilabas ko yun, paniguradong delikado at masusugatan kung sino mang makakarinig.

"Putang ina mo Sam, kung nakapatay ka wag ka dito sa bahay ko magtago,"

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Gago lang ako. Hindi kriminal," sumagot na ko. Pabonus dahil napatawa niya ko.

Bakit ba ganito magmura ang tao? Laging patungkol sa ina. Siguro dahil sa pagitan ng mga magulang, ang nanay ang mas matimbang sa puso ng anak. Oo, dalawa ang nagpapakasarap sa paggawa, pero ang magdadala ng produkto ng siyam na buwan at halos mamatay sa panganganak, ang ina lang ang may pasan. Konektado na ang anak sa ina dahil doon siya galing. Kaya kapag narinig mo ang sinuman na tinawag ang ina mo na puta dahil nagawa ka niya, paniguradong ikapuputok ng litid mo. Pero bakit ganito na tumanggap ng mura ang tao? Bakit gano'n na lang kung makapagmura? Masaya't galit laging naka 'tang ina.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon