Paano Ba Maging Isang Manunulat?

243 13 5
                                    

Genre: General Fiction


"Kuya Rick, paano po maging isang manunulat?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman ng batok si Kuya.

Siya si Kuya Rick, ang idol ko. Isa siyang sikat na manunulat sa amin. Labis kong nagustuhan ang mga akda niya dahil nag-iiwan ito ng mga aral lalo ng 'yung kwento niyang "Kabit" dahil tungkol ito sa isang kabit na nagparaya at gumawa na paraan para magka-ayos ang tunay na mag-asawa.

Minsan naiingit ako sa kanya dahil ilang ulit na akong sumulat ng mga kwento sa Wattpad pero wala namang nagbabasa nito.

Ngumiti siya sa akin. "Ganito na lang, Ven. Kumuha ka ng pael at ballpen." Dali-dali naman akong pumasok sa bahay namin at kinuha ang pinakukuha niya. Pagkatapos makuha ay agad akong bumalik sa tindahan.

Nadatnan ko siyang umiinon ng softdrink at masayang nakikipag-usap kay Aling Nilda. Lumingon siya sa aking nang mapansin niya akong papalapit dala-dala ang papel at ballpen.

"Ito na po, kuya," sabi ko habang naka-angat ang mga dala ko.

Ngumiti siya. "Umupo ka dito." Tinapik naman niya ang upuan katabi niya na gawa sa kahoy.

"Aanhin po natin 'to?" Tanong ko nang makaupo ako.

"Pakiulit nga 'yung tanong mo kanina?"

"Ahm. Paano po maging isang manunulat?" Tumango-tango naman siya tila may inaalisang importanteng bagay. "Isulat mo sa papel ang buong pangalan mo at buong pangalan ko." Ginawa ko naman ang inutos niya. Hindi ko na tinanong ang pangalan niya dahil alam ko ang tungkol kay Kuya Rick. Pati nga schedule ng kanyang pag-uutot ay alam ko. Biro lang.

"Pagkatapos po?" Takang tanong ko.

"Ayan, isa ka ng manunulat." Para namang binatukan ako ng napakalakas dahil sa sinabi niya.

"Kuya naman, eh."

"Seryoso nga, isa ka ng manunulat." Pigil tawa nitong wika. Tumawa na rin si Aling Nilda habang nakadungaw sa bintana ng tindahan niya.

Bumuntong hininga ako. Wala pala akong napala.

Sumeryoso bigla si kuya. "Alam mo, Ven. Hindi mo kinakailangan ng mambabasa o hard copy story para maging isang manunulat. Sapat na 'yung ginamit mo ang mga brain cell mo para makabuo ng kwento.Kahit ito pa ay mainstream o over used basta ang mahalaga ay galing ito sa sarili mong imahinasyon." Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya. "Hindi mo rin kinakailangan ng approval ng iba dahil ang totoong manunulat ay may passion at dedication," Dagdag pa niya. Tinapik niya ang balikat ko at tumayo at umalis palayo sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero napangiti na lang ako sa mga sinabi niya.

*

"Even, ikaw ang magluluto ngayon," sabi ni Ate sa akin habang nanunuod ako ng palabas sa TV. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Hala Ma, oh! Si Even, ang tamad. Ayaw daw niyang magluto."

"Wala kayo akong sinabi." Inirapan ko siya at padabog na tumungo sa kusina upang magluto.

Ilang saglit na lang ay malapit ng maluto ang Adobong Manok.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko 'yung sinabi ni Kuya Rick sa akin. Kaya ko siya idol, eh. Ang lalim.

Nang sa tingin ko ay luto na ito ay kinuha ko na ito mula sa kalan. Agad ko namang hinanda ang mesa para makakain na kami.

Ilang saglit lang, umupo na kami sa hapagkainan upang kumain. Pagkatapos kumain ay sypempre, ako ang nakatuka ngayon para maghugas ng mga pinggan. Ang daya talaga ni Ate! Ako na ang nagluto tapos ako pa ang maghuhugas!?

Habang naghuhugas ng mga pinagkainan, naramdaman kong tumabi si Ate sa akin.

"Sis, ang sarap ng niluto mo."

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako dahil sa sinabi niya.

-Wakas

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon