Time After Time

By RoseTanPHR

155K 6.5K 496

The year was 1988. Sixteen year-old Olivia passed out on the night of the prom. When she came to, it was yea... More

Untitled Part 1
Untitled Part 2
Untitled Part 3
Untitled Part 4
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 12
Untitled Part 13
Untitled Part 14
Untitled Part 15
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 18
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 37
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 45
Untitled Part 46
Untitled Part 47
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
BOOK THREE
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 63
Untitled Part 64
Untitled Part 65
Untitled Part 66
Untitled Part 67
Untitled Part 68
Untitled Part 69
Untitled Part 70
Untitled Part 72
Untitled Part 73
Untitled Part 74
Untitled Part 75
Untitled Part 76
Untitled Part 77
Untitled Part 78
Untitled Part 79
Untitled Part 80
Untitled Part 81
Untitled Part 82
Untitled Part 83
Untitled Part 84
Untitled Part 85
Untitled Part 86
Untitled Part 87
Untitled Part 88
Untitled Part 89
Untitled Part 90
Untitled Part 91
Untitled Part 92
Untitled Part 93
Untitled Part 94
Untitled Part 95
Untitled Part 96
Untitled Part 97
Untitled Part 98
Untitled Part 99
Untitled Part 100
Untitled Part 101
Last Part

Untitled Part 71

1.7K 67 11
By RoseTanPHR


SA Valencia's sila tumuloy dahil hindi nga naman sila makaka-stay sa bahay kung ginigiba iyon.

"Kami na lang ng daddy mo ang sisilip dun sa bahay, dito ka na lang. Magswimming ka, tutal birthday mo naman." Sabi ni Ate Ellen nang tsekin si Olivia sa kwarto.

"Si Tiff?" Hati si Olivia kung gusto niyang kasama niya mag-swimming ang kapatid o hindi. She was very fond of her sister, pero alam rin niya kung gaano kakulit ang bata.

Ngumisi si Ate Ellen, "Isasama na lang namin. Day-off ka muna, yaya."

Napangiti rin siya, "Thanks. Ano'ng oras kayo babalik?"

"Depende sa daddy mo. Pero pwede ka namang kumain dito, dun sa restaurant or tawag ka sa room service."

"Okay, see you laters alligaters."

Ikinandado niya ang pinto paglabas ni Ate Ellen. Kaya pala siya pinagdala ng swimsuit, sa loob-loob niya habang kinukuha iyon sa bag. Simpleng one-piece, itim na Speedo, iyon rin ang ginagamit niya sa swimming lessons, may katernong swimming cap na wala siyang balak isuot sa araw na iyon.

Nakaka-pangit ang swimming cap, sa totoo lang.

Pumasok siya sa banyo para magpalit. Wala pang sampung minuto, tapos na siya. Iyong salamin sa kwarto ang ginamit niya para i-check ang sarili dahil mas malaki iyon.

Ina-adjust niya ang leg hole nang may kumatok. Nagsuot muna siya ng bathrobe bago buksan ang pinto.

Iyong babaing kausap nila kanina sa front desk, may kasamang lalaki na hindi niya kilala pero...parang pamilyar. Payat, mahaba ang buhok sa likod pero ahit sa mga gilid.

"Miss Olivia, gusto ka daw makausap ni Sir Reynante." Sabi ng babae.

"H-Hindi ko s'ya--"

"Ante." Sabi ng lalaki. "Tyuhin ako ni Trini."

Napanganga, napaatras si Olivia sa gulat, "No way--"

"Kasama ko si Trini. Nandun sa nursery. Hindi rin n'ya alam na nandito ka, sabi ko ay mamasyal lang kami. Sorpresa ito ng mga daddy mo sa 'yo. Sorpresa ko naman kay Trini."

"No way! No way!" Umiiyak-tawa siyang tumakbo palabas. Hindi niya alam kung saan ang nursery....no, she knew exactly where it was...she dreamed of it. "Trini...Trini.." she reached the lobby, turned to the back entrance at halos lumipad na patawid ng tulay na nasa gitna ng swimming pool na mas malaki kaysa nasa unahan.

Nasa kabila niyon ang nursery.

May babaing nakaupo sa bench sa loob ng berdeng net, nakamasid sa mga orchids doon.

"Trini!" Sigaw ni Olivia. "Trini!"

Lumingon ang babae, nanlaki ang mga mata at napakapit sa bench.

Humahalakhak na si Olivia, pero umaagos ang luha, "Trini--" she ran to her friend.

Trini stood, "Ibyang? Ibyang?"

"I missed you so much!" Niyakap na niya si Trini. "I missed you so much it's painful." Parang sasabog ang puso niya, aatekahin siya.

"I missed you too." Gumanti ng yakap sa kanya si Trini at humagulhol, "Olivia---"

"Hey--" kumalas siya kay Trini. Hinawakan niya ang pisngi nito. Patuloy ito sa pag-iyak. "What's wrong?" Noon lang rumehistro sa kanya ang hungkag nitong mga pisngi, nanlalalalim na mga mata, maputlang labi. Trini was also very thin. "Are you...sick?"

Umiling ito, "Hindi..oo...hindi ko alam." Para itong kakapusin sa paghinga dahil sa pag-iyak.

Inalalayan niya ito na maupo, "Tell me what's wrong, Trini." Ginagap niya ang kamay nito.

"Lahat wrong--"

"Why? K-Kumusta pala 'yung baby mo? Malaki na siguro...kasinglaki ni Tiff..kapatid ko si Tiff, Trini. May kapatid na 'ko--"

Binawi ni Trini ang kamay, inabot ang backpack na nakalapag sa lupa, binuksan at inilabas mula doon ang Mickey Mouse stuffed toy. Iyong regalo niya dito noon.

"Ito ang kauna-unahan n'yang laruan, Ibyang. Una at huli." Nahulog na naman ang luha ni Trini. Parang noon lang nakakita si Olivia nang ganoon karaming luha na bumubukal sa mga mata ng isang tao.

"What do you mean?" Umiiyak na rin siya.

Pinahid ni Trini ang mga luha, "Wala, eh. Tiniis ko lahat nang masasakit na salita ng mga tao, lalo na ng pamilya ko. Wala lang pala. Namatay s'ya, eh. Si Micky."

"Ha? B-Bakit daw?"Nanlamig ang buong katawan niya. Her hands shook. "Paano nangyari 'yun?" Napisil niya ang stuffed toy. Micky. The boy in her dreams was Micky, Trini's son. Pero...si Micky pala ang..namatay.

Trini kept on crying, "Na-trauma raw. Ewan. Nahulog ako sa hagdan, dinugo ako--"

"Bakit?"

"Umuwi ako noon kasi si Corey...kinulit ako. Magkita-kita daw tayong tatlo, susunduin ka n'ya sa prom, magkikita tayo dito. Gustong-gusto ko rin naman kayong makita, lalo ka na. Hindi mo na kasi sinagot 'yung sulat ko.

"Pero hindi na 'ko natuloy pumunta dito. Sinugod ako ng asawa ni Raffy. Nalaman n'ya na nandito ako, hindi ko alam kung paano kasi ni hindi nga n'ya alam 'yung apartment sa Pasay." Pinahid uli nito ang luha pero hindi naman nauubos.

"Hinila n'ya ako sa hagdan." Patuloy ni Trini. "Hindi ako makalaban, Olivia. Kasi..alam kong mali ako. Kahit patayin daw n'ya ako, may karapatan s'ya dahil masama akong babae...tama naman s'ya...wala akong magawa..."

Kinuha ni Olivia ang laylayan ng bathrobe, iyon ang pinampunas niya sa mukha ni Trini, doon na rin niya ito pinasinga.

"Hindi ako tinulungan nila mama...pinabayaan nila ako...pinabayaan nila si Micky--wala na ang anak ko...hindi ko matanggap, hindi maalis 'yung sakit, Olivia. Hindi s'ya maalis dito--" dinakot ni Trini ang sariling dibdib, "Kasalanan ko, masama akong babae..hindi na 'ko magkaka-baby kahit kelan--"

Tinanggal na rin daw ang matris ni Trini. Iyon ang parusa. Habangbuhay. Sa isang pagkakamali.

Hindi nila alam kung gaano sila katagal na umiiyak sa loob ng nursery. Pinaghatian na nila ang bathrobe.

"Nagalit rin ako sa 'yo noon." Sabi ni Trini. Inabot uli ang backpack, may kinapa sa bulsa, "Akala ko pinabayaan mo na rin ako. Na hindi ka na intresado sa 'kin." Kaha ng sigarilyo ang inilabas nito. Nakasuksok na rin doon ang lighter. Kumuha ito ng isang stick at sinindihan.

"Kelan ka pa natuto n'yan?"

"Ewan." Humithit si Trini. Bumuga. Sanay na sanay na. "Pero nalaman ko ang nangyari...si Corey..."

Napayuko si Olivia, "I killed him." Sa unang pagkakataon, nasabi niya iyon ng malakas.

"Imposible raw sabi ni Rius."

"Pero ako mismo ang nagsabi...sa sulat. Para sa 'yo sana kaso, hinarang pala nina Inay kaya hindi mo natanggap. Akala ko naman, ayaw mo lang sumagot."

"Bakit sila ganon? Ang mga tao--" tuloy sa paninigarilyo si Trini. "Mapanghusga. Kaso, nabalitaan ko, patay na sila pareho."

Tumango si Olivia, "Saan ka ba nakatira, Trini?"

"Dun pa rin sa Pasay. Sinusustentuhan ako ni Raffy, pinag-aaral n'ya ako. Ayaw na nga n'ya kasi wala naman nga kaming anak, kaso tinakot s'ya ni Tito Ante. Papatayin s'ya nun. Sinira daw ni Raffy ang buhay ko, dapat lang na sustentuhan ako . Pero ayoko naman mag-aral. Para saan pa?"

Tanong rin iyon ni Olivia sa sarili. Pinagpaplanuhan na nina Ate Ellen ang pagka-college niya pero wala siyang maisip na kurso. Hindi niya alam ang gusto niya. Para saan nga ba ang paghahanda sa future kung alam mo na ang mangyayari?

Alam na niya na hanggang pagtanda niya, bilanggo siya ng kasalanan niya kay Corey at sa pamilya niyon.

Alam na ni Trini na habangbuhay, bilanggo rin ito ng isang pagkakamali.

"Gusto ko na lang mamatay." Sabi ni Trini, nakatingin sa orchid.

"Oo, nga." Sang-ayon ni Olivia. "Sinubukan ko na nga isang beses. Ininom ko 'yung mga pampatulog ko, sabay-sabay." Pero maagap si Beth. Nakita na walang laman ang botelya, tiningnan ang pupils niya at nagtawag ng ambulansya.

"Isang beses lang?"

"Ikaw ba?"

"Three." Hinaltak ni Trini ang manggas ng long sleeves na polo. May mga peklat ang pulso nito. "Kung hindi lang kay Tito Ante, lulundag na 'ko sa building. Naaawa ako pag naiisip ko na wala na s'yang kakampi pag namatay ako. Tsaka kanda iyak na sa 'kin 'yun tuwing maglalaslas ako." Pumihit ito paharap kay Olivia, "Pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko matitiis....tinatawag ako ni Micky..naririnig ko s'ya sa panaginip ko...iyak nang iyak..wala s'yang mama dun. Gusto ko s'yang makasama. Gustong-gusto kong makasama ang anak ko."

"Saan ka nag-aaral, Trini?"

"Sa UE. Accounting. Pero irregular ako."

"Pwede na akong mag-college. Naayos ni dad 'yung transcript ko sa Filomena. Dun na din ako sa UE. Accounting."

Natawa si Trini. Natawa rin si Olivia. And they could not stop laughing.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong niya nang mahimasmasan sa pagtawa.

"Sige."

Magkasabay silang naglakad papunta sa restaurant, "Kelan ka umuwi?"

"Kagabi. Akala ko naman kung ano ang nangyari, ayaw sabihin ni Tito Ante. Basta daw kailangan kong umuwi muna. Yun pala, may surprise s'ya." Hinarangan ni Trini ang daraanan ni Olivia, "Happy birthday!" Ibinukas nito ang mga kamay.

They hugged tightly, "I need you, Trini. I get nightmares...I hear clocks.."

"Clocks?" Kumalas si Trini kay Olivia.

"Galit sila sa 'kin...I stole Corey's time..I killed him." Hindi na sinasabi iyon ni Olivia kay Ate Ellen. Ayaw na niyang dagdagan ang iniisip niyon. Isa pa, maliban sa pananaginip ng ganoon, okay naman siya.

"Pero...mas naniniwala ako kay Rius."

"Nagkakausap ba kayo madalas?"

"Isang beses lang, nagkasalubong kami sa may Recto, pupunta daw s'yang Raon, bibili daw s'ya ng parts..ewan kung part ng ano. Inaya ako mag-Jollibee. Kinukumusta kita, wala naman daw s'yang balita. Basta ang alam n'ya that time, nagising ka na. Nahihiya naman daw s'yang pumunta sa inyo.

"Tapos 'yun, napag-usapan namin 'yung nangyari kay Corey. Sure daw si Rius sa nakita n'ya. Nagtatakbo 'yung sumaksak kay Corey, pero pagtingin n'ya uli kay Corey, nandun ka naman."

"kapareho ng suot ko ang suot nung sinasabi n'ya."

"Oo daw. Nakausap mo rin?"

"Nung burol ni Inay Doris."

"Alam ko rin, Olivia, hindi mo magagawa 'yun kay Corey."

"Pero depressed na 'ko noon pa...dahil sa pagkawala ni Mama. Naiitago ko lang daw. 'yun raw ang explanation sa behavior ko noon..'yung pagtakas-takas. Bandang huli, I snapped."

"Pero kasi, Ibyang, kung may papatayin ka noon, I'm sure hindi si Corey." Tumawa si Trini, "Si Marife."

Hindi tumawa si Olivia, "I've been thinking...simula nung makausap ko si Rius. Kung tama s'ya, may nanggaya sa damit ko noong prom. Nakita ko 'yung modista na tumahi nun, sabi n'ya, may taga-Filomena raw na tumingin dun sa damit. Inurirat daw, pinakuha pa sa hanger. Hindi n'ya alam ang pangalan, hindi rin n'ya daw tanda ang mukha. Pero tanda n'ya, may kwintas na puso. Tanda raw ni Aling Belen kasi, nakayuko sa damit, lumalapat dun 'yung pendant."

Napahinto uli si Trini, "Si Marife!"

Tumango si Olivia, hindi yata hinuhubad ni Marife ang kwintas na iyon kaya kilala nila. "Pero ano ang ibig sabihin nun? Tiningnan lang naman n'ya ang damit...hindi naman proof 'yon na kinopya n'ya."

"Pero hindi na 'ko magtataka kung kopyahin n'ya. Luka-luka 'yon, eh. At kung kinopya n'ya, sinuot rin n'ya sa prom? S'ya ang nakita ni Rius!"

"Wala tayong proof. Maski si Rius, hindi sigurado. Akala n'ya ako rin 'yung tumatakbo."

"But can't you see?" Sabi ni Trini, nanggigigil, "Possible talaga na hindi ikaw ang pumatay kay Corey."

"But if I believe that..i have to prove it. Or else, hindi ako matatahimik. Pero hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan."

"Kausapin uli natin si Rius."

"You'll help me?"

"Op kors! Because I am the kind of friend--" kumanta na si Trini, "You know would stay with you through all the pain..."

Dinugtungan iyon ni Olivia, "Never to leave you in the rain.."

...ready to listen to what you've been through, your woes and blues and share each other's points of view..

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...