Lady of the Blue Moon Lake

De msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... Mais

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 35: Water and Earth

1.3K 45 16
De msrenasong

“Magalak ka, sapagkat ikaw ang napiling humalili sa inang kalikasan at maging bagong tagapamahala ng kapangyarihan ng elemento ng tubig” sambit ng isang magandang binibini na lumabas sa lawa sa isang dalaga na nakatayo sa kanyang harapan.

 

 

“Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi mo.” Magkahalong mangha at takot naman ang mababasa sa inosenteng mukha ng dalaga habang nililibot ang tingin sa paligid.

 

 

“Ikaw na ngayon ang mangangalaga sa isa sa mga kapangyarihan na magbabalik sa balance ng kalikasan. Kikilalanin ka na bilang isang dyosa.” Nakangiting sagot ng magandang binibini at bigla na lamang nagliwanag ng husto ang paligid ng buong lawa. Lumabas din mula sa lupa ang mga kakaibang letra at simbolo at nabalot ng isang harang na gawa sa tubig ang kinalalagyan ng magandang babae at ng dalaga na nghiwalay naman sa kanila sa mag-asawang nakatayo sa kanilang likuran.

 

 

“A-ano? Isang dyosa? Ngunit hindi ko gusto na maging isang dyosa.” Naguguluhang tugon ng dalaga at tumakbo palapit sa kanyang mga magulang subalit hindi niya nagawang makalabas sa harang. “Paki-usap ina. Wag mo akong hayaang makuha nila.” Umiiyak na paki-usap nito.

 

 

“Hindi mo maaring tanggihan ang alok ng kalikasan sa iyo, Serene. Isa itong malaking karangalan.” Tugon ng kanyang ina sa kanya habang nakatalikod itongumiiyak sa bisig ng kanyang asawa.

 

“Subalit ay hindi ko po nais na maging isang dyosa. Ayaw ko pong malayo sa inyo. Ama, pakiusap po. Ayaw ko po.” Patuloy ang kanyang pag-iyak habang pilit na lumalabas sa harang.

 

 

“Patawarin mo kami anak kung hindi namin sinabi sayo kaagad ang tungkol dito. Wala kaming magagawa  mahal kong anak. Ito ang iyong tadhana, ang maging isang dyosa.” Nakayukong sagot ng kanyang ama na halatang nagpipigil ng kanyang mga luha.

 

“Halika na, Serene. Tanggapin mo ang kapangyarihan at tuparin ang iyong tadhana.”

 

 

“Ayaw ko po! Ayaw ko! Ina! Ama!”

 

 

“Patawad, Serene.” Sa huling pagkakataon ay nakita ng dalaga ang ngiti ng kanyang mga magulang bago nilamon ng liwanag ang buong paligid.

 

 

“HUWAAAAGGG!!INAAA!!”

 

“Simula ngayon, Serene, ikaw ay tatawagin ng Lilian.”

 

------

Unang araw ngayon ng semestral break at katulad ng inaasahan ay ilalaan nila Sagi at Lilian ang mga araw nito sa kanilang training. Nasa isang malawak na field sila nagsasanay kung saan ay pinalibutan ito ni Lilian ng isang incantation upang walang makakita sa kanilang dalawa.

 

“HAAAA!” nagbitaw si Sagi ng isang atake gamit ang kanyang yelong espada na walang hirap na naiwasan ni Lilian.

“Patamaan mo kaya ako, Sagi!” nang-aasar na sabi ni Lilian habang nakahanda sa susunod na atakeng gagawin ni Sagi.

“Psssh. Patamaan eh galit na galit ka nga sa akin nung natamaan kita kahapon.” Naiinis na sagot ni Sagi.

 

“EH kasi naman ay hindi mo inaayos ang pag-atake mo.”

 

 

“Palusot ka pa diyan eh.”

 

 

“Ano iyon?” nakakunot noong tanong ni lilian habang nakahalukipkip.

“Wala!”

-----------------

“Haaaayy~~ Saan ba kasi pupunta si Bleak?” napabuntong hiningang tanong ni Jasmine sa sarili habang naglalakad.

Nasa bayan na siya ngayon ng Asltreim sa kakasunod kay Bleak. Nagulat na lang kasi siya ng sumakay ito ng bus habang sinusundan niya it kanina.

[FLASHBACK]

“Halos dalawang buwan na mula nung magising ako pero hanggang ngayon ay wala pa ring progreso sa amin ng aking meister.” Malungkot na isip-isip ni Jasmine nang Makita niya na lumabas ng bahay si Bleak at naka-ayos ito ngayon. Mukhang may lakad ito.

“Huh? Saan siya pupunta?” maingat na sinundan ni Jasmine si Bleak dahil batid niyang nararamdaman ni Bleak ang ginagawa niyang pagsunod dito. Maya-maya ay nakarating sila sa estasyon ng bus. Sandaling naghintay si Bleak bago ito sumakay ng bus.

“Eh?! Teka sandal!” natatarantang tumakbo palapit si Jasmine sa bus na sinakyan ni Bleak ngunit naka-alis na ito bago niya ito naabutan. “Naku naman. Kailangan ko siyang maabutan.” *MORPH!*naging alikabok ang buong katawan ni Jasmine atsaka nito sinundan ang bus na sinakyan ni Bleak.

[END OF FLASHBACK]

 

Dahil sa bilis ng bus na nasakyan ni Bleak ay hindi ito nasundan pa ni Jasmine. Mabuti na lamang at nararamdaman niya ang presensya ni Bleak at sa tulong ng kanyang kapangyarihan ay nararmdaman niya sa lupa ang bawat kilos at paglalakad ni Bleak kaya nalalaman niya ang eksaktong lokasyon ni Bleak.

“Huh?” sandaling huminto si Lilian sa pagtuturo kay Sagi ng panibagong incantation ng maramdaman niya ang presensya ng Earth Goddess sa kanialng bayan.

“Oy, Lian? Anong nangyari sayo? Ano ng susunod kong gagawin?”

“Ah! Pasensya na. Naramdaman ko kasi si Jasmine.”

“Jasmine? Iyon bang Earth Goddess? Nandito siya sa Alstreim?”

 

 

“Oo. Ano kayang ginagawa niya rito?”

 

 

“Kasama ba niya ang meister niya?”

 

 

“Iyon nga ang nakapagtataka dahil wala siyang kasama. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakapagkasundo ng kanyang meister dahil hindi ko nararamdaman ang presensya nito.”

“Kung ganun pala ay hindi mo nararamdaman ang presensya ng iba pang mga meister maliban na lang kung nakipagkasundo na sila?”

 

 

“Oo. Marahil ay dahil sa kanyang meister kaya siya nandito. Masyadong over-protective sa kanayng meister si Jasmine kaya hindi niya ito iiwan.”

 

 

“Gusto mong puntahan natin siya?” tanong ni Sagi ng makita sa mukha ni Lilian ang pagtataka at pag-alala na rin.

--------------

“Haha naku Bleak eh sa tuwing bumibisita ka rito sa amin ay mas lalo ka atang gumagwapo.” Tumatawang wika ng tiyahin ni Bleak ng salubungin siya sa bahay nito.

“Ehehe hindi naman po, Tita.” Nakayukong tugon ni Bleak na may ngiti sa labi sa kanyang tiyahin.

“Maupo ka muna. So Kamusta ka naman? Ang pag-aaral mo sa Sequoia?”

“Mabuti naman po ako. Ganun na rin po ang pag-aaral ko. Ang totoo po niyan ay plano ko pong ire-new ang scholarship ko bago matapos ang sembreak. Ang sabi po kasi sa amin na mga scholar ni Mr. Reyes ay kapag maganda raw po ang mga grades namig simula noong first year pa kami hanggang ngayon ay magiging full scholar na rin kami sa kolehiyo.”

 

 

“Magandang balita iyan. Nakakatuwa ka talagang bata Bleak, sinabi ko naman na sa iyo na ako ng bahala sa pag-aaral mo pero ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para sa sarili mo.”

 

 

“Ayoko lang pong maka-abala masyado sa inyo.”

 

 

“Salamat, Bleak. Siya nga pala. Plano ko sana ngayon na mag-grocery, ibibili na rin kita ng mga supplies mo.”

 

 

“Ahm, salamat po, Tita. Sasamahan ko na po kayo.”

 

“Huwag na Bleak. Ang pinsan mong si Rupert na ang bahala. Ang batang iyon wala ng ibang ginawa kundi ang gumala kaya tutlungan niya ako ngayong mamili.”

 

 

“Eh? Ganoon po ba? Mukhang wala pa ring pinagbago ang isang yun.”

 

 

“Oy! Narinig ko ang sinabi mo Insan ah!” bigla naming sumulpot sa likod ni Bleak ang pinsan niyang si Rupert na kaedad niya lang rin at inakbayan siya habang ginugulo ang buhok niya. “Lalo kaya akong gumagwapo hahahahaha.”

 

 

“Tsss. Self-proclaimed ka pa rin.” Dismayadong sabi ni Bleak.

“Mabuti naman at nandito ka na Ruoert. Sasamahan mo akong mag-grocery ngayon ah.”

 

“Opoooo~~” bagot na sagot ni Rupert sa kanyang ina

 

 “Pupunta na lang po muna ako kina Tita Isabela para maipasyal ko po si Shawn tapos po ay dadalawin ko po sina mama at papa.”

 

 

“Sige, Bleak. Matagal na rin nung huli mong binisita ang parents mo.”

----------

“Nasaan na siya Lian? Akala ko ba sabi mo nandito si Jasmine.” Naglalakad ngayon sina Lilian at Sagi sa may Central Plaza. Hinahanap kasi nila si Jasmine. Maagang natapos ang kanilang training ngayong araw dahil sa di inaasahang pagdating ng Earth goddess.

“Ayun siya!” turo ni Lilian sa babaeng nakaupo sa may bench habang nagpapakain sa mga ibon na nandoon at mabilis niya itong nilapitan.

“Siya ang Earth Goddess…ang ganda naman niya.” Nasabi ni Sagi sa sarili at lumapit na rin siya rito.

 

 

“Jasmine!” tawag ni Lilian dito kung kaya napalingon ito sa kanila. Ang kaninang malungkot nitong mukha ay napangiti ng makita sila.

“Lilian! Masaya ako at nagkita tayo ulit.” Sinalubong nito ng mahigpit na yakap si Lilian pagkatapos ay binaling naman niya ang tingin kay Sagi. “Nagagalak rin akong makilala ka water meister, Sagittarius.”

 

 

“Kilala mo ako?” buong pagtatakang tanong ni Sagi.

 

“Hehe nababasa ko ang lahat ng tungkol sayo mula sa vibration mo sa lupa.”

 

 

“Nagagawa pala iyon ng kapangyarihan mo. Natutuwa rin akong makilala ka Earth goddess, Jasmine.” Nakangiting pagpapakilala ni Sagi at nakipagkamay kay Jasmine.

“Ano nga palang ginagawa mo rito sa Alstreim, Jasmine? Nassan ang meister mo?”

 

 

“Siya nga ang dahilan kung bakit ako nandito eh” nakayukong tugon ni Jasmine.

-------

“…kaya pala hanggang ngayon ay di pa rin kayo nakakapag-kasundo ng iyong meister ay dahil sa natatakot ka sa kanya.” Tumatangong sabi ni Lilian pagtapos marinig ang kwento ni Jasmine. Nakaupo pa rin sila sa may bench sa plaza habang pinapanuod ang mga bata na naglaalro sa may playground sa tapat lang nila. Si Sagi naman ay umalis sandal upang bumili ng kanilang makakain.

 

“Hindi naman sa ganoon. Ayaw niya kasi talaga akong pakinggan. Kapag nakikita niya ako ay naiirita siya kaagad at iniiwasan ako. Ayaw niya na nilalapitan at sinusundan ko siya.”

 

 

“Kahit sino naman ay ayaw ng ganoon eh. Mabuti na nga lang at nadaan sa kakulitan at katigasan ng ulo ko si Sagi.”

 

 

“Ang totoo kasi niyan ay mailap sa tao si Bleak. Wala siyang mga kaibigan at iniiwasan siya ng mga tao sa kanilang eskwelahan. Gusto lang niya na mapag-isa.”

 

 

“Loner type pala ang meister mo.”

 

 

“Hehe oo. At may pagka-suplado siya at masungit.”

 

 

“Ganyan din si Sagi”

 

 

“Anong ganyan din ako?” tanong ni Sagi sa dalawang dyosa ng makabalik ito sa kanilang upuan dala ang mga binili niyang pagkain.

“Sabi ko ay nahirapan din ako sayo noon na makipagkasundo sa akin.” Sagot ni lilian at binigyan ng makakain si Jasmine mula sa dala ni Sagi.

 

 

“pasaway din ba ang meister mo, Jasmine?”-Sagi

 

 

“Hindi naman. Ayaw niya lang makinig sa akin kaya hindi ko maipaliwanag ang tungkol sa misyon natin. Iniiwasan niya kasi ako.”

 

 

“Mabuti nga ikaw tinatakasan at iniiwasan ka lang nya. Maswerte ka at hindi ka niya tinulak sa truck ng basura.” Napasingkit naman ang mga mata ni lilian ng maalala niya ang ginawang iyon ni Sagi sa kanya noon.

 

 

“Pfft hahaha naalala mo pa iyon, Lian?” napatawa naman si Sagi sa sinabing iyon ni Lilian. Naalala tuloy niya yung panahon na nilalayuan din niya si Lilian.

 

 

“Tingin mo kung gagawin mo iyon sa isang tao ay makakalimutan niya iyon?” nakasimangot na sagot ni Lilian habang binigyan ng matalim na tingin si Sagi.

 

 

“Hahaha sorry, hindi ko naman iyon sinasadya eh.”

 

 

“Nakakatuwa naman kayong dalawa. Mukhang magkasundo na talaga kayo. Sana lang ay pumayag na si Bleak na makipagkasundo sa akin.”

 

 

“Hindi kaya kami close. Siya nga pala, mabuti at nasundan mo hanggang dito sa amin ang meister mo? Sa pagkaka-alala ko ay hindi mo pa gaanong nararamdaman ang presensya ng meister mo dahil hindi pa kayo nagkakasundo diba? Teka…taga-saan nga ba kayo?”-Sagi

“Taga-Sequoia kami ni Bleak. Totoo na hindi ko nga nararamdaman ang presensya ni Bleak subalit nagagawa kong maramdaman sa lupa ang bawat kilos at galaw niya kung kaya naman ay batid ko kung nasaan siya at nagawa ko siyang masundan.”

 

“Sequoia? Malapit lang pala kayo sa amin. Pwede naming kayong dalawin doon kapag nagpunta kami doon ng mga kaklase naming para magbakasyon.”

 

“Talaga? Matutuwa ako kung magkikita tayo ulit.”

______

“Kamusta po, Tita Isabela?” nakangiting bati ni Bleak sa kanyang tita Isabella ng makita niya ito s albas ng kanilang bahay na nagsasampay ng mga nilbahang damit.

 

 

“Bleak! Mabuti naman kami. Ikaw? Mabuti at napadalaw ka, gusto ka ng makita ulit ni Shawn”

 

 

“Kaya nga po ako dumaan dito kasi ipapasyal ko po sana siya”

 

 

“Siguradong matutuwa sya, nandoon siya sa kwarto niya. Puntahan mo na lang siya”

“Sige po.” Pumasok na si Bleak sa bahay ng kanyang tiyahin at pinuntahan sa kwarto nito ang pinsang si Shawn.  “Shawn?” tawag niya sa pinsan na nakaupo sa kama nito at naglalaro ng video games.

“Huh? Kuya Bleak!” napatayo naman kaagad si Shawn at niyakap ng mahigpit si Bleak.

“Hehe Kamusta ka naman Shawn?”

 

 

“Mabuti naman po ako. Kumakain po ako ng maayos at iniinom ko po ang mga gamot ko.”

 

 

“Good boy.” Nakangiting sabi ni Bleak habang ginugulo ang buhok ni Shawn. “Halika, ipapasyal kita.”

 

 

“Talaga po? Yehey!  Magbibihis lang po ako.”

--------

Mabilis lang na nag-ayos ng kanyang sarili si Shwan at umalis na rin sila ni Bleak.

“Alam nyo po kuya, gusto ko na maging katulad mo.” Nasabi ng batang si Shawn habang naglalakad sila ni Bleak at nakahawak pa sya sa kamay nito.

“Maging katulad ko? Bakit naman?”

 

 

“Kasi po palagi kayong pinagmamalaki nila tita at ni mama. Mabait daw po kayong bata at matalino. Tapos kaya niyo na po ang sarili ninyo kahit mag-isa ka lang.”

 

 

“Huh?”

 

 

“Tapos matatag po kayong tao kuya. Gsuto ko rin pong nakikita ang mga ngiti ninyo.”

Napa-isip naman si Bleak sa mga sinabi ni Shawn. Sandali pa ay napangiti siyang huminto sa paglalakad at hinarap ang pinsan.

“Hmmm. Hindi mo dapat isipin na gusto mong maging tulad ko, Shawn. May mga magagandang bagay kang nakikita sa akin pero marami din akong di magagandang pag-uugali. Magka-iba tayong dalawa, Shawn. Dapat mong tignan kung anong meron sayo at yun ang linangin mo, syempre yung magaganda dapat. Maari mo akong hangaan pero wag kang tutulad sa akin, dahil malungkot akong tao.” (emergheeddd! Ito na ata ang pinakamahabang sinabi ni Bleak sa kasaysayan ng LOTBML XD)

“okay po.”

 

 

“Pwede bang dalawin muna natin sina mama at papa bago tayo mamasyal?”

 

“Wala pong problema kuya.”

 

Hindi naman gaanong nagtagal si Bleak sa pagdalaw sa puntod ng kanyang mga magulang dahil baka mabagot naman sa paghihintay si Shawn. Minsan lang kasi itong makalabas dahil sa may sakit ito at mahina ang kanyang katawan.

-----------

“Maiwan ka na namin ni Sagi, Jasmine. Mag-iingat ka at sana ay maka-usap mo na ngayon ang iyong meister. Kung sakaling dumating ang mga kalaban ay darating kami kaagad upang masiguro ang kaligtasan ng iyong meister. ” tumayo na sila sa pagkakaupo sa bench

 

 

“Maraming salamat. Sa muli nating pagkikita.” Niyakap ni Jasmine si Lilian bilang pamama-alam.

 

 

“Uhm. Nice to meet you ulit, Jasmine” pagpapa-alam ni Sagi kay Jasmine at nagsimula na silang maglakad palayo ng magsalita naman si Jasmine.

 

 

“Eh! Teka…si Bleak…nandito siya sa paligid.” Nagpalinga-linga naman si Jasmine at ganun na rin sina Lilian at Sagi na napahinto sa paglalakad.

 

 

“Huh? Nandito siya?”-Lilian

 

“Kuya bilis—ouch!” bigla na lang may batang tumatakbo ang nakabunggo ng isang lalaking naglalakad sa park. Dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo ay napa-upo siya ng mabunggo ang lalaki.

“eh? Naku sorry bata.” Hinging paumanhin ng lalaki at inalalayan patayo ang bata.

 

 

 

“Naku bata ayos ka lang ba?” agad na dinaluhan ni Jasmine ang bata. Nilapitan naman sila nila Lilian at Sagi.

“Shawn! Ayos ka lang ba? Bakit ka kasi tumakbo bigla? Hehe hindi naman ako aalis kaagad kaya wag kang magmadali. Pupuntahan natin lahat ng gusto mong puntahan.” Nagulat naman si Jasmine ng makita kung sino ang kasama ng bata.

“Opo. Excited lang po ako hehe”

“B-Bleak?” hindi makapaniwalang sabi ni Jasmine. Nakikita niya kasing nakangiti si Bleak.

“Siya si Bleak?”-Sagi

 

 

“Huh?! Ikaw na naman?!” maging si Bleak ay nagulat din, hindi niya inaasahan na makikita niya ang babaeng stalker niya dito sa Alstreim.

 

 

“Kaibigan mo ba sila kuya?” tanong ni Shawn habang pasalit-salit ang tingin kina Bleak at Jasmine.

“Sandaling lang muna Shawn ah. Pwede bang doon ka muna sa may playground? Kakausapin ko lang siya sandali.” Mahinahong paki-usap ni Bleak sa pinsan habang nakangiti ng bahagya.

“Sige po.” Sumunod naman si Shawn at pumunta sa playground.

“Bleak, masaya ako at nakita na k-”

 

 

“Anong ginagawa mo rito? Hanggang dito ba naman ay nasundan mo ako?” nakakunot noong tanong ni Bleak na halatang hindi masayang makita si Jasmine.

 

 

“Hindi kita maaring hayaang mag-isa dahil baka atakihin ka ng mga kalaban.”

 

 

“Alam mo kung bakiot nila ako inaatake? Dahil yun sayo. Pwede bang layuan mo na lang kasi ako? Naiinis na talaga ako sa kakulitan mo.”

 

 

“Bakit hindi mo muna kaya siya pakinggan?” inis na singit ni Sagi sa pag-uusap ng dalawa.

“At sino ka naman?” baling ni Bleak ng tingin kay Sagi.

 

 

“Ah! Bleak, siya si Sagittarius Heartfelt. Isa rin siyang meister na tulad mo. Hawak niya ang kapangyarihan ng water element. At ang babaeng katabi niya ay ang water goddess na si Lilian.” Pagpapakilala ni Jasmine sa dalawa.

 

 

“May mga kaibigan ka naman pala. Bakit hindi ka na lang sumama sa kanila imbes na ginugulo mo ako?”

“Hayaan mo lang akong ipaliwanag sayo ang lahat-lahat Bleak. Kapag narinig mo ang paliwanag ko ay saka ka magdesisyon. Kung ayaw mo pa rin ay dii na kita pipilitin ngunit hindi pa rin kita maaring iwan.”

 

 

“Bakit ba puro kawirduhan ang mga sinasabi mo?”

 

 

“Kuya? Matagal pa po ba iyan?” tanong ni Shawn habang hinihila ang damit ni Bleak. Mukhang nabagot na ito sa paghihintay.

“Sorry kung matagal ako Shawn. Wala akong planong makinig sayo, anuman ang sasabihin mo. Gusto ko ng maayos na buhay at malayo sa mga kakaibang nilalang na nakakaharap ko halos araw-araw mula ng makita kita.” Pagkatapos noon ay umalis na sila ni Shawn .

 

 

“Ang sama naman talaga ng ugali ng lalaking iyon! Mas malala pa sa akin  yun eh.” Inis na bulalas ni Sagi ng makalayo na sina Bleak.

“Sagi!” saway ni Lilian sa kanyang meister.

“Totoo naman eh.” Nakasimangot na saad ni Sagi habang nakatanaw sa naglalakad palayo na sina Bleak.

“Bleak…” malungkot na bulong ni Jasmine.

-------

Hehe may part 2 pa po ito, next Sunday na lang.

Dapat sana last week pa ito kaya lang di ko natapos i-type.

Salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa LOTBML J

Comment po kayo, wag kayong mahiya or matakot. Di ako nangangain promise! Hahaha para po malaman ko ang inyong mga saloobin about sa story. Malakling tulong din poi yon para paghusayan ko pa po ng maigi ang pagsusulat.

Pwede rin po kayong magsuggest or magtanong if may hindi po kayo maintindihan sa story.

<3 Rena

Continue lendo

Você também vai gostar

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...