The Game That I Just Played

317 9 4
                                    

Genre: Romance


Nandito ako sa classroom, naghihintay para dumating ang teacher habang hawak hawak ang kamay ng bago kong girlfriend, si Cheska. Schoolmate ko siya, maganda at mabait. Niligawan ko siya kahapon lang. Akala ko hard - to - get, hindi pala. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinawagan at sinabing girlfriend ko na siya. Kaya nandito siya ngayon, kasama ko habang nag iisip na rin ako kung paano ko sasabihin kay Claire na hindi ako makakapunta sa date namin manayang hapon. Hirap talaga maging gwapo, maraming naghahabol sa'yo. At dahil blessings naman 'yun, tinanggap ko kahit marami na ang girlfriend ko.

Ako pala si Brentt. Nag aaral ako sa isang eskwelang maraming magaganda't gwapo. Isa na ako dun. Gaya ng sabi ko kanina, marami akong girlfriend. Two - timer, Casanova, playboy, o kahit ano pang maitawag niyo sa'kin, siguradong tama ang tawag niyo sa taong marami ang naging girlfriends tulad ko. Pero ni minsan, hindi ko sila sineryoso. Nilalandi ko lang sila at ang ending, boyfriend na nila ako. Hindi ko naman dine - deny. Para sa'kin, blessing 'yun. Sa panahon ngayon, hindi na binabalewala ang blessings, diba?

Pero kahit ganito ako, hindi ko naman naitatangging naniniwala ako sa love. Alam ko kasing nag e - exist 'yun. Totoo naman. Obvious pa nga. Dahil kung walang true love, bakit may tanga pa? Kapag in love ka, magiging tanga ka kahit hindi mo 'yun aminin. Pero sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, hindi pa ako nakaranas 'nun. Hindi ko pa naranasan ang ma - inlove. Pero kahit hindi pa, umaasa naman ako na mararanasan ko 'yun. Basta tiwala lang, hintay lang. Kaya ng puro landi ang ginagawa ko. Kapag nagsawa na ako at hindi ko na gusto, bine - breakup ko sila at dina - dump. Wala naman silang magagawa dahil kapag ayoko na, ayoko na talaga. Naghahanap rin kasi ako ng taong sa tingin mo pa lang ay parang kakaiba ang appeal na nararamdaman mo kapag nandito siya. 'Yung kahit bago lang kayo nagkita, pakiramdam mo ay parang kayo na talaga.

Pumasok na ang teacher na may kasamang babaeng hindi ko kilala. Transferee. Pinaupo sa bakanteng upuan sa dulo. Tinignan ko siya ng maayos. Maganda. 'Yun nga lang, walang ekspresyon ang mukha.

Agad kong inalis ang pagkakahawak ko kay Cheska. Nagtaka siya kung bakit pero ningitian ko lang siya.

"Break na tayo. Ayaw ko na sa'yo. Pwede ka nang bumalik sa klase mo at baka ma late ka pa."

Ganun lang ako kapag ayaw ko na sa ka - landi ko.

Biglang napahagulgol ng malakas si Cheska at agad na tumakbo palabas sa classroom. Tinignan ako ng lahat at napa iling na lang. Alam na nila ang reputasyon ko. Alam nilang marami akong naging girlfriend at alam nilang ganun ako makipagbreakup. Normal lang 'yun para sa kanila.

Pero may isa akong napansin, hindi siya tumingin sa'kin. Nakatingin lang siya patungo sa kawalan. Parang may sariling mundo.

Habang nagche - check pa ng attendance ang adviser namin ay lumapit ako sa kanya. Maganda talaga siya lalo ng malapitan.

"Hi."

"Kung lalandiin mo rin ako, mas mabuti pang maghanap ka ng iba." Suplada.

"Pano mo nalaman na lalandiin kita?" Nakangiti kong tanong.

"Hindi ko na kailangang ipaliwanag dahil kitang kita ng dalawa kong mata ang nagyari kanina. At nag effort ka pa talagang landiin ako sa pag dump ng mga girlfriends mo. Sayang, maganda pa naman 'yung isa." Sabi niya na nakatingin pa rin sa labas.

"Ang confident mo naman, classmate."

"Hindi ako confident dahil alam ko naman ang totoo." Sabi niya at napatingin sa'kin.

"So alam mong mahuhulog ka sa'kin?"

"Alam kong mas confident ka kaysa sa'kin." Sabi niya at ngumiti.

The AuditionsWhere stories live. Discover now