Demonyang Babae

187 5 0
                                    

Genre: Horror


Sa hindi malamang kadahilanan ay nagmistulang isang horror town ang bayan ng San Martin. Wala kang makikitang mga tao na naglalalakad o di kaya ay mga sasakyan kahit alas otso palang ng gabi. Tanging ang ingay nalang ng tricycle na minamaneho ni Mang Carding ang iyong maririnig.

Pauwi na sa kanilang tahanan si Mang Carding matapos mamasada sa kabilang bayan. Hindi alam ng matanda kung bakit walang mga tao sa paligid na kadalasan naman ay meron sa ganitong mga oras. Nagtataka man ay isinawalang bahala na lamang niya ito.

Habang nagmamaneho ay nagmamasid siya sa paligid nang may mapansin siyang isang bulto ng tao na nakaupo sa malaking bato sa kantong sana'y kanyang paglilikuan. Nang makalapit siya ay napagtanto niyang isa pala itong babae.

Isang babae na nakasuot ng puting bestida na gusot-gusot. Mahaba ang mga buhok nito na umabot hanggang hita. Hindi makikita ang mukha ng dalaga sapagkat nakayuko ito at natatakpan ito ng mahabang buhok. Nagmaneho si Mang Carding sa kinaruruunan ng dalaga upang kausapin ito. Agad bumaba sa kanyang tricycle ang matanda at agad na nilapitan ang babae.

Nakayakap ito sa tuhod nito at nang nasa harapan na si Mang Carding ay napagtanto niya na parang nanginginig ang dalaga. Tumikhim muna siya bago magsalita.

"..A-ayos ka lang ba Ineng?" tanong niya sa dalaga pero hindi siya nito sinagot. Tumikhim muli siya at nagtanong.

"Anong ginagawa mo dito sa gitna ng daan na gabi na.? Alam mo bang maaari mapagsamantalahan ka ng mga tambay dito" mahabang lintaya ng matanda pero wala parin siyang nakuhang sagot mula dito. Mas lumapit pa ang matanda at hinawaka ang dalaga sa braso. Napaigik naman ito sa kanyang ginawa.

"..May problema ka ba? Kailangan mo ba ng tulong??" binitawan ng matanda ang braso ng dalaga ng makita niya na mas lalo itong nanginig. Hahawakan na sana niya ulit ito para pakalmahin ng bigla itong sumigaw ng pagkalakas-lakas. Napatakip sa kanyang dalawang tenga ang matanda habang nakapikit. Nang wala na siyang madinig na sigaw ay agad siyang nagmulat ng mata pero wala na ang dalaga sa kanyang harapan.

Bigla nalang nawala ang babae na parang bula pagkatapos nitong sumigaw ng pagkalakas-lakas. Nagpalinga-linga ang matanda para sana hanapin ang babae pero wala siyang makita kahit anino nito. Napakamot naman sa kanyang ulo ang matanda.

"Saan na ba ang babaeng yun?? Imposible namang bigla nalang itong mawala" sabi ng matanda habang nakatingin sa kawalan. Napailing-iling nalang si Mang Carding at nagsimula ng maglakad pabalik sakanyang tricycle ng makarinig siya ng kaluskos mula sa itaas ng puno. Dahil dito ay napalinga ang matanda pero wala naman itong makita kundi ang mga dahon at sanga ng mga puno.

Nagkibit balikat nalang ang matanda at muling naglakad nang may biglang tumulong isang bagay sakanyang gilid at tumama sa kanyang braso. Tiningnan niya ang kanyang braso at laking gulat niya nang mapagtantong isa itong pulang likodo. Dugo. Nangimbal ang kalooban ng matanda. Tumigin siya sa itaas sa mga puno at biglang nanlaki ang kanyang mata sa natuklasan.

May mga nakasabit na katawan ng mga tao sa mga sanga ng puno. Nakatirik ang mga mata at punong-puno ng dugo ang mga katawan. Napuno ng takot ang matanda at agad tumakbo ng mabilis papuntang tricycle. Napatigil siya nang mayroon siyang maaninag at nakita niya ang babae na kanyang hinahanap kanina lamang na nasa kanyang harapan na.

Ang babae ay nakatayo ng mga sampong metro ang layo mula sakanya. Ang kaninang puting bestida nito ay nababahidan na ng dugo at maging ang mga labi nito. Nakapaa lang ito at maging ito man ay may bahid ng putik. Ang mukha naman ng dalaga ay punong-puno ng galos.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon