The Heartbeats Of Distant Mel...

By Purplengx

857 219 240

MONEY. LUCK. TRUTH. These are just words that make the world go round. Lahat ng bagay na ninanais matamo ay... More

The Heartbeats Of Distant Melodies
...
BEGIN
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
END
AUTHOR'S NOTE

XIX

9 4 0
By Purplengx

CHAPTER 19

Smile

Natapos nang makarampa ang lahat ng teams at hanggang ngayon ay dumadagundong pa rin ang puso ko. Hindi nalang dahil sa pagrampa mamaya ng muses pero dahil na rin sa titigan namin ni Nic kanina. Hindi naman iyon aksidente alam ko dahil talagang bumaling sya sakin eh. Sure ako dun. Dahil sino naman ang ibang tititigan niya? Ang nasa likod ko? Mga ka team ni Asher yun kaya imposible.

Natigil ako sa pag iisip nang nag-iba na ang tugtog sa buong gym. Iyon na ang hudyat na sisilaban na ang torch sa tuktok ng isang college varsity player.

Tumakbo na si Jonessy na third year college at MVP lagi sa bawat laro ng varsity games. Both basketball and volleyball player kaya siya ang magla-light ng torch. Tahimik ang lahat at naka focus na sa tumatakbong si Jonessy. Nang masilaban nito ang torch ay umugong na ang palakpakan at hiyawan ng mga estudyante.

"Welcome to the Intramurals 2020, everyone!" anang emcee at naghiyawan ang mga estudyante sa bleachers pati na rin ang ibang students sa different team. Naglakbay muli ang mata ko at nahagilap ko si Nic na nakatingin lang din sa harap at pumapalakpak nang tahimik. He doesn't looked tensed, he's just sporting his usual cool air in him.

Naputol ang pag iisip ko nang biglang magsalita muli ang emcee.

"Let us also welcome the different muses from different teams! Please line up accordingly." anang emcee and that was our cue to move at the back of every team. Tinanguan ako ni Asher at inangat nito ang braso niya in a macho stance to give me a sign that I am strong and brave. I smiled at him and breathed all my fears. Bahala na talaga. Mabuti na lang at nanunood ako ng Asia's Next Top Model.

We moved at the back of our teams and lined up horizontally. Isa lang ang microphone at nasa gitna yun kaya naman kahit nasa likod kami ng teams namin ay dapat maglakad kami papunta sa gitna bago maglakad pa harap. There are 8 teams here kaya naman nasa pagitan ng pang apat at panglimang team ang microphone. At ang pang apat na team ay ang senior high department at business department naman ang pang lima.

"From college of engineering, let us welcome their muse-" tawag ng emcee. Sumunod na ang college of education matapos magpakilala ng nauna at ako na agad ang kasunod. Nangangatog na talaga ako pero pinilit kong kinalma ang sarili ko. I've watched Asia's Next Top Model, gagayahin ko lang ang facial expression nila at ngingiti ako siguro pagtapos magpakilala. Tama ganon na ang gagawin ko. Inayos ko ang skirt ko at kumalma nang marinig ang pagtawag sakin pero sadyang traydor ang puso ko. Mas nagtambol pa ito sa loob ng dibdib.

"From Junior High Department, Alejandra Lexi Chua." my last name echoed in the gymnasium.

Gaya ng mga nauna ay naglingunan din sa akin ang ibang mga estudyante but I cannot show them how nervous I am now. I maintained a straight face as I walked in front of the microphone.

Nang marating ko ang microphone ay agad akong napatingin kay Nic na nakatitig sakin. But he's smirking now and I don't know why. I looked away and maintained my posture as I held on to the microphone.

"Good morning! I am Alejandra Lexi Chua, grade 10 from Junior High School team." I smiled at hinawi ko ang buhok kong naka ponytail after that and glanced at Nic again. He looked stunned but his lips stretched with a..smile?

I walked at the back again and waited until the emcee is done calling all the muses. Nang matapos iyon ay nagpalakpakan ang mga students at sabay sabay kaming naglakad sa unahan. Nang marating namin iyon ay mas dumagundong ang gym sa palakpakan at sa tilian pati sigawan ng teams sa harap namin. I smiled and Asher caught my attention.

"ANG GANDA NG MUSE NAMIN!" he shouted and chanted my name kaya gumaya naman ang buong team. I chuckled at that.

Agad na pipili ang judges ng winner for the best muse award kaya nag antay pa kami doon ng 10 minutes. Mabilisan lang dahil ang pagrampa at confidence lang naman ang batayan. I don't know if I did well but the emcee's voice on the microphone shocked me.

"And our Best Muse of Intramurals 2020 who sported the confidence and beauty in her simple sporty attire is none other than Miss Alejandra Lexi Chua of Junior High school department!"

Everyone clapped at me and shouted my name kaya naman gulat na gulat ako lalo. My team is roaring and cheering for me. Nag iinit ang mga mata ko for so much happiness. Napahawak ako sa bibig ko at hindi ko na naalis yun sa sobrang shocked. So much for the first time.

The other girls who joined were a lot better and prettier than me pero hindi ko talaga alam kung paanong naging ako.

"May I request the captain ball of Junior High Department for photo op with our Best Muse 2020 before all of the captain ball of different teams."

Agad na nagpunta si Asher sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakahawak pa rin ako sa bibig ko habang niyayakap niya ako. Bagsak na bagsak ang mukha ko sa dibdib nito dahil sa sobrang tangkad at ngiting ngiti itong bumaling sakin.

"Congrats, Alex. Sabi ko na eh!" he whispered at inakbayan ako.

After few shots taken ay nagsilapitan na rin ang ibang captain ball pero si Asher ay di pa rin umaalis sa tabi ko. Mabilis ang paglipad ng mata ko sa papalapit na si Nic. Kinabahan na naman ako dahil sa tabi ko siya pumwesto. 

Like Asher, he towered over me too pero mas matangkad siya ng kaunti kay Asher. Bahagya pa silang nagkatinginan ni Asher at hindi ako makapaniwala na katabi ko siya ngayon!

He glanced at me with his cold eyes at nagpicturan na naman. I smiled at some of the shots but I sported the fierce look at some of it too. I don't know which is better so I did the same.

Bumalik na kami sa mga team namin at nag announce na ng schedule ang emcee at kung sino ang unang maglalaro ngayon hanggang sa sumunod na araw. Inannounce na rin ang ibang activities for Intramurals kaya nga lalo akong kinabahan nang marinig ko na sa wednesday na pala ang singing contest for CDSU Singing Idol.

Sa araw na ito ay Engineering vs. Education at Business vs. Psychology ang maglalaro ng basketball hanggang lunch tapos ala una naman ang volleyball team nila.

Nagpunta na kami sa bleachers ng team namin at nag congratulate silang muli sa akin. Si Baby ay nakalapit na rin doon pati ang ibang classmates namin. Nagkaroon muna kami ng group picture ng team at mayroon din kaming solo ni Asher sa phone niya. 

Matapos noon ay hinila ako nina Kuya Cisco at Kuya Anthony na hindi ko napansin kung kailan pa dumating. Naka v-neck shirt si Kuya Anthony at Kuya Cisco suot ang maong at rubber shoes nila. Magkaiba lang ang kulay ng shirts nila. Si Kuya Anthony ay naka black na v-neck at si Kuya Cisco naman ay naka baby pink.

"Ang galing ng baby girl ha, manang mana sa poging kuya!" Kuya Cisco hugged me.

"Congrats, baby girl." si Kuya Anthony.

I hugged them both at nang kumalas ay nakangiti sila sakin.

"Saan kayo niyan kuya? I asked my brothers.

"May imi-meet ako ngayon na ka grupo sa research", si Kuya Cisco ang nagsalita.

Research? Intrams ngayon ah. Sino naman ang baliw na magri-research pa rin habang nag eenjoy ang lahat sa intrams? Hindi ko nalang pinuna si Kuya Cisco at bumaling kay Kuya Anthony.

"Manonood lang ako pero inaantay ko pa ang tropa." he smiled cooly.

"Ah ako din kuya manonood mamaya puwede ba akong sumama sa inyo mamaya?" I smiled at Kuya Anthony.

Mabilis na umiling si Kuya Anthony. "Hindi puwede at puro lalaki ang kasama ko. Baka makursunadahan ka pa doon."

"Huh? Manonood lang ako eh."

"Hinde. Samahan mo nalang ang kaklase mo. Wag makulit." he patted my head like how he usually does kaya sinimangutan ko siya.

Sa huli ay nagpaalam na rin sila ni Kuya Cisco kaya sina Baby na ang nakipagselfie sa akin tapos kung sino sino na ang lumapit sakin. Panay ang ngiti ko sa camera nila, napalingon ako kay Asher at agad naman niyang nakuha ang tingin ko. I looked at him helplessly kaya nilapitan niya ako.

"Tama na yan. Okay na yan!" he blocked me with his body kaya naman umangil ang ibang di pa nagpapapicture. I am torn. Pero pagod na rin ako.

"Asher, sige tapusin ko lang ito tapos okay na." sabi ko habang nakatingala ako sa kanya. He sighed then smiled at me and gave me way.

After fifteen minutes ay natapos na rin yun kaya naman hinatak na niya ako palabas ng gymnasium. May mga bumabati pa rin tapos nakikipag apir naman si Asher sa mga nakikitang kakilala.

"Wala kayong laro ngayon?" I asked him and I noticed that he is still with his smiles.

"Wala, bukas raw kami sabi ni coach eh. Basketball and volleyball."

"Ah. Sino raw ang kalaban ninyo?"

"Senior High eh." he shrugged his shoulders.

I did not answered back kaya nang makarating kami sa wash room ay nagpaalam na ako agad.

"Papalit lang ako, Asher." I smiled shyly.

Nagulat siya kaya agad itong umiling sakin.

"Wag na muna. Kain na muna tayo doon sa canteen oh!" hinila niya agad ako doon pero huminto ako sa paglalakad kaya napabaling na siya sakin.

"Ang laki ng tiyan ko pagkakain ko kaya dapat magpalit muna ako." I joked at him and he laughed at me.

"Ayos lang, maganda ka pa rin para sakin oh." he smiled after laughing.

"Mambobola ka." I said seriously. Di naman bago sakin ang mga ganyang compliments kaya ayoko namang gawing excemption si Asher sakin. Although wala naman siyang sinasabi sakin na iba bukod sa pagkakaibigan kaya masama na mag isip at mag assume.

He laughed at me at nailing iling siya sa tawa niya.

"Oh no. Bumilog ka na ba? Hindi naman eh kasi kung binobola kita edi sana bilog ka na ngayon." he laughed again.

Ang corny pero tumawa ako para di mapahiya ang namatay na joke niya.

Sa huli ay napilit ko na rin siya na magpalit ako sa wash room tapos naghintay siya sa labas kaya naman nang lumabas ako ay naabutan ko siyang nakasandal lang sa pinaka labas doon sa may lababo.

"Sa wakas!" he exclaimed full of hope. Natawa ako kaya naman sumama na ako sa kanya pabalik ng canteen. I am now wearing black jeans and purple shirt still with my white converse shoes.

Nang makarating kami sa canteen ay agad nagtanong si Asher sa akin ng kakainin pero dahil hindi pa naman ako gutom ay sinabi ko nalang na kung ano ang kanya yun na rin ang akin. Mabilis siyang umalis at pumila doon. Medyo mahaba na ang pila dahil intrams ngayon at halo halong estudyante ang nasa canteen.

My sight was stolen by a familiar stares from my peripheral vision. Napalingon ako at nakita kong si Nic yun kasama ang team niya sa table na di kalayuan sa amin. He's playing with his lips using his fingers.

I looked at him but when I was about to turn my head away saka niya nilabas ang puting panyo ko at pinahid muli sa noo niya. He smiled at me wickedly.

Agad nag-init ang leeg ko hanggang mukha nang makita siyang ganoon at hawak pa ang panyo na hinahanap ko. Alam kong alam niya na hinahanap ko yun dahil nung na kina Baby kami ay nilabas niya rin iyon at ngumiti din ng kagaya ng ngiti niya ngayon. Ngiting nanghahamon.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil iniisip kong lumapit doon kahit pa nakakahiya. Siguro naman ay aamin siyang akin yung pag lumapit ako. I glanced at Asher at nakitang malayo pa siya sa pila. Siguro naman pagbalik ko ay tapos na siya.

Agad na akong tumayo at iniwan ang sling bag ko sa table namin ni Asher. Lumapit na ako sa table nina Nic. He's smirking at me as I approach their table. Napalingon din sa akin ang mga ka team niya.

"Hi." I said looking at Nic. Walang kaba kaba kaya mo yan Alex.

Napaangat ang tingin ng mga ka team niya at nagsitayuan ang iba doon at naglahad ng kamay sakin.

"Si Best Muse 'to ah! Hi, I am Matt." sabay lahad ng isa kaya tinanggap ko yun at ngumiti pero binalik ko ang tingin ko kay Nic na ngayon ay nakasimangot na.

Naagaw uli ng isa pang ka team niya ang atensyon ko.

"I am Lexis-" ngunit bago ko tanggapin yun ay tumayo na si Nic.

"Let's go." sabi niya sa team niya pero agad na umalma ang mga ito.

"Ha? Kauupo lang natin dito eh. Ikaw nalang. Dito nalang kami kay Alex." Matt smiled at me. I smiled back.

Padabog na naupo muli si Nic sa upuan kaya naman agad na akong nagsalita.

"Uh, I believe you have to return me something." I started. My heart is booming inside of me.

He raised his brow at me and smirked. "And what could that be, baby girl?" he said confidently. His teammates roared in laughter and amusement while my face heated at his reply. I felt insulted but I still have the nervousness in me. 

He addressed me baby girl? No, this isn't about nervousness. I am more of.. irritated. Baby girl, your face.

"You're using my handkerchief." I said with full of conviction. Tila naputol na ang pisi ko sa pagkapahiya.

His lips formed an 'Oh' reaction before laughing at me. He brought out his handkerchief. And that was a different one from what he used earlier.

"This? Is this really yours?" he smiled and continued playing me as he showed me his checkered handkerchief.

I am really sure na mukha na akong hinog na kamatis dito.

"T-that's not what you... used a while ago!" my voice raised a bit as I stuttered.

"Sabi mo eto ang panyo mo? Eh eto ang ginamit ko eh. Sayo ba ito?" si Nic sa tonong nang aasar.

Napatingin ako sa mga ka team ni Nic na nagingiti na rin sa pang aasar niya sakin.

"You.. you used the white one." I said and raised my brow to hide what I am feeling now.

"Ah, this one?" he brought out my handkerchief. Agad kong hinablot iyon pero hindi ko nakuha dahil agad niyang binaba. He chuckled at me.

"Not so fast, baby girl." he winked at me and smiled at me mockingly.

Naghagikhikan ang mga ka-team ni Nic at mas lalo akong nahiya doon. Nakangisi pa rin siya pero ang sarap niyang saktan. Naiinis ako kasi panyo lang naman eh ayaw pa niyang ibigay!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...