Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.2K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 30: Fallen Angel

1.2K 39 5
By msrenasong

Mula sa isang mataas na lugar, ilang kilometro ang layo mula sa bulkang Magayon ay pinagmamasdan ni Timothy ang nasabing bulkan.



Kararating lang nila sa lugar na iyon at pansamantala silang tumutuloy ng kaniyang pamilya sa kanilang bahay bakasyunan doon. Tatlong araw din silang mamamalagi dito bilang pagtupad ng kaniyang mga magulang sa kanyang hiling na makita ang bulkan.

Bagamat ilang kilometro ang layo ng kanilang bahay bakasyunan ay maganda naman ang pwesto nito dahil kitang-kita ang magandang bulkan lalo na ang bandang crater nito.

Sa pagtingin ni Timothy sa bulkan ay bigla na lamang siyang nakakita ng isang 'vision'. Mabilis lang ang vision na iyon ngunit malinaw niyang nakita dito ang pagkahulog ng isang anghel mula sa kalangitan.

"Aahhh? Huh? *blink* *blink* Isang anghel?" buong pagtatakang bulong niya sa sarili.

Nagtaka naman ang kanyang personal maid na si Veronica sa kaniyang kinilos.

"May problema po ba master Timothy?"

 

"Ah..w-wala naman, Veronica."

 


"Gusto niyo po bang ikuha ko kayo ng maiinom?"

 


"Uhm! Maraming salamat." pagtapos noon ay iniwan na siya ni Veronica upang kumuha ng maiinom.


Ibinalik naman niya ang tingin sa bulkan.


Nang mga oras ding iyon....

 



Habang naghihintay sa pag-alis ng bus ay naisipan ni Cashmere na kumain muna. Kanina pa sya nakatingin sa may binatana sa tabi niya at nakikita nya mula rito ang maliligalig na mga ibon sa kalangitan pati na rin ang kakaibang hugis ng mga ulap.



"Bakit parang...may hindi magandang mangyayari?"

Ilang sandali pa ang lumipas at napuno na ng pasahero ang kanyang sinasakyang bus kaya nagsimula na ang kanilang byahe papunta sa bayan ng Noriad.

Dahil ilang oras din ang aabutin ng kaniyang byahe ay napagdesisyunan ni Cashmere na matulog muna.


Nagising na lamang sya ng marinig ang ingay ng mga kasama niyang pasahero sa bus.

Hindi pa siya tuluyang nagigising ng bigla na lamang tumigil ang sinasakyan nilang bus kaya kamuntikan na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan.

"Aray! Ano bang nangyayari?" inaantok niyang sabi at nilingon ang kapwa niya mga pasahero. Nagtaka siya dahil lahat ng mga ito ay nakatanaw sa may bintana na may pagkamangha sa mukha. Ang ilan naman ay takot.

"Ano ba kasing meron--EEEHHHH??!" napalingon na din siya sa bintana at nakita na niya ang tinitignan ng mga pasahero...isang ipo-ipo sa gitna ng dagat.

"Nakatulog pala ako ng matagal at di ko namalayan na kita na pala ang karagatan ng Arabale dito sa kalsadang dinadaanan namin." kalmado niyang sabi kahit na nasa kakaiba siyang sitwasyon.

Maya-maya pa ay napansin na nila ang mabilis na paglapit ng ipo-ipo sa kanilang direksyon kaya naman ay nagpanic na ang mga tao at mabilis na bumaba ng bus.

Hindi siya nakipagsabayan sa paglabas ng mga pasahero sa bus upang makaiwas sa siksikan at aksidente dahil sa pagpapanic. Nanatili siyang kalmado sa kanyang upuan at pinagmasdan ang mabilis na paglapit ng ipo-ipo.

"Hoy! Bata! Magpapakamatay ka ba?! Kumilos ka na!" napalingon naman siya sa pagsigaw ng isang lalaki sa kanya. Lahat na pala ng pasahero ay naka-alis na.

Nang makalabas siya ng bus ay di na niya nakita pa ang ibang mga pasahero. Mukhang nakalayo na ang mga ito o kaya naman ay nagtago sa kakahuyan sa may tabi ng kalsada.

"Kailangan kong makahanap ng lugar na pwede kong pagtaguan." kalmado pa rin niyang sabi bagamat mababakas na din sa kanya ang pagmamadali.

Tumakbo siya ng mabilis papunta sa kakahuyan. Malayo-layo na rin ang natakbo niya. Sa bilis ng kanyang pagtakbo ay hindi niya napansin na malambot ang lupa na kanyang naapakan kaya naman ay nahulog siya at dumausdos pababa sa isang bangin na hindi naman ganoon kalalim.

"AAAAAAAHHHH!!!"

 



Mabuti na lamang at maayos siyang nakalanding pababa. Dahil sa kanyang pagkakahulog ay nadumihan sya ng husto at nagtamo ng ilang mga galos.



"Aray ko naman!"
daing niya.

Hindi pa niya naayos ang sarili nang marinig niya ang malakas na ingay sa itaas niya. Mukhang nakarating na ang ipo-ipo sa lupa. Maswerte pa rin na maituturing ang pagkakahulog niya sa bangin dahil di siya maabot ng ipo-ipo bukod pa sa nahaharang din ng mga nagtatayugang puno ang buong kakahuyan.

Yumuko siya at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang ulo habang naririnig niya ang ingay ng hangin. "Hindi ko inakalang mauuwi sa ganito ang byahe ko papunta ng Arabale." buong dismayado niyang sabi.

Maya-maya pa ay nanahimik na ang paligid. Dahan-dahan siyang umupo ng maayos at kinuha ang kanyang mga bag na narumihan na din. Kinuha na din niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone upang makatawag sa mga otoridad at makahingi ng tulong.

"Tatawag na ako ng rescue--"

 

"YAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!"

 

"Ah?! Huh?!" nagulat siya sa narinig na sigaw ngunit wala siyang makitang kahit sino sa paligid. "Ano yun?"

 


"YAAAAAAHHH!! SALUHIIIIIIN MOOOOO AAAAKKKKOOOOO!!!"

 


"Huh?....EEEEEEEHHHHH??!" O____________O napatingala na siya sa kalangitan at nakita niya ang isang babae na nahuhulog mula sa himpapawid.



"SALUHIIIIIIINN MOOOOOO AKKOOOO!!"

 



Hindi siya kaagad na nakakilos dahil sa pagkagulat at pagkataranta. Ikaw ba naman ang makakita ng taong nahuhulog mula sa langit.

"YAAAAAAAAAHHH!!"

 


"EH?!...AH?!...A-ANO..." bago pa tuluyang mahulog ang babae ay nakatayo siya kaagad at nagawa niya itong saluhin ng maayos.

"Maraming salamat, Cashmere! Hihihi." nakangiting wika ng babae. Napaka-amo ng mukha nito at talaga namang napakaganda na tila isang anghel.

"Ki-kilala mo...ako? Wag mong sabihing...ikaw ba ang sundo ko?" nahihiwagaang sabi ni Cashmere

"Huh? Sundo?"

 


----------------

"...sinasabi mong isa kang dyosa ng hangin at ikaw ang dala ng ipo-ipo kanina?" di makapaniwalang sabi ni Caahmere. Ipinaliwanag kasi sa kanya ng babae ang mga pangyayari.

"Tama! At ikaw naman ang sinasabi kong taong napili upang magtaglay ng tinatago kong kapangyarihan, ang hangin." nakangiting wika ng babae.


" Ako ang Wind Meister? Ibig sabihin ay magkakaroon ako ng kapangyarihan?"

 

"Oum! *munch* *munch* Yay! Ang sarap talaga nitong mga cookies! Ikaw ba ang may gawa nito?" masayang tanong ng babae habang kinakain ang baon ni Cashmere na mga cookies.


"Ah..masaya ako at nagustuhan mo pero di ako ang may gawa niyan, ibinigay yan sa akin ng akong tiyahin para baunin sa byahe ko papunta ng Arabale."

 


"Naku! Pasensya ka na at kinain ko ang mga ito Cashmere."

 


"Ayos lang hehe. Siya nga pala bata, dapat mo akong tawaging kuya dahil mas matanda ako sayo."

 


"Huh?" nakakunot noong tanong ng babae atsaka tumayo.


"Hindi porque maliit ako ay isa na akong bata! Hmp! Dalaga na kaya ako! 16 years old na ako ah!" inis na sabi ng babae habang nakapamaywang. Kahit na naiinis ito ay ang cute namang tignan ng kaniyang mukha. Nakakunot ang noo at nakalobo ang mga pisngi.

"Ahehehehe, sorry. Gayunpaman, dapat mo pa rin akong tawaging kuya dahil mas matanda ako sayo ng dalawang taon, bata."

 


"Camellia ang pangalan ko hindi bata! At baka nakakalimutan mong isa akong dyosa? Hmp!"

 

"Hahaha oo nga pala, sorry ulit. Camellia."

 

"Ayan! Mabuti yang ganyan Kuya Cashmere!"

 


"Hehe. Kaya lang, may problema tayo ngayon. Kailangan nating maka-alis kaagad dito. Pupunta pa ako ng Arabale." wika ni Cashmere habang nakatingala sa itaas ng bangin.


"Walang problema sa bagay na iyan Kuya Cashmere! Ako ang bahala sayo!"

 

"Huh?"

--------------

"WOOOOOOOWWW!!"
manghang bulalas ni Cashmere habang nakatingin sa malawak na karagatan ng Arabale. Nakasakay sila ngayon ng dyosang si Camellia sa tila isang ulap na kumpol ng mabilis na umiikot na hangin.

"Ang ganda ng tanawin dito sa himpapawid hindi ba, Kuya Cashmere?"

 

"Tama ka dun Camellia! Kaya lang...parang napakataas naman ata natin? Hehe."

 


"Tama lang ito. Dahil tiyak na magtataka ang mga tao kung sakaling makita nila ang isang ulap na mabilis na kumikilos sa kalangitan hehe."

 

--------------------------


Sa bayan ng Arabale...

 



"Uwaaaahhh!! Nakakalungkot naman ang sinapit mo, hija! Mabuti na lang at hindi ka nila nagawan ng

masama!" mangiyak-ngiyak na sabi ng Uncle Limuel ni Cashmere.



"Tama po kayo. Salamat po sa inyong pamangkin na si Cashmere at hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako."
maluha-luha ring sabi ni Camellia na tumingin kay Cashmere na nakaupo sa katabi niyang upuan.

"Oo, hija. Napakabait talagang bata niyang si Cashmere. Im so proud of you pamangkin." masayang sabi ni Ucle Limuel ngunit may luha pa rin sa mga mata nito.

"Ahehehe hehe" napapakamot sa ulong pagtawa ni Cashmere. Sa totoo lang ay di niya maunawaan ang mga nangyayari.

Pagkarating kasi nila sa bahay ng kanyang tiyuhin kanina ay nagtaka ito sa kanyang itsura na madungis at ang sunod na lang niyang namalayan ay ang pagdadrama/pag gawa ng istorya ni Camellia sa kanyang tiyuhin.


Habang nasa byahe kasi sila kanina ay sinabi ni Camellia sa kanya na bilang Keeper ay kailangan siyang makasama nito saan man siya naroroon. Kaya ito ngayon si Camellia, gumagawa ng paraan kung paano siya makakasama ni Cashmere.

Ayos sa kanyang kwento ay may malubhang karamdaman ang kanyang una. Nabaon sila sa utang ng kanyang ama dahil sa pagpapagamot sa kanyang ina. At isa sa mga nilapitan noon ng kanyang ama upang makahiram ng pera ay isang black organization. Sa kabila ng ginawa nilang pagpapagamot sa kanyang ina ay binawian pa rin ito ng buhay at sinisingil na sila ng kanilang mga pinagkakautangan. Lahat ng ari-arian nila ay naubos dahil ito ang ipinangbayad nila sa kanilang mga pinagkakautangan. Di nagtagal ay nagkasakit ang kanyang ama dahil sa sobrang pagtatrabaho at binawian din ito ng buhay. Isang araw ay bigla na lamang siyang dinukot ng mga di kilalang kalalakihan at sinabing siya ang pambayad sa utang ng kanyang ama sa black organization. Ilang araw din siyang nanatili sa headquarters ng mga ito. Takot na takot siya na baka kung anong gawin sa kanya ng mga miyembro ng organization kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon ay tumakas siya ngunit nalaman ito ng mga taga-black organization kaya hinanap siya ng mga ito. Sa kanyang pagtatago ay hindi inaasahang nagtagpo ang kanilang landas ni Cashmere at walang atubili naman itong nag-alok ng tulong sa kanya ng malaman nito ang kanyang sinapit.


"Ang mabuti pa siguro hija, tutal sinabi mong wala ka ng mga magulang at mapupuntahan ay dito ka na tumira sa aking bahay. Welcome na welcome ka dito. Isa pa ay ligtas na bayan itong Arabale, hindi ka magagawan ng masama ng mga taong humahabol sayo dito dahil sa mahigpit na seguridad na pinaiiral dito sa amin." nakangiting wika ni Uncle Limuel at bakas sa mukha nito ang pagbibigay ng kasiguraduhan para sa kaligtasan ni Camellia.

"TALAGA PO?!" masayang bulalas ni Camellia ngunit kaagad din niyang binawi ang masayang tono dahil kailangan pa niyang magdrama ng kaunti. "A-ang ibig ko pong sabihin ay...ayos lang po sa inyo? Dito na lang po ako?" nakayukong wika ni Camellia habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri na tila ba ay nahihiya.


"Oo hija, dito ka na lang sa amin."

 

"Naku marami pong salamat Ginoong Limuel!"

 

"Ehem! Excuse me, hija. Wag mo akong tawaging ginoo."

 


"Ah! Paumanhin po, Madamme Limuel."

 

"Ayan! Bongga!!" pumalakpak pang bulalas ni Uncle Limuel.

"Marami po talagang salamat!" abot tengang ngiti ni Camellia at yumakap kay Uncle Limuel. Nilingon ni Camellia si Cashmere na alanganing nakangiti at binigyan niy ito ng isang thumbs up na parang sinasabi niyang "nagawa ko".

"Hehe hindi ko akalain na mag-iiba ang takbo ng buhay ko dahil sa pagpunta dito sa Arabale." bulong ni Cashmere sa sarili at nagthumbs up na lang din kay Camellia.

----------------------

haha dahil sa estudyante po ako at busy din ay every sunday po ang update ko. salamat po sa pang-unawa at patuloy na suporta sa LOTBML. <3<3

Belated happy birthday pala sa ating Water Meister na si Sagi! Birthday nya kahapon eh.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...