Time After Time

By RoseTanPHR

155K 6.5K 496

The year was 1988. Sixteen year-old Olivia passed out on the night of the prom. When she came to, it was yea... More

Untitled Part 1
Untitled Part 2
Untitled Part 3
Untitled Part 4
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 12
Untitled Part 13
Untitled Part 14
Untitled Part 15
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 18
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 37
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 45
Untitled Part 46
Untitled Part 47
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
BOOK THREE
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 63
Untitled Part 64
Untitled Part 65
Untitled Part 66
Untitled Part 67
Untitled Part 68
Untitled Part 69
Untitled Part 70
Untitled Part 71
Untitled Part 72
Untitled Part 73
Untitled Part 74
Untitled Part 75
Untitled Part 76
Untitled Part 77
Untitled Part 78
Untitled Part 79
Untitled Part 80
Untitled Part 81
Untitled Part 83
Untitled Part 84
Untitled Part 85
Untitled Part 86
Untitled Part 87
Untitled Part 88
Untitled Part 89
Untitled Part 90
Untitled Part 91
Untitled Part 92
Untitled Part 93
Untitled Part 94
Untitled Part 95
Untitled Part 96
Untitled Part 97
Untitled Part 98
Untitled Part 99
Untitled Part 100
Untitled Part 101
Last Part

Untitled Part 82

1.8K 70 13
By RoseTanPHR


COMMERCIAL building na bahay ang kina Rius. Tindahan ng automobile parts at electronics ang ibaba. Sa second floor ang mga ito nakatira. Minana na lang daw ng tatay ni Rius ang negosyo sa ama niyon. Pioneer ng ganoong negosyo sa Tres Cruces ang ninuno ni Rius kaya kahit nagsulputan na sa kalyeng iyon ang mga tindahang kaparis ng sa mga ito, mas kilala pa rin ng mga tao ang Tinio's Auto Parts & Electronics.

Pasado alas-siete ng gabi dumating doon sina Olivia at Trini. Trini was excited. Too enthusiastic. Something Olivia could not relate. May agam-agam siya sa pagparoon. Not that she didn't want to. Kaibigan nila si Rius, they were proud of him. Kaya kahit may alinlangan, determinado siyang maki-celebrate sa tagumpay ni Rius.

Sinamahan sila ng isa sa mga boy ng mga ito papunta sa likod ng bahay. Doon daw ang handaan. Malawak pa pala ang property sa likod. Nababakuran ng mataas na pader. Tinakpan ng kurtinang asul ang backwall dahil naroroon ang buffet table. Bawat mesa doon ay okupado na ng mga bisita. All ages. Langhap na langhap ang amoy ng mga putahe. Dalawang baboy raw ang kinatay para sa okasyon. Full blast ang 80s dance hits mula sa malaking speaker sa isang sulok.

Pero ilang segundo muna ang lumipas bago rumehistro ang lahat nang iyon kay Olivia. Natigilan siya pagbungad sa likod ng bahay. She was familiar with it. She had been there before. Kung kailan, hindi niya alam.

Sa panaginip ba o nasilip na nila iyon dati noong puntahan nila si Rius? She wasn't sure anymore.

"Rius!" Trini shrieked. At nilusob na nito ang palapit pa lang na si Rius. Niyakap ng mahigpit. "Congrats! We're so proud of you!"

Gumanti ng yakap si Rius, "Salamat. 'kala ko hindi na kayo dadating."

"Pwede ba 'yun? Ikaw lang ang kaisa-isang matino sa ating tatlo." Kumalas si Trini kay Rius, pero parang nagbago ng isip, niyakap uli ito, "Congrats talaga." Sabay abot ng regalo, "Sana magustuhan mo. Magagamit mo 'yan wherever you are."

"Thanks..uh, kain na kayo. Tara dun." Tukoy ni Rius sa buffet.

"Congrats, Rius." Sabi ni Olivia, niyakap rin niya ito bago ibigay ang regalo niya.

On the way to the buffet, nadaanan nila ang mesa ng ilan sa mga kaklase nila sa Filomena. The greetings were awkward. Most of them just gawked at her and Trini. Iyon ang pinangangambahan ni Olivia kaya kabado siya sa pagpunta doon.

But it wasn't so bad, sa loob-loob niya nang makalampas doon, minsan talaga, kailangan mo lang tapangan ang mukha mo. Siya lang rin ang magdudusa kung lagi na lang siyang mahihiya at magtatago na lang. Para na rin niyang tinanggap na si Marife talaga ang nagwagi.

The bitch might have gotten away with murdering Corey and causing the death of Trini's child, but she would not let Marife get away with ruining her life. Nakatitig siya sa banner na nakaladlad sa pader nina Rius:

'CONGRATULATIONS!!! Engineer Rius Joseph Tinio. From Mama, Papa, Magnus & Pia'

Panganay si Rius. He had set the bar for his siblings. Magandang halimbawa. Dapat tularan.

Olivia thought of Tiff. Dapat na talaga siyang mag-isip-isip. Masyado na siyang nagpa-apekto sa mga ginawa ni Marife. While the others, like Rius, were moving forward, silang dalawa ni Trini, they were stuck in the past.

Ni hindi niya magawang magplano. Tuwing iisipin niya ang future, wala siyang makita. She couldn't imagine it. It was blank.

Because I refuse to let go. I'm living in memories and what could have beens.

Pagkakuha nila ng pagkain, sinamahan sila ni Rius sa mesa na mga kaibigan nito sa college ang nakaupo. Mga engineer na rin. Tatlong lalaki, isang babae. Ipinakilala sila.

"Matagal na kayong magkaibigan, 'tol?" Sabi ng isa sa mga lalaki kay Rius. "Tapos, ngayon mo lang 'pinakilala sa 'min? 'sama mo, brod." Sabay inilahad kay Olivia ang kamay, "Gabriel. Gab na lang, at your service."

She smiled back. The guy was cute. Singkit. Maputi. At hindi nagtagal, nalaman niyang kwela rin. Kapag tumatawa, nawawala ang mga mata pero lumilitaw naman ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Olivia found herself warming up to Gab.

"Type mo, aminin mo." Biro ni Trini nang bumalik sila sa buffet table para kumuha uli ng mga hipon.

"Ewan...para s'yang si Corey, makulit."

"Pansin ko rin." Sang-ayon ni Trini, "Pero...wala na si Corey, 'wag mo s'yang buhayin sa kung sinu-sino kasi, hindi ka magiging masaya. Gusto ko, maging masaya ka."

"Ikaw rin."

"Masaya na 'ko."

And Olivia could really see that. Trini looked..content. Peaceful. May glow sa mukha, clear ang mga mata.

"Tara na dun, magtira naman tayo." Aniya, parang hindi hinakot ang mga sugpo.

"Oo, nga, kawawa naman ang ibang visistors." Sabay dumakot pa ng mga hipon si Trini, isinalpak sa plato ni Olivia.

Nag-volunteer si Gab na ikuha sila ng juice at ipagbabalat pa raw sila ng hipon.

"Basta penge ng number mo." Anito.

Kinantyawan sila sa katakot-takot. Olivia blushed yet she could not hide her smile.

Pasado na rin sa board exam si Gab kaya engineer na rin ito. Wala lang daw pambili ng baboy at sandamakmak na seafood ang pamilya nito kaya nakiki-celebrate na lang kay Rius. Tsaka, pasang-awa lang daw naman ito, "Tama na raw ang sopas at puto sa 'kin sabi ng inay."

Nang malamang hindi pa graduating si Olivia, "'wag mo nang tapusin, mapapagod ka lang. Ako na lang ang bubuhay sa 'yo."

Nang malamang piloto ang daddy niya, "Ah, si daddy na lang ang bubuhay sa 'tin. Matutuwa ang inay, makakasakay na ng eroplano sa wakas."

Katatawa ni Olivia, hindi niya namalayan na ubos na ang hipon, bundat na siya.

"Ang tindi n'yo sa kolesterol." Comment pa ni Gab.

"Binalatan mo kasi ng binalatan, 'yan tuloy, ubos." Sabi ni Olivia.

"May gayuma kasi ang mga kamay ko--" Gab wiggled his fingers.

"Yukkk, an' lansa." Malansa rin ang kamay niya, "Excuse...uh, saan ang CR?"

"Samahan kita." Prisinta ni Gab.

Itinulak niya ito sa dibdib, "Ano ka?"

"Shit! Pam-party kong polo 'to!"

Tatawa-tawa si Olivia. Inaya niya si Trini sa CR. Banyo ng mga tauhan sa tindahan ang nakita nila. Maliit lang, walang lababo. Toilet lang at gripo. May baldeng lata at tabo.

"Mauna ka na." Sabi ni Trini.

Maghuhugas lang naman si Olivia ng mga kamay kaya hindi na niya isinara ng husto ang pinto. Umiskwat siya sa harap ng balde. Iyong kapirasong detergent bar nasa sulok ang ginamit niyang sabon.

Nang patayin niya ang gripo, saka lang niya narinig na parang may komosyon sa labas. Love song na ang tugtog kaya siguro parang tumahimik...but even the din of people eating and talking seemed to have disappeared.

Then she heard a woman, "Tama na! Awatin n'yo!"

Boses ni Rius, "Trini, tama na---" concerned. Nakikiusap.

Olivia hurried outside. Nasa gitna ng handaan sina Trini at Marife, mukhang nagpang-abot, pinaghihiwalay ng mga tao. Hila-hila ni Rius si Trini.

"Trini!" Lumapit sa kaibigan si Olivia at pinandilatan niya si Rius, "You invited her?!" Tukoy niya may Marife.

"No." Maagap na sagot ni Rius. "Dumating lang, ano'ng magagawa ko, nandito na?"

She believed him. Gawain na talaga ni Marife ang imbitahin ang sarili.

"Sorry." Sabi niya kay Rius. "Uh, uuwi na siguro kami. Pasensya ka na, Rius."

"Okay lang. Alam ko naman--"

Pumiglas sa hawak ni Rius si Trini, "Sandali!" Sigaw nito. "Pasensya na po sa inyong lahat kung naabala ang pagkain at tsismisan n'yo. Gusto ko lang ho sabihin sa inyong lahat, 'yang babaing 'yan, si Marife Alarcon ang totoong pumatay kay Corey Manson! Naiintindihan n'yo? Hindi si Olivia Teves! Si Marife ang totoong kriminal!

"Alam n'yo kung bakit? Dahil ang ama ni Olivia, si Captain Greg Teves, Gorio kung tawagin noong high school, s'ya ang sinisisi ni Marife sa pagkalumpo ng kanyang amang si Joel Alarcon at pagbagksak ng kanilang kabuhayan! Baon na sa utang ang pamilyang Alarcon! Naghihiganti si Marife sa pamamagitan ni Olivia. Pinatay niya si Corey at pinalabas n'yang si Olivia ang may kagagawan!"

Hindi makapagsalita si Olivia. Paano...saan nanggaling ang mga sinasabi ni Trini?

"Wala kang ebidensya! Sinungaling ka!" Sigaw ni Marife.

"Tanga ba ako?" Patuyang sagot ni Trini. "Tanga ba ako na magsasalita dito kung wala akong ebidensya? Bukas na bukas rin, dadalhin ko 'yun sa mga pulis! Tapos na ang maliligayang araw mo! Magdudusa ka sa kasalanan mo!" Pagkasabi niyon, deretso papasok sa backdoor si Trini. Nilampasan si Olivia.

Hinabol niya ito, "Tri! Paano mo--"

"Bukas mo malalaman lahat." Tumitig ito kay Olivia, "Let me go."

"H-Hindi ka ba sa bahay matutulog?" Renovated na ang bahay nila doon at si Manang Udes lang ang nakatira.

"Uuwi na ako." Sabi ni Trini. Niyakap si Olivia ng mahigpit, "I got to go." Bulong nito.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...